Chapter 9

2.1K 99 14
                                    

"Hoy bwisit ka. Iniwan mo ko." Suntok sakin ni Clarissa ng makapasok siya sa Classroom.

"Kasi naman—""Hindi na kita sasamahan ulit pag sinundan mo si—" "Tumahimik ka nga." Pag papatahimik ko sakanya sabay takip sa bibig niya ng kamay ko.

"Nakakatawa ka sinundan mo talaga sila?!" Nakakainis bakit ba ang iingay nila baka mamaya biglang dumating si Jess.

"Hoy Quin bakit ka tumatawa ah! Ikaw may kasalanan nito eh." Asar na sigaw ko kay Quin na tinatawanan din ako sa isang sulok.

"Alam mo Renz para ka ng si Jess." Natatawang sabi niya sakin.

"Ou nga nuh? Nag kapalit sila ni Jess. Siya na yata yung adik!" Sigaw ni Clarissa habang lumalapit na kay Quin sabay apir pa nilang dalawa.

"Hindi ako adik ah!" Sigaw ko at nag tawanan naman yung mga kabrakada ko.

Buti nalang at kami kami palang ang nandito sa room.

"Oh ayan na pala si Je—" napatigil si Clarissa ng makita si Jess na may hawak na bulaklak at hawak din ang kamay ni Bryan na pumapasok sa room.

Bigla akong nakaramdam ng gulat na may halong parang tumutusok tusok sa dibdib ko. Nag tatawanan pa silang dalawa habang pumapasok ng room.

"Oh? Sila naba?" Bulungan ng mga kabarkada ko. Pero hindi ko parin maalis yung tingin ko sa mga kamay nila na mag kahawak. Napaupo nalang ako sa upuan ko habang napatulala.

Sila na? Naagaw niya na si Jess?

JESS POV

"Hoy babae!" "Aray!" Angal ko ng batukan ako ni Clarissa habang nakaupo kami sa foodcourt.

"Bakit ba?" Tanong ko.

"Sinagot mo na si Bryan?" Nakatitig niyang sabi sakin.

"Ano naman sayo? Kayo naman na ni Renz." Masungit kobg sagot sakanya.

"Kayo na ni Renz?!" Napasigaw namang tanong ni Quin.

"Hindi ah!!!" Sigaw din ni Clarissa.

Napatingin tuloy sila Renz habang nag tatawanan yung mga kabarkada niya samin. Bakit? Ano problema ni Renz? Bakit nakatulala lang siya?

"Nag date kaya sia kahapon." Pambabara ko kay Clarissa.

"Hindi ah! Sinundan kasi namin kayo non!" Gulat na sigaw niya kaya naman napanganga sakanya si Quin.

"Sinundan?!" Agad na sigaw ko.

"Nadulas ako? Tama ba?" Di makapaniwalang tanong niya kay Quin at tumango tango lang siya.

"Bakit niyo naman kami sinundan?!" Galit na sigaw ko.

"Yah! Hindi ako may kasalanan nun! Si Quin ang nag papunta sakin." "Ako?! Si Renz ang may plano nun!" Pag tuturuan nila.

"Si Renz? Bakit niya naman kami susundan?!" Sigaw ko sakanilang dalawa.

Napatingin naman samin sila Renz na nasa kabilang table lang. Saktong pag dating ni Bryan.

"Ano mayron?" Nag tataka niyang tanong.

"Wala. Tara na nga." Asar na hatak ko sakanya.

RENZ POV

"Bakit ka nagagalit?" Mahinahon niyang tanong sakin habang nakangisi.

"Nang aasar kaba ha? Papatulan na talaga kita!" Sigaw ko ulit sakanya.

"FYI lang. Wala akong kahit anong inaagaw sayo. Bakit? Kasalanan ko ba kung tatanga tanga ka?" Mayabang na sabi ni Bryan sakin.

"Ano?!" Sigaw ko sakanya sabay hawak sa kuhelyo ng damit niya.

"Masama bang pulutin ko lahat ng ayaw mong kuhanin? Or I should say na. Masama bang pulutin ko yung mga tinatapon mo lang." Natatawa niya pang sabi sakin.

"Alam mo nakakapikon ka! Bwisit ka talaga sa buhay ko!"

Adik Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon