EPILOGUE

1.9K 77 3
                                    

Zacky's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung gaano na katagal ang pananatili ko dito sa Fantasyland.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin mawari kung paano bilangin ang mga bawat araw na lumilipas.

Iba talaga kapag napapalibutan ng magic ang iyong kapaligiran..halos hindi ko alam kung kailan gumabi at kung kailan umaraw.

Wala naman kasi akong ibang nakikita kundi ang mga kumikislapang bagay sa aking paligid.

Napakurap-kurap ako nang mapansin kong umiba-iba ang kulay ng suot kong gown ngayon.

"Mama,you're gown is so amazing!!"

Narinig ko ang matinis na boses na iyon mula sa aking likuran.

"Prince Zenery stop playing with your magic,son..."

Huminga ako ng malalim at palihim na ngumiti nang marinig ko ang boses ng aking asawa.

Dumating na pala ang aking mag-aama.

Parang ilang segundo lang yata ang lumipas ah..nung nagpaalam sya sa akin kanina.

Ililibot lang daw nya sa buong kaharian ang nag-iisa naming Prinsipe.

Sa totoo lang ay gustong-gusto nya akong isama kapag nagkayayaan na maglilibot ang dalawa..pero,ako na ang kusang tumatanggi.

Mas nanaisin ko kasi na magpaiwan nalang sa loob ng aming silid at ipabukas sa kanya ang flat screen na kung saan dito ko natatanaw ang aking mga magulang.

Naalala ko ang mga panahon na kung kailan ay bagong kasal pa lamang kami ni Prince Zeneyd.

Yun ang panahon bago ko pinagbuntis ang pinakamamahal naming anak,si Prince Zenery.

Tandang-tanda ko pa na nababalutan ng kalungkutan ang aking puso sa panahong iyon...

*flashback*


Napalingon ako kay Prince Zeneyd na kasalukuyang nakatayo sa aking tabi nang marahan nyang itinaas ang kanyang kamay.

At ilang segundo lamang ang lumipas nang biglang lumiwanag ang pader na syang kaharap namin ngayon at napalitan iyon ng isang malaking screen.

Napakurap-kurap ako at bigla ang pagragasa ng maraming luha mula sa aking mga mata nang makilala ko kung sino ang laman ng screen na tinatanaw ko ngayon.

'Inay..Itay...'

Taliwas sa aking inaakala ang syang nakikita ko ngayon.Nakasuot ng mamahaling damit ang aking mga magulang habang prenteng nakaupo sa magarang sofa sa loob ng eleganteng sala.

Wait..eleganteng sala?

Kung hindi ako nagkakamali ay pamilyar sa akin ang loob ng sala na yan!

Tama!nasa loob sila ng Green Rose Mansion..

Sabay na napaangat ng mukha sina Inay at Itay nang may lumapit sa kanila ng isang naka-unipormeng babae para i-serve ang kanilang meryenda.

Oh god!halos hindi ako makapaniwala na may naninilbihan sa kanila sa mga oras na ito.

Nang makaalis mula sa kanilang harapan yung babae ay muling natuon ang kanilang atensyon sa hawak na malaking photo album.

Kapwa nakangiti ang aking mga magulang habang nakatitig sa mga litrato na laman ng photo album na hawak nila ngayon.

Natuon ang aking atensyon sa litrato...

Wala sa sariling napahawak ako sa sariling bibig..halos hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Ang litrato na tinititigan ng aking mga magulang ngayon ay walang iba kundi yung litrato sa kasal namin ni Prince Zeneyd!

Naramdaman ko ang matitigas na braso ni Prince Zeneyd nang ipulupot nya iyon sa aking baywang.

"Can't you stop crying now?"

Hinarap ko sya at maagap kong hinuli ang kanyang mga titig.

"Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"

Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Dahil ito lang ang paraan para mabawasan ang bigat ng iyong kalooban,Zacky."

Pinunasan nya ng kanyang daliri ang bakas ng luha sa aking pisngi.

"Inilayo kita sa kanila kaya ang kapalit ay hindi na sila maghihirap kahit pa kailan!pangako Zacky,walang hangganan ang pagiging maligaya ng mga magulang mo...kaya hwag ka ng malunglot,okay?"

Marahan nyang hinawakan ang aking baba...

"Mahal na mahal kita Zacky...hindi ko kakayanin kapag mawala ka.."

Napapikit ako nang marahan nyang inilapit ang kanyang mukha para siilin ako ng halik sa aking labi.

Prince Zeneyd...pinapatawad na kita,alam mo ba kung bakit?

Dahil..mahal na mahal din kita!

*end of flashback*

"Mama!next time kailangan mo nang sumama sa amin ni Papa..."

Sinalubong ko ng yakap ang aking anak nang patakbo itong lumapit sa akin.

"Marami ka bang nakilala ngayong araw?"

Tanong ko sa kanya bago ko sya kinintalan ng halik sa kanyang pisngi.

"Opo...may nakilala akong magandang butterfly!madaldal po sya Mama!diba Papa?"

Kunot-noo kong tinapunan ng tingin si Prince Zeneyd.

"Dinala mo na naman ba sya sa gubat?baka nakalimutan mo na ayaw na ayaw ng Father the King at Mother the Queen na makisalamuha sa mga weirdong hayop at mga insekto ang nag-iisa nilang apo,Prince Zeneyd!"

Tanging halakhak lang ang kanyang itinugon sa akin bago nya ako sinugod ng mahigpit na yakap.

"I love you...na-miss kita my nagging wife!"

Nagging wife...kasalanan nya kung bakit sya umibig sa isang babaeng mortal!

Mababago ko ba naman kasi ang tunay kong pagkatao?

Never!

Pero bigla nalang akong natigilan nang mayroon syang ibinulong sa akin.

'Patulugin na natin si Prince Zenery para makagawa na tayo ng second baby natin...'

"Prince Zeneyd!pilyo ka!!"

Hindi ko napigilan ang paglakas ng aking boses..eh kasi naman eh!

Ngumisi lang sya sa akin at muling bumulong.

'I love you!'

"Mahal din kita,Prince Zeneyd!"

Kita mo na?ito yung buhay na pinili ko...ang manatili sa piling mo habang buhay!



♡♡♡♡♡♡WAKAS♡♡♡♡♡♡

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon