JESS POV
"Po? Nilalagnat siya?" Gulat na sigaw ko kabilang linya.
Tumawag kasi ako sa bahay nila Renz. Pano naman hindi siya pumasok. Hmmm... Ano kaya ang nangyari sakanya? Bakit biglaan siyang nilagnat?
"Reeennnnzz! Ayos kalang?" Sigaw ko agad pag kadating ko sa kwarto niya. Bigla namang natawa si Tita sakin, Mama niya. Kaya naman nahiya ako.
"Sorry po tita. Medyo nag alala lang po ako." Nahihiyang sabi ko.
"Wala yun. Ayos lang! Nakakatuwa ka nga eh." Natatawa pang sabi ni Tita. Nginitian ko lang siya pabalik.
"So tulad ng dati? Ikaw na bahala sakanya?" Nakangiting sabi ni Tita sakin kaya naman tumango tango lang ako.
Masosolo ko nanaman si Renz. May trabaho kasi si Tita kaya naman pag may sakit si Renz to the rescue agad ako at napakasaya pag ako ang nag aalaga sakanya, para kasing kami talaga. Priceless ang bawat segundo kahit pa makulit siya at matigas ng ulo.
"Ma!" Biglang angal ni Renz sabay face palm.
"Bakit?" Sagot ni Tita habang nag aayos ng gamit.
"Bakit mo nanaman siya tinawagan? Kaya ko naman ang sarili ko. Asar naman eh." Angal niya nanaman.
"Ok lang naman sakin yun Renz." Masayang sabat ko.
"Sakin hindi!" Agad na sabi niya kaya naman napa atras ako sa gulat.
"Hija? Hige na ikaw na bahala sakanya. Wag mo ng pansinin yang pinag sasasabi niyan." Mabilis na alis ni Tita.
"Opo." Sigaw ko pabalik sabay ngiti.
Kumuha nako sa baba ng palanggana at bimpo. Sabay nag luto narin ako ng lugaw—ang specialty ko. Laging nauubos yun ni Renz kahit gano pa kalala ang sakit niya. Diba! Imagine kung gano kasarap yon :D
QUIN POV
"Oy! Quin. Nasan nanaman si Jess? Bakit di siya pumasok?" Bulong ni Clarissa sakin habang nasa classroom.
"Nandun siya kila Renz. Wag kang maingay baka matawag tayo ni Ma'am." Sagot ko.
"Adik talaga yon!" Nagulat ako ng sumigaw siya kaya naman napatingin sakanya yung prof namin. Ang kulit kasi.
"Yes? Miss Domingo? May sinasabi kaba? Baka gusto mong ikaw nalang ang mag discuss dito." Masungit na sabi sakanya kaya naman nadukdok nalang siya. Napailing nalang ako sakanya.
JESS POV
"Hay nako Renz. Bakit moko pinag saraduhan ng pinto?!" Asar na sigaw ko sakanya. Kasi naman nag luto lang ako pinag saraduhan niya na ko.
"Renz! Buksan mo to!" Sigaw ko.
"Umalis kana! Kaya ko na sarili ko!" Sigaw niya pabalik.
"Hindi! Hindi mo kaya ang sarili mo!" Pangungulit ko sakanya.
Ayaw mo ha? Sige aakyat ulit ako sa puno katabi ng kwarto mo.
"Oh sige uuwi nako!" Kunyaring sabi ko sabay takbo sa likuran nila. Umakyat ako sa malaking puno. Buti nalang at may lahi akong unggoy.
RENZ POV
"Buti naman wala na siya. Matatahimik nako." Natutuwang sabi ko sabay higa nalang sa kama ko. Hayst. Ang bigat bigat ng ulo ko. Siguro dahil sa ulan. Makatulog na nga lang ay teka—asan ba yung headset ko?
JESS POV
"Oh? Natutulog na siya?" Gulat na sigaw ko ng malapit nako sa bintana ng kwarto niya.
"RENZZZ!" Sigaw ko.
"Aahhh!" Sigaw ko ng mapansin ko na may lamat na pala yung sanga.
"Reeennnzzz! Buksan mo yung bintana! Please! Mahuhulog nako!" Sigaw ko.
RENZ POV
"Hmmm? May sumisigaw ba?" Naalimpungatang sabi ko sabay tanggal ng headset.
"Renz! Tulong!" Gulat akong napatingin kay Jess na nakasabit sa puno. Ano nanamang kalokohan yang ginagawa niya? Ang sabi ko sakanya umuwi na siya eh. Hay.
Agad akong tumakbo at binuksan yung bintana.
"Abutin mo yung kamay ko!" Sigaw ko sakanya.
JESS POV
Bakit? Hindi ko maabot ang kamay niya. Bilis Jess ngayon kalang nilahadan ng kamay ni Renz. Abutin mo na. Dali...
"JESSS!!" Napasigaw na sabi niya at...
RENZ POV
Buti nalang at naabot ko ang kamay niya bago pa siya mahulog. Hay nako itong babae talaga na ito. Ang sakit sa ulo.
BINABASA MO ANG
Adik Sa'yo
Teen FictionMeet Jess ang super duper adik kay Renz. Since highschool may gusto na siya dito. Kaso lang until now wala paring crushback hanggang sa tumigil ang mundo niya sa isang pangyayari na-