Chapter 10

2.3K 91 18
                                    

"Ayos kalang?" Nag aalala kong tanong kay Bryan habang ginagamot siya ng nurse.

"Bakit ba nandito ka?" Asar na tanong niya sakin.

"Nag aalala kasi ako." Sagot ko agad sakanya. Tumahimik lang siya habang tumatayo na at palabas na ng clinic.

"Bryan, hintayin mo ko." Tawag ko sakanya.

"Bakit ba ang kulit mo?" Nakataas kilay niyang tanong sakin.

"Kasi—teka? Bakit ang sungit mo ngayon? Ako na nga itong nag aalala sayo eh." Naguguluhan kong tanong sakanya.

"Ikaw kasi ang dahilan kung bakit ako binugbog ni Renz. Ang sabi niya. Layuan na kita!" Seryosong sabi niya habang naka poker face lang at nag lakad na palayo.

"T-teka?" Habol ko.

"Si Renz ba talaga ang may gawa nun?" Tanong ni Quin at Clarissa na kararating lang.

Sa sobrang gulo ng utak ko tumakbo nalang ako habang umiiyak. Nakakainis si Renz. Lagi niya nalang akong sinasaktan. Di paba sapat yung pitong taon na pag hahabol ko sakanya. Bakit ngayong nanjan na si Bryan ayaw niya parin akong sumaya? Eh ayaw niya naman sakin.

RENZ POV

"Uy Renz? Binugbog mo daw si Bryan?" Agad na tanong ng mga kabarkada ko sakin.

"Buti nalang at di ka napatawag ni Dean." Sabat nila.

FLASHBACK

Bakit hindi siya lumalaban?

"Bakit ka ba tumatawa? Sinusuntok na kita. Baliw kaba?!" Asar na sigaw ko sakanya.

"Eh ano naman. Natatandaan mo ba dati? Ganito rin ang nangyari. Grade six tayo non' nag away tayo at nag suntukankaya naman pinadala ako sa US kahit na ayaw ko. Dahil yun sayo. Nahiwalay ako kay Mama dahil sayo. Galit na galit ako sayo. Sobra." Napaatras ako ng makita ko yung mga mata niya. Masyado niyang dinamdam yung nangyari dati.

"Ngayon ako naman ang nakakaawa. Hindi ba? Ano kaya ang magiging tingin nila sayo? Ah—maliano kaya magiging tingin sayo ni Jess kapag sinabi kong lalayuan ko na siya dahil sinabi mo. Teka? Masasaktan kaya siya? Ah syempre! Kasi inagaw ko na nga pala siya sayo!" Natatawang sabi niya.

"Sira ulo ka!" Susuntukin ko na sana siya ulit ng may pumigil samin.

ENDOFFLASHBACK

"Uy! Si Renz nanjan ba?" Nag mamadaling takbo nila Quin sakin.

"Bakit?" Nag tatakang tanong ko.

"Si Jess kasi umiiyak di namin alam kung san tumakbo eh. Baka kung mapano yun." "ANO?" Gulat na tanong ko at walang ano ano, tumakbo ko agad. Bwisit na Bryan yan.

FLASHBACK

"Bryan?! Ano yang ginagawa mo kay Renz?!" "Ma'am si Bryan po!" Umiiyak ko ng sabi habang dumudugo ang gilid ng labi ko.

"Ma'am hindi po! Si Renz po ang nanguna." Umiiyak niya na din sabi.

"Bryan! Hindi kana nag kandatuto! Nakakahiya ka!" Biglang dating ng isang lalaki at hinaltak papalabas ng eskwelahan si Bryan.

"Hon. Bitawan mo si Bryan nasasaktan siya." Sabi ng babae. Pero pinalo palo lang si Bryan nung lalaki.

Pinag masdan ko lang siya at kahit pa kaaway ko siya naaawa padin ako sakanya.

"Renz! Anak ayos kalang?" Biglang takbo sakin ni Mama at niyakap ako. Nakita ko pa si Bryan na tumingin ng masama sakin.

ENDOFFLASHBACK

Asan kana ba Jess? Bakit hindi kita makita? Teka—kung ako si Jess? San ako pupunta? Arrrrggghh!! Bakit ba kasi sa pitong taong kinukulit niya ko hindi ko parin siya kilala?

"Renz ang tanga tanga mo! Ang tanga tanga mo!" Sigaw ko habang pinag sisi-sipa yung puno. Teka! Alam ko na!

Adik Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon