QUIN POV
"Oh? Ayan pala si Adik. Ano nanaman kaya ginagawa niyan jan?" Siko sakin ni Clarissa.
"Abay malay ko. Baka hinihintay si Renz." Kaswal na sagot ko. Knowing Jess na hindi yan mabubuhay kapag di nakita si Renz sa loob ng isang oras.
"Renz nanaman?" Nakataas kilay nanamang tanong ni Clarissa sakin.
Bago lang kasi si Clarissa, transferee siya from other school. Nakilala namin siya sa dorm at naging kaibigan. Kaya naman ganyan siya kagulat kay Jess. Pero sigurado ako masasanay din yan. Kung kami nasanay kay Jess.
Kung sabagay since high school kami kasama nanamin si Jess at Renz, kaya naman sanay na kami. Hay, kawawang Jess hanggang ngayon umaasa padin.
JESS POV
Napalaki ang mga mata ko ng makita ko ng papalapit si Renz sa puwesto ko, kasama niya ang mga kabarkada niya. Nag tatawanan sila at nag bibiruan habang nag lalakad.
Kitang kita ko ang mga ngiti ni Renz na sobrang ganda, lalo pa kong natuwa ng makita ko ang mga mata niya na naniningkit sa sobrang pag tawa.
Parang nag slow motion ang paligid at si Renz lang ang nakikita ko. Si Renz ko. Ang gwapo niya talaga. Kinikilig ako ~(^◇^)/
"Renz—ayan nanaman yung makulit." Nag bubulungan nilang sabi kay Renz. Ano kaya yun? Napatingin naman sakin si Renz kaya naman nginitian ko siya ng sobra sobra.
Aahhhh!! Napakasaya! Para akong nasa heaven. Masyado talagang asintado si kupido. Kayalang bakit kaya lumalabo ang mata niya pag puso na ni Renz ang tina-target niya?
Kumaway ako at di ko napansin na nilampasan niya lang ako. Pero ayos lang nakita ko naman na siya. Mamayang lunch break naman. Sisilay akong muli! Saka ibibigay ko yung home made lunch box na ginawa ko for him only!
Excited nako! Sana magustuhan niya.
"Ayos kalang?" Nakataas kilay nanamang tanong sakin ni Clarissa.
"Syempre naman!!! Tinignan niya kaya ako. Saka nakita ko siya ngumiti. Grabe ang gwapo niya talaga!" Tuwang tuwang sagot ko sakanya sabay lundag pa.
"Teka! Wag mokong yugyugin! Quin tulong!" Reklamo niya sakin but I can't help it. Talagang kinikilig ako!
"Ikaw kasi eh. Tinanong tanong mo pa." Natatawang sabi sakanya ni Quin.
LUNCH BREAK. Asan na kaya si Renz? Nakakalungkot naman. Bakit wala siya dito sa food court? Andito lang naman siya lagi. Asar.
"Hi?" Lapit ko sa mga kabarkada ni Renz.
"Oh? Bakit? Wala dito si Renz." Sabay sabay nilang sabi sakin. Napasimangot tuloy ako. Sino nalang ang kakain nito?
CLARISSA POV
"Si Renz ba yon?" Turo ko kay Quin habang pinag mamasdan namin si Jess, na nangungulit sa mga kabarkada ni Renz.
"Sa tingin ko?" Sagot ni Quin sabay subo ng tinapay.
"Bakit niya pinag tataguan si Jess?" Naa-asar na tanong ko.
"Mahu-huli din naman siya ni Jess kaya wag kang mag alala." Kampante niyang sabi sakin.
"Pano?" Napataas kilay kong tanong.
"Just watch." Sagot niya.
Papaalis na si Jess ng bigla siyang huminto.
"Teka lang?!" Bigla niyang lingon pabalik sa mesa nila Renz.
"Bakit? Ano nangyari?" Nag tataka kong tanong kay Quin.
"Renz! Alam kong nanjan ka. Lumabas kana." Nangungulit niyang sigaw.
"W-wala si Renz dito." Nag aalagan ng sagot ng mga kaibigan niya.
"Anjan siya sa ilalim ng mesa!" Sigaw niya ulit kaya naman nagulat ako. Pano niya nalaman? Eh tagong tago si Renz.
"Uy? Quin. Pano niya nalaman?" Naguguluhan ko ng tanong. Nakakahanga kasi si Jess.
"Panong hindi niya malalaman. Sa araw araw na ginawa ng diyos. Wala yang ginawa kung hindi sundan ng sundan si Renz. Edi kabisadong kabisado niya na ang amoy." Nakatingin lang na sabi ni Quin kila Jess habang naka palumbaba.
"Kahit mag palit ng pabango?" Brilliant kong tanong habang naka ngisi. Bigla namang tumango tango sakin si Quin. Nanlaki tuloy ang mata ko.
"Tandaan mo ang adik mahirap ng pigilan." Nakangising sabi ni Quin.
BINABASA MO ANG
Adik Sa'yo
Teen FictionMeet Jess ang super duper adik kay Renz. Since highschool may gusto na siya dito. Kaso lang until now wala paring crushback hanggang sa tumigil ang mundo niya sa isang pangyayari na-