"Anak,mukhang napakatamlay mo nitong mga nagdaang araw ah!may problema ba?"
Nilingon ko si Inay pagkuway muli ko na naman ibinalik sa kawalan ang aking paningin.
Isang linggo na ang lumipas..at isang linggo narin ang paghihintay ko kay Prince Zeneyd.
Ni hindi na rin nya ako dinadalaw sa aking panaginip..
Tuluyan na nya akong kinalimutan..
Huminga ako nang malalim bago nagsalita.
"Mayroon lang akong iniisip 'Nay.."
"Tungkol ba ito sa kagustuhan mong pagluwas ng Maynila para doon ipagpatuloy ang iyong pag-aaral?Zacky...hayaan mo,pipilitin ko ang iyong Itay para payagan ka nyang umalis-"
"'Nay?"
Nilapitan nya ako at marahan syang tumabi ng upo sa akin.Dinala nya ako sa kanyang dibdib kaya naisandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib..naramdaman ko ang paghagod ng kanyang kamay sa mahaba kong buhok.
Napaka-swerte ko dahil mayroon akong mapagmahal at maarugang ina.
"Naiintindihan ko naman anak eh!naiisip ko rin kasi na hindi naman pwedeng dito nalang iikot ang iyong mundo..alam kong mataas ang iyong pangarap sa buhay-"
"Inay...tama din naman po kayo,tsaka ayoko rin namang mapalayo sa inyo...hindi naman po ako nagtatampo sa nagiging disisyon nyo ni Itay,mayroon lang talagang bumabagabag sa aking isipan ngayon kaya ako matamlay."
Biglang tumahimik si Inay..siguro nagtataka sya sa nagiging sagot ko.
"Kung hindi tungkol doon at ano naman yang bumabagabag sa utak mo?"
Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Gusto mong makinig ng kwento tungkol sa Prinsipe 'Nay?"
Napahagikhik ng tawa si Inay bago sumagot.
"Ikaw na bata ka iniiba mo naman ang usapan,sige nga...magkwento kana lang muna habang inaantay natin ang pagdating ng Tatay mo mula sa bayan."
Napangiti ako bago ko sinimulan ang pagkukwento.
"May isang babaeng mortal na nakatagpo ng napakakisig na Prinsipe sa kabilugan ng buwan..
Noong una ang akala nya ay panaginip lang nya ang lahat,kalaunan nalaman nalang nya na totoo pala ang lahat ng nagaganap.
Ginigising sya ng Prinsipe pagsapit ng hating gabi..
Nag-uusap sila at sa pagdaan ng maraming araw ay nakapalagayan na sila ng loob.
Hanggang sa dumating yung araw na gusto ng Prinsipe na dadalhin nya sa kanyang mundo yung babaeng mortal.
Pero agad syang tumanggi kasi nakaramdam sya ng takot..isa syang mortal,paano kung may mangyaring masama sa kanya pagdating doon?
Kaya buhat doon..nagtampo sa kanya ang Prinsipe at hindi na muling nagpakita pa.
Kung kailan na hindi na nagpaparamdam sa kanya yung Prinsipe ay saka lang nya inamin sa kanyang sarili na hindi pala magiging kampante sa kanyang sarili yung babaeng mortal kapag wala ang presensya nang Prinsipe.
Gabi-gabi nyang inaantay ang muling pagdating ng Prinsipe pero kahit sa kanyang panaginip ay hindi na sya dinalaw pa nito.
Sukat doon ay laging matamlay ang babaeng mortal...pinagsisihan nya kung bakit hindi nya pinagbigyan ang kahilingan ng Prinsipe."
Umayos ako ng upo bago ko ginagap ang kamay ni Inay.
"Sa tingin nyo 'Nay babalikan pa kaya sya ng Prinsipe?ano kaya ang dahilan kung bakit hindi na muling nagparamdam sa kanya yung Prinsipe?"
"Ammm...syempre kung mahal sya ng Prinsipe ay magawa sya nitong balikan..marahil din kaya hindi na nagparamdam yung Prinsipe ay baka mayroon lang syang importanteng inaasikaso..."
"Ibig mo bang sabihin 'Nay...kailangan hindi mawalan ng pag-asa yung babaeng mortal?"
Napatango si Inay.
"Pero teka nga Zacky!bakit ako ang tinatanong mo..ano naman ang kinalaman ng sagot ko dyan sa kwento mo,ha?"
Napangiti ako ng malapad bago ko niyakap si Inay.
"Wala 'Nay...hinihingi ko lang ang opinyon nyo..."
*
*
*
'ZACKY...GUMISING PO KAYO...'
Agad akong napabalikwas ng bangon..alam kong hindi panaginip yung naririnig kong boses.
Mabilis kong sinilip yung labas mula sa bintana ng aking silid pero wala akong naaaninag.
Napakadilim sa labas dahil lumipas na ang kabilugan ng buwan.
Parang may nagtutulak sa akin palabas ng bahay kaya namalayan ko nalang ang aking sarili na naglalakad palabas ng bahay.
May naaninag akong kumikislap na bagay sa di kalayuan kaya wala sa loob na nilapitan ko ito.
Pero bigla nalang akong napaatras nang mapagtantong puting kabayo pala yung kumikislap na natatanaw ko kanina.
"Ako po si Ferrar...ang masugid na alagad ng Mahal na Prinsipe..nandito ako para sunduin kayo..."
Napalinga-linga ako sa paligid pero wala naman akong nakikitang tao maliban sa puting kabayo na nasa harapan ko ngayon.
Pero teka...
"I-ikaw yung nagsasalita?"
Pautal na tanong ko doon sa puting kabayo.
"Hwag po kayong matakot...pinapasundo po kayo ni Prince Zeneyd!"
Prince Zeneyd...
"Nasaan sya?bakit hindi sya ang susundo sa akin?"
"Huminahon po kayo...hindi makakalabas mula sa Fantasyland ang Mahal na Prinsipe at hindi nya magagamit ang kanyang power para makipagkita sayo dahil lumipas na po ang kabilugan ng buwan.."
Napaawang ang aking bibig nang marinig ang paliwanag ni Ferrar.
"Sumakay na po kayo sa aking likod dahil baka inaantay na tayo ng Mahal na Prinsipe..hindi po tayo pwedeng magtagal dahil baka mauunahan tayo ng Mahal na Prinsesa para pasukin sa kanyang silid ang Mahal na Prinsipe."
"Mahal na Prinsesa?"
"Opo...at yan din ang dahilan kung bakit kayo pinapasundo ng Mahal na Prinsipe..para matakasan nya ang kasalang inilaan ng Father the King.."
"Ikakasal si Prince Zeneyd?"
"Malamang!maikakasal sya kung hindi kayo makakasama sa akin ngayon...kailangan ikaw ang unang makapasok sa silid ng Mahal na Prinsipe..bago pa dumating ang Mahal na Prinsesa!"
Hindi na ako nag-aksaya ng oras, matapos marinig ang mahabang paliwanag ni Ferrar.Agad na akong sumampa sa kanyang likod.
"Sige na Ferrar!nakahanda na akong puntahan si Prince Zeneyd!"
☆☆☆
BINABASA MO ANG
PRINCE ZENEYD AND HIS WORLD
ФэнтезиPrince Zeneyd was living in another world called Fantasyland.. The world's that full of magic. The only heir of a whole Kingdom! But his life got ruined when he fell in love.. Not with the Princess but with the woman living in another world. The wo...