Zacky's POV
"Princess Lara..."
Hindi ko na mabilang kung nakailang beses na akong kumurap habang nakatitig sa isang napakagandang babae na nakatayo sa aking harapan ngayon.
Nakakasilaw ang kanyang kaputian kaya naman ay hindi ko maiwasan na hindi manliliit sa aking sarili.
Para syang anghel na hulog ng langit dahil sa kagandahan nyang taglay.
Diretso lang kay Prince Zeneyd ang kanyang paningin..nababanaag ko mula sa kislap ng kanyang mga mata ang pang-aakit.
Oh no!
Hwag nyang sabihin na aakitin nya ang Prinsipe ng buhay ko!!
Sinubukan kong kumilos pero ni hindi ako makagalaw.Nandito ako sa loob ng isang invisible glass box.
Invisible nga!kasi hindi naman ako nakikita ni Princess Lara.
Ako lang ang makakakita sa kanya at hindi pa iyon..naririnig ko din ang kanilang usapan,yun nga lang ni hindi ako makakilos sa loob ng invisible glass box nato.
"Pinahintulutan ako ng Father the King para puntahan ka dito...since kung nakailang beses mo na akong pinaghintay at ni hindi man lang sinisipot sa loob ng heavenly-room na nakalaan para sa ating dalawa..."
Napakaganda ng kanyang boses..hindi nga maikakaila na isa syang Prinsesa.
Pero teka...ano ba itong pinagsasabi ni Princess Lara?hindi ko kasi maintindihan eh!
"Princess Lara,may lilinawin lang ako sayo...ang mga magulang ko ang may kagustuhan ng lahat ng iyan at hindi ako,kaya hindi mo ako masisisi kung bakit hindi ko magawang siputin ka sa heavenly-room na yan.."
"Pero nakatakda na ang araw ng ating kasal Prince Zeneyd..at ang habilin sa akin ng Father the King ay hindi ako lalabas mula sa silid na ito hanggat hindi naisasagawa ang bagay na syang magbuklod sa ating dalawa para tuluyang magiging akin kana at bago pa maidaraos ang seremonyas ng ating kasal!"
Ano daw?
Naku!napakagulo ng takbo ng kanilang pag-uusap...paki-explain,please!
Napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Prince Zeneyd.
"Walang mangyayari sa ating dalawa Princess Lara...kaya pakiusap umalis kana..."
"Ayoko!ayokong lumabag sa kagustuhan ng Father the King!"
"Princess Lara!hwag mong ipilit ang iyong sarili sa akin dahil ayokong gawin ang isang bagay na labag sa aking kalooban...baka pareho nating pagsisihan ito..."
"Tingnan natin..."
Nanlalaki ang aking mga mata nang biglang kumislap ang loob ng palad ni Princess Lara..pasimple lang nyang hinipo ang ibabaw ng suot nyang gown at sa isang iglap ay nakita ko nalang na bumagsak na iyon sa sahig!
Tumambad ang nakakasilaw nyang hubad na katawan...
Nagpupuyos sa inis ang aking kalooban..siguro kung makakalabas lang ako mula sa invisible glass box na ito ay kanina ko pa natakpan ang mga mata ni Prince Zeneyd.
Hindi ko maintindihan kung bakit naghubad sa harapan ni Prince Zeneyd ang malanding Prinsesa na ito!
Tama!kahit pala Prinsesa ay mayroon ding tinatagong kalandian!
"Put your dress on Princess Lara!"
Napalunok ako at gustong magdiwang ng aking kalooban dahil napansin kong hindi naman pala nagustuhan ni Prince Zeneyd ang tanawin na nakabalanda sa kanyang harapan ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/72551058-288-k224043.jpg)
BINABASA MO ANG
PRINCE ZENEYD AND HIS WORLD
FantasyPrince Zeneyd was living in another world called Fantasyland.. The world's that full of magic. The only heir of a whole Kingdom! But his life got ruined when he fell in love.. Not with the Princess but with the woman living in another world. The wo...