Chapter 12

1K 38 0
                                    

"Lumayas ka!kinupkop kita para may makakatulong ako sa aking restaurant hindi para maglandi sa mga customers ko!alam mo ba kung magkanong halaga ang sinayang mo ngayong araw?at alam mo ba kung sino yung nilandi mo kanina?sya yung VIP na sinasabi ko!!pero anong ginawa mo,imbes na ipakita mo kung gaano kagaling ang performance mo sa pagba-violin ay mas inuna mo ang paglalandi mo!!kaya lumayas kana..hindi na kita kailangan pa dito sa loob ng pamamahay ko!!"

Galit na galit si Tita Amanda habang kinaladkad nya ako palabas ng gate.

Pagkalabas ko ay agad na nya akong pinagsarhan ng gate.

Tinapunan ko muna ng huling tingin ang bahay na naging tahanan ko sa loob ng anim na buwan bago ako nagpasyang humakbang papalayo mula sa lugar na iyon.

Hindi ko na alam kung saan ang patutunguhan ng aking landas ngayon..wala akong alam na mapupuntahan dahil wala naman akong kakilala.

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa may natanaw akong mag-aama na nakaupo sa may bench.

Sinusubuan nya ng tinapay ang kanyang anak..

Agad akong napahawak sa aking sikmura nang biglang tumunog ang aking tyan.

Kailan nga pala ang huling kain ko ngayong araw?

Haist!

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Mas lalo kong nami-miss sina Inay at Itay sa mga oras na'to..

Naalala ko kung paano nila ako minahal at kung paano nila ako inaalagaan.

Ayaw nila akong mapalayo sa kanilang piling dahil sa sobrang pagmamahal nila sa akin..ayaw nila akong naghihirap.

Inay,Itay...kung nakikita nyo siguro ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon ay baka makahagulgol kayo ng iyak na wala sa oras.

Ito na ba ang karma na nakuha ko mula sa pagsuway ko sa inyo?

Inay,Itay...mahal na mahal ko po kayong dalawa!

Sana kahit wala ako sa piling nyo ay nasa maayos parin ang inyong kalagayan..

Sana hindi nyo masyadong dinaramdam ang pagkawala ko mula sa pader nyo..

Kasi Inay,Itay...hindi ko alam kung magkikita pa tayong muli..

Ni hindi ko nga alam,kung saang lupalop ng mundo ako naroroon ngayon!

Napasinghap ako nang hindi ko namalayan ang paglandas ng maraming luha mula sa aking mata.

'ZACKY,IWASAN MONG LUMUHA DAHIL HINDI NAKAKATULONG ANG IYONG PAG-IYAK PARA BUMALIK SA DATI ANG LAHAT..IKAW ANG SUSI PARA BUMALIK ANG ALAALA NI PRINCE ZENEYD!MAGPAKATATAG KA AT HANAPIN MO ANG PARAAN KUNG PAANO MATIBAG ANG PARUSA NA INILAAN NG FATHER THE KING SA KANYA...IKAW LANG ANG MAKAPAGBUBUKAS NG KATOTOHANAN ZACKY!HWAG KANG MAG-ALALA TUTULUNGAN KITA!'

Napahawak ako sa aking ulo nang umalingawngaw na naman sa aking pandinig ang boses ng Mother the Queen!

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero mangilan-ngilang tao lang naman ang natatanaw ko na kapwa abala sa kani-kanilang gawain.

Ano ba ang nangyayari sa akin?totoo bang kinakausap ako ng Mother the Queen?

"Ayyyy!!!"

Muntik na akong madapa nang mayroon akong maapakan na isang bagay.

Yumuko ako para tingnan kung ano yung naapakan ko.

Newspaper?

Marahan kong dinampot ang newspaper at wala sa loob na binasa.

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon