Chapter 6

2.2K 94 27
                                    

"Renz. Kamukhang kamukha mo talaga yung transferee nuh?" Pang aasar nila sakin.

"Mukhang wala ka ng problema kay Jess pwede ng maging kayo ni Clarissa." Natatawa nilang sabi. Nakakasar yang Bryan na yan. Nagyon si Jess naman ang aagawin niya.

"Hoy Renz! Ang tahimik mo." Sigaw nila sakin kaya naman napatingin halos lahat ng kumakain sa Foodcourt.

"Yun yung sinasabi ko sayong kamukha mo." Turo sakin ni Jess kaya naman tinignan nanaman ako ni Bryan.

"Talaga ba?" Nakangising sabi niya.

"Jess tara ng bumili." Aya sakanya nila Quin.

"Sige kayo nalang may baon ako eh. Sayang naman." Sagot niya. Yun siguro yung baong ibibigay niya dapat sakin.

"Ikaw di ka bibili?" Tanong ni Jess sakanya.

"Hindi na." Nakangisi niyang sabi.

"Uy? Renz parang nag seselos ka kay Bryan ah?" Biglang biro sakin ni Josh kaya natignan ko siya ng masama. Nag tawanan naman sila.

"Bakit naman?" Tanong ni Jess kaya napabalik ako ng tingin sa kanilang dalawa. Tapos may kung anong binulong sakanya si Bryan na ikinatawa niya. Nakakabwiset silang panuorin.

"Oh eto sayo nalang ako nalang ang bibili." Nagulat ako ng ibinigay niya kay Bryan yung baunan na yun. Akin dati yun eh! Naiinis ako. Pati baunan ko inaagaw niya.

Tumayo ako ng makita kong lapitan na ni Jess sila Quin. Lumapit ako sakanya.

"Jess halika nga. Mag usap tayo saglit." Bulong ko sakanya.

"Ha? Ako? Bakit?" Nag tataka niyang sabi sakin habang kumukuha ng pag kain.

"Jess. Naiwan mo." Biglang singgit naman samin ni Bryan kaya hindi ako nakapag salita. Inabot niya yung wallet ni Jess nakita ko pang nakalagay yung picture ko. Hay ibang klase talaga si Jess.

"Salamat." Nakangiti niyang sabi.

JESS POV

"Bakit ngiting ngiti ka jan?" Bati sakin ni Quin habang nakaupo ako sa sala ng Dorm namin.

"Ou nga ano balita?" Natutuwang lapit ni Clarissa samin. Nginitian ko din siya sa kabila ng nangyari. Saka nung dumating kasi si Bryan parang nag karuon ako ng instant Renz kung baga yung pinapangarap kong guy ngayon lagi kong nakakasama.

"Si Bryan kasi. Niyayaya niya kong manuod ng sine bukas." Kinikilig kong kwento sakanila.

"Ano sabi ko?" Excited nilang tanong sakin.

"Edi sabi ko sige wala naman akong gagawin bukas." Sabay sigawan naming tatlo sa sobrang kilig.

Para akong tumama sa lotto dahil kay Bryan.

RENZ POV

"Ano?! Bakit naman siya sasama don? Nasisiraan naba siya?!" Naiinis kong sagot kay Quin sa kabilang linya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Buti nga sinabi ko pa sayo. Ayoko kasi sa Bryan nayan parang may kung ano sakanya na ayoko." Sagot sakin ni Quin.

QUIN POV

"Makinig ka Quin, Bukas sundan mo si Jess tapos itext moko." Sagot niya sakin.

"ANO?!" agad na sigaw ko at bigla nalang niya pinatay yung phone.

Asar! Bakit ako ang susunod? Saka bakit pa kailangang sundan?!

Adik Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon