Chapter 8

2.1K 90 22
                                    

JESS POV

"Oh? Nag de-date na pala kayo?" Naiilang na tanong ko sakanilang dalawa habang inaabutan ni Renz si Clarissa ng maiinom.

Bakit ganito? Nag seselos parin ako? Gusto ko pang umiyak. Luha... Wag ka munang iiyak.

"Halika na. Wag na natin sila abalahin." Aya naman sakin ni Bryan habang nakahawak na sa braso ko.

Bakit ganun ayaw gumalaw ng mga paa ko? Ayokong iwan si Renz na kasama ni Clarissa. Ayokong maging silang dalawa. Mata wag kang iiyak. Wag kang iiyak.

"Aray!" Napa upo ako ng may bumungo sakin na mamang malaki na may hawak na Ice cream.

"Wala kabang mata?!" Gulat na sabi niya sakin. Itinayo naman ako ni Bryan habang lumalapit samin sila Clarissa at Renz.

"Sorry po." Walang magawang sagot ko nalang. Ang laki niya kasi.

"Alam mo bang may date pa kami ng Honey pie ko?! Tapos dinumihan mo tong damit ko?!" Inis na inis na sabi niya sakin.

Kasalanan ko ba yun? Siya kaya yung may hawak ng Ice cream. Pag ganitong nabwi-bwisit ako papatulan ko ito.

Bigla naman siyang pumaswit at dumating yung madami niyang guard.

"Teka lang ho. Kayo yung bumunggo sakanya." Biglang singit ni Renz habang ginigilid ni Bryan si Clarissa.

Bigla namang nagalit yung Mamang malaki kaya naman napaatras ako. Nang hihilahin na ko ni Bryan bigla naman akong hinatak ni Renz at sabay tumakbo.

Bigla tuloy akong nagulat. Tumatakbo ako habang hawak ang mga kamay ni Renz. Napansin ko namang tumakbo narin sila Bryan at Clarissa.

Walang tigil lang kaming hinabol ng mga alagad ni Mamang malaki. Pero feeling ko nag lulu-lundag ang puso ko. Ako ang piniling hatakin ni Renz hindi si Clarissa. Ako ang pinili niya!!!—"Aray!" Napasigaw ako ng madapa ako.

"Ano ba yan? Ang lampa mo talaga!" Sigaw niya sakin sabay buhat sakin. Binuhat niya ko! Para tuloy akong nasa Heaven na nito.

CLARISSA POV

"Teka hinihingal nako." Pagod na pagod kong sabi kay Bryan.

"Mag tago nalang tayo don." Sagot niya sakin sabay hatak.

JESS POV

"Wala na ba sila?" Tanong ko sakanya.

"Wala na. Grabe Jess mag reduce ka naman kahit konti ang bigat mo." Pang aasar niya sakin habang hinihingal. Napabusangot tuloy ako.

"Tara na ngang umuwi." Bigla niyang sabi. "Uuwi na tayo?! Agad agad?!" Sigaw ko sakanya.

"Ou naman. San pa tayo pupunta?" Nakataas kilay niyang sagot sakin.

Nakakaasar naman. Hindi manlang niya kong ayaing bumili manlang ng maiinom kahit dun lang sa isabg gilid tapos mag pahinga saglit. Wala! Puro si Clarissa ang iniisip. Speaking of Clarissa? Si BRYAN?! Nakalimutan ko si Bryan.

"Ano yang ginagawa mo?" Nag tatakang tanong niya sakin.

"Ha? Ako ba? Ah wala. Kasi si Bryan." Nag mamadaling sabi ko sakanya habang hinahanap ko sa bag ang cellphone ko.

"Itigil mo nga yan." Masungit niyang sabi sakin.

"Huh? Tatanungin ko lang kung nasan na siya. Baka mamaya kung napano na yun." Nag aalalang sabi ko. Ayun ang Cellphone ko. Kinuha ko yun at binuksan.

"Hello?" Mabilis na sagot ko sa phone. Sakto kasing tumatawag si Bryan sakin.

"Ou ayos naman na kami." Sagot ko ulit na halatang nag aalala din siya sakin.

RENZ POV

Nag pamewang nalang ako habang pinag mamasdan si Jess na katawagan si Bryan.

Ngayon ko lang napansin. Maganda pala si Jess lalo na pag tumatawa. May dimple pala siya.

Teka lang?! Bakit ba nakikipag landian pa siya kay bryan sa phone? Bwisit na Bryan yan bakit kasi di pa nabugbog.

Adik Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon