Chapter 3

2.1K 104 27
                                    

JESS POV

"Hmm! Ano ang nangyayari dito?" Naalimpungatan ako ng marinig ang boses ni Tita.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong may nakayakap sakin. Napaharap ako sa tagliran ko at nakita ko si Renz na sobrang lapit na ng mukha sakin. Bigla siyang dumilat kaya naman napatayo ako.

"Ma ayan kana pala." Sagot niya. Nakatingin lang saming dalawa si Tita na mag katabi sa kama.

"Tita wala pong nangyari! Kasi naman—kasi... Hindi ko rin po alam!" Maiiyak ko ng sagot.

"Aray!" Napasigaw na sabi ko ng tapikin ako ni Renz.

"Nagiging O.A ka nanaman." Masungit na sabi niya sakin.

"Muntik na kasi yang mahulog sa puno tapos nawalan ng malay tapos nahilo ako kaya tinabi ko nalang jan." Paliwanag niya sabay higa ulit.

"Huhuhuhu! Sorry po tita hindi ko siya naalagaan." Naiiyak niya ng sabi.

"Hija. Ayos lang yon. Wag kanang umiyak." Pag papahinahon sakin ni Tita. Wala akong kwenta hindi ko manlang siya napagaling.

"Hay..." Buntong hininga ni Renz. Sabay kuha ng kamay ko at nilagay yon sa nuo niya.

"W-wala kanang lagnat?" Nauutal na sabi ko. Umiling lang siya sakin habang nakangiti.

"Aahh!!! Wala na siyang lagnat tita!" Tuwang tuwang lundag ko at narinig ko nalang na natawa sila sakin kaya naman huminto ako.

QUIN POV

"Oh? Clarissa bakit may bulaklak kang dala?" Nag tataka kong sabi.

"Ah. Eto? Wala lang yan." Naiilang na sagot niya sabay tapon sa basurahan.

"Bakit mo tinapon? Ang ganda ganda. Sayang." Sigaw ko sakanya.

"Ayos lang yan. Nakakasira lang yan ng pag kakaibigan." Seryosong sabi niya habang lumalakad.

Nakakasira ng pag kakaibigan?

JESS POV

"Oh? Talaga? Mag katabi kayo sa kama buong mag hapon? Tapos yakap kapa niya?" Tuwang tuwang tanong sakin ni Quin. Kaya naman mayabang akong tumango tango.

"Oh? Clarissa bakit ang tahimik mo?" Nag tataka kong tanong.

"Ah wala yan. Pano naman may nag bigay sakanya kahapon ng bulaklak tapos tinapon niya lang." Bulong sakin ni Quin.

"Ah..." Napatangong sagot ko.

RENZ POV

"Oh." Abot sakin ni Josh habang kumakain kami sa mini garden ng school.

"Hindi mo binigay? Ang sabi ko ibigay mo eh." Asar na sabi ko sakanya.

"Binigay namin yan ok? Kaya lang tinapon niya sa basurahan." Sagot nila sakin.

"Hay nako..." Napabuntong hiningang sagot ko nalang.

"Ikaw na kasi mismo ang mag bigay!" Natutuwang sabi nila sakin.

"Alam niyo namang bawal." Sagot ko.

"Panong bawal? Wala namang boyfriend yon." Natatawang sabi nila.

"Diba nga lagi niyang kasama si Kulit. Edi nasaktan yon." Paliwanag ko sakanila.

"Eh ano naman? Mas maganda nga yun para tumigil na siya kakahabol sayo." Napatingin nalang ako ng masama sakanila.

Hindi ko kayang gawin yun kay kulit. Masyado siyang mabait.

Adik Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon