JESS POV
"Sorry late ako. Di ko kasi alam kung ano yung isusuot kasi naman first time ko lang luma—" "Easy kalang. Hahaha masyado ka namang nag aalala." Natutuwang sabi niya sakin.
Nakakahiya halos isang oras niya kong hinihintay sa harap ng mall. Nakakatuwa siya hindi manlang siya nagalit.
RENZ POV
"Oh? Bakit ikaw ang nandito?" Gulat na sabi ko kay Clarissa.
"Hi Renz..." Naiilang na sabi niya sakin.
"Si—si Quin kasi biglaang umuwi sakanila. Emergency daw." Dagdag niya pa.
Magiging awkward tuloy ngayong araw. Pero hindi nalang namin pinansin at sinundan sila Jess na papasok na ng Sinehan sabay akbay pa sakanya ni Bryan. Grabe abuso na.
"Uy Renz? Pwede mag tanong?" Kalabit sakin ni Clarissa.
"Bakit mo pa kailangang sundan si Jess?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi tuloy ako nakapag salita.
"Oh? Sorry walang meaning yon. I mean kasi hindi mo naman gusto si Jess tapos nag tataka lang ako kung bakit natin sila kailangang sundan?" Naiilang na sabi niya.
Napatanong tuloy ako sa sarili ko. Bakit nga ba? Kasi baka may gawing masama si Bryan sakanya sa loob ng sinehan. Madilim pa naman dun at lagi nalang gumagawa ng ikakapahamak niya si Jess.
JESS POV
Ramdam ko yung init ng katawan niya habang naka akbay siya sakin. Namumula tuloy ako buti nalang at madilim dito at hindi niya mapapansin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ganitong ganito nararamdaman ko pag malapit si Renz sakin.
Teka?! Bakit naaamoy ko si Renz? Parang malapit lang siya sakin talaga. Hindi naman si Bryan yon?
Mag ka amoy din ba sila? Nag tatakang napatingin ako kay Bryan na nanunuod lang.
"May problema ba?" Pansin niya sakin.
"Ah wala." Nakangiting sabi ko. Asar. May mali talaga. Naaamoy ko si Renz na malapit lang.
RENZ POV
Naupo kami sa gawing likuran nilang dalawa. Nakakaasar naka akbay parin siya. Ang landi lang ah.
Sa sobrang asar ko itinapon ko sa braso ni Bryan yung softdrinks na iinumin ko sana.
"Yuko." Bulong ko kay Clarissa na nagulat.
JESS POV
"Oh? Ayos kalang ba Bryan?" Nag aalalang sabi ko sabay tingin namin sa likuran.
"Ou ayos lang. Ano ba yan nag haharutan kasi sa loob ng sinehan." Pag paparinig niya sa dalawang mag syota sa likod namin.
RENZ POV
"Hay nakakapagod naman silang sundan." Sabi ni Clarissa sabay upo sa isang bench. Nahihiya tuloy ako sakanya.
"Gusto moba ng soda?"
"Sige."
"Teka ibibili kita." Sabi ko sabay alis.
CLARISSA POV
Hindi ko maintindihan si Renz kasi parang nag seselos siya kay Bryan. Pero sabi niya naman di niya gusto si Jess. Hay nakakalito silang dalawa.
"Oh? Clarissa nandito ka?" Gulat akong napatayo ng batiin ako ni Jess habang nakasunod sakanya si Bryan, na sakto namang pag dating ni Renz na may hawak na dalawang soda.
Napatapik ako sa nuo ko. Gulo nanaman ito.
BINABASA MO ANG
Adik Sa'yo
Teen FictionMeet Jess ang super duper adik kay Renz. Since highschool may gusto na siya dito. Kaso lang until now wala paring crushback hanggang sa tumigil ang mundo niya sa isang pangyayari na-