E P I L O G U E

3.8K 141 34
                                    

JESS POV

Ang lakas ng ulan. Pano kaya ako makakuwi nito? Hay. Napaupo nalang tuloy ulit ako. Buti nalang at malaki yung puno hindi ako ganung nababasa.

Nandito kasi ako ngayon sa sekretong lugar ko. Nung nabubuhay pa si Daddy lagi kaming nanditong dalawa. May duyan siyang ginawa sa isang malaking puno, kaharap nito ang isang magandang tubigan. Hay napaka ganda talaga dito.

Pinikit ko panandalian ang mga mata ko. Dito sa lugar na ito. Gumagaan ang pakiramdam ko. Feeling ko nawawala ang problema ko ang mga sakit. Nakakatulong pa sakin yung tunog ng ulan at malamig na hangin at mainit na yakap. YAKAP?—napatingin ako sa yumakap sa likuran ko.

"RENZ?!" Napatayong sigaw ko.

"Bakit nandito ka? Ba—basang basa ka!" Nauutal na sabi ko sakanya.

"Haha. Ayos lang ako kaso nilalamig ako. Halika nga muna dito." Natatawang sabi niya sabay tayo at niyakap ulit ako. Namula tuloy ako.

"Kala ko nawala kana eh. Pinag alala mo ko." Bulong niya sakin habang nakayakap siya. Ramdam na ramdam ko yung pintig ng puso niya, napakabilis. At ang init ng yakap niya ang sarap sa pakiramdam.

"Nag alala ka?" Natutuwang tanong ko habang nakayakap siya sakin.

"Ou. Wag mo ng uulitin yon!" Biglang sigaw niya sakin habang umaalis sa pag kakayakap.

"Alam mo bang tinakbo ko lang ito mula sa school. Ang layo kaya? Tapos nakaka inis yung ulan! Hay nako. Ikaw naman kasi bigla ka nalang daw tumakbo habang umiiyak! Nakakainis ka? Ano nanaman sinabi sayo nung mokong na yun? Nakakaasar yang Bryan na yan!" Tuloy tuloy niyang sabi kaya naman natawa ko sakanya at bigla niya naman akong sinamaan ng tingin.

"Ano nakakatawa?" Nakataas kilay niyang tanong sabay pamewang sa harap ko.

"Kasi in seven years yan na yata ang pinaka mahaba mong sinabi sakin. New record ko yan." Natutuwang sabi ko sakanya.

"Hay nako ikaw—halika nga dito." Biglang sabi niya sabay yakap sakin ulit ng sobrang higpit.

Tinignan niya ko habang nakayakap siya sakin. "Wag kana ngang nag bibilang." Natutuwang sabi niya.

"Bakit naman? Kahirap mo kayang habulin atleast may record ako. Para pag may nag—" di ko natapos yung sasabihin ko ng bigla niya kong hinalikan! Parang sasabog na yung puso ko. Nakayakap siya sakin habang hinahalikan niya ko tapos umuulan pa. Parang pinapanuod ko lang sa mga telenovela.

"Yah! Ms. Jess Rodriguez, bakit ba nakadilat ka?" Masungit niyang sabi sakin.

"H-ha? Panong nakadilat?" Nag tatakang tanong ko.

"Pano naman hinahalikan kita tapos nakadilat ka. Parang ayaw mo sakin. Why? Si Bryan naba talaga?" Nakabusangot niyang tanong sakin. Kaya naman nagulat ako.

"H-hindi! Nag kakamali ka! Kasi—Hay de bale na nga lang." Di mapakaling sabi ko sabay yuko. Ou nga naman ang awkward nung ginawa ko. Ang tanga ko kasi sayang! Napaka ganda na sana nung first kiss ko. Hay.

"Ikaw ha? Siguro gusto mo torrid noh?" Biro niya sakin, namula tuloy ako ng sobra sa sinabi niya.

"Hindi ah!" Sigaw ko agad sakanya.

"Ikaw ah. Ang naughty mo pala." Natatawang sabi niya. "HINDI NGA! Mali yung iniisip mo!" Sigaw ko ulit at tinawanan niya lang ako ng tinawanan.

"Nakakainis ka!" Sigaw ko sakanya sabay pout.

"Ayos lang. Mahal mo naman ako eh." Nakangisi niyang sabi.

"Sino nag sabi?" Agad kong sagot sakanya habang nakabusangot padin.

"Eto." Seryoso niyang sabi habang nakahawak sa mga labi ko.

Tini-tigan niya ko ng nakakalusaw tuloy para akong mama-matay na sa sobrang kilig.

Napa atras ako sa kaba ng nilalapit niya sakin muli ang kanyang labi.

"Wag kang malikot." Mahinang sabi niya sabay lagay ng mga braso niya sa bewang ko. Yung tipong hindi na ko makakawala.

Napapikit ako habang seryoso niyang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. Ilang segundo pa naramdaman ko ulit ang mga labi niya. Hindi katulad kanina ginagalaw niya ang mga labi niya, hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Basta ilang sandali pa kusa nalang sumunod ang katawan ko sa ginagawa niya. Napayakap ako habang tinutumbasan ang mga halik na binibigay niya sakin.

Hinahalikan ako ngayon ng lalaking hinahabol ko ng pitong taon, Wala akong iniisip kung hindi ang nangyayari lang ngayon. Alam kong marami pang problemang dadating. Ah basta! Sakin lang siya ngayon. At walang puwedeng umagaw! THE END.

Adik Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon