"Ano ba mayron?"
Kumain na kaya siya? Hayst... Kung sabagay ginayakan ko naman na siya ng pag kain. Ano pa ba kulang? Teka—Ahmmm... Inumin! Ipag timpla ko nalang siya ng juice—teka?! Mali! Energy drink nalang para lagi siyang may lakas. Ano pa ba?
"Jess?! Kanina pa kita kinakausap." "Ay multo?!" Napasigaw na sabi ko ng kalabitin ako ni Clarissa.
"Sorry. Hindi ko kasi napansin pano naman iniisip ko pa kung ano pa ang kulang—" nag kakamot nuo kong sagot sakanya.
"Huh? Bakit? May camping kayo ngayon?" Nakataas kilay niyang tanong sakin habang tinuturo ang bag ko.
"Ah wala. Regular bag ko—" "Regular?!" Bigla naman niyang sigaw sa sobrang gulat.
Napakamot ako tuloy sakanya. "Bakit ano nakakagulat?" Tanong ko.
"Ang regular bag...ganito!" Nanlalaking matang sabi niya sakin sabay pakita ng bag niya.
"Alam ko. Sinabi ko bang regular bag mo? Diba sabi ko regular bag ko?" Sarcastic kong sabi sakanya.
Grabe kasi makareact, eh ang konti konti pa nga lang niyan. Iniisip ko pa ang kulang.
"Hay nako. Magagamit mo ba lahat yan?" Tanong niya sakin habang naka face palm. Tinignan ko lang siya habang pinag mamasdan ko ang expression sa kanyang mukha.
"Teka nga?! Ano ba kasi laman niyan?" Dagdag niyang tanong.
"Pagkain, damit, gamot, suklay, payong, saka... Hmmm teka madami pa yan. Nasa ilalim na kasi yung iba." Nag iisip kong sagot.
"Wow sis, tinalo mo pa yung bulsa ni doraemon sa dami ng laman niyan." Hangang hangang sabi niya sakin habang hinahalungkat niya yung bag ko. Napatingin nalang ako sakanya dahil sigurado aayusin ko nanaman, hinahalungkat niya kasi masyado.
"T—teka? Bakit puro pang lalaki ito?" Nakataas kilay niyang tanong habang nakatitig sa mga damit.
"Kasi baka madumihan o kaya pag pawisan si Renz." Kaswal ko lang na sagot.
"RENZ?! Dahil kay Renz kaya malaki yang bag mo?" Gulat na sigaw niya.
"Ou?" Nakataas kilay kong sagot sakanya.
"Clarissa, pabayaan mo na yang si Jess." Singit naman samin ni Quin.
"Ikaw?! Alam mo to? At kinukunsinte mo?" Sigaw sakanya ni Clarissa.
QUIN POV
"Kahit naman di mo kunsintihin yang si Jess di yan makikinig sayo. Kaya pinapabayaan nalang namin." Nakangiti ko lang na sagot sakanya.
"At ano naman sabi ni Renz sa bagay na yan?!" Nakapamewang niya ng sabi sakin.
"Wala—kasi kahit iwasan niya si Jess hindi parin yan titigil." Sagot ko.
"At bakit naman?" Nakataas kilay niya ulit na tanong. Tinignan ko lang sa malayo si Jess na nag lalakad na ng mabilis papalayo kay Clarissa na nakatingin sakin ngayon.
Napangiti nalang ako. "Simple lang kasi siya si Jess, Ang adik kay Renz." Sagot ko sabay talikod na sakanya.
Rinig ko pa ang gulat na sabi ni Clarissa ng makita niyang tinatakasan na siya ni Jess papalayo.
BINABASA MO ANG
Adik Sa'yo
Teen FictionMeet Jess ang super duper adik kay Renz. Since highschool may gusto na siya dito. Kaso lang until now wala paring crushback hanggang sa tumigil ang mundo niya sa isang pangyayari na-