Chapter 4

2K 96 24
                                    

JESS POV

"Oh? Josh ikaw pala yung nanliligaw kay Clarissa ah." Natutuwang bati namin kila Josh at Clarissa.

Hinatak ko si Quin papalapit sakanila. Maganda yan. Para pag naging sila lagi ko ng makakasama si Renz my loves.

"Oh? Ah... Ikaw pala Jess. Ha.Ha." Naiilang pang bati sakin ni Josh.

"Wala lang yan. Tara na." Masungit na sabi ni Clarissa sabay hatak saming dalawa ni Quin.

"Teka? Kawawa naman si Josh." Angal ko sakanya pero di niya ko pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad.

CLARISSA POV

"Puwede ba Renz. Tumigil kana. Hindi kita sasagutin." Masungit na sabi ko sakanya. Kasi kinausap ko siya sa isang bakanteng room sa malapit sa mini garden para di kami makita ni Jess.

"Dahil kay Jess?" Seryosong tanong niya.

"Malamang! Ayokong masira ang relasyon namin bilang mag kaibigan at saka napakabait ni Jess. Ayokong masaktan siya." Paliwanag ko.

"Alam ko. Ayoko din namang saktan si Jess." Sagot niya habang di makatingin sa mga mata ko.

JESS POV

"Pero gusto lang kita talaga Clarissa. Gustong gusto kita." Sigaw ni Renz.

Napahawak nalang ako sa bibig ko habang nakikinig sa usapan nilang dalawa.

"Bad idea talaga na sinundan natin si Clarissa." Bulong sakin ni Quin na hinahatak nako palayo.

Pero hindi ako makagalaw para akong  napako sa kinauupuan ko sa sobrang sakit. Bakit si Clarissa? Si Clarissa na kakatransfer palang kaya niyang magustuhan? Bakit ako na matagal ng nag paparamdam sakanya hindi niya magustuhan? Ano mali sakin?

"Sshhh... Jess wag kang umiyak dito. Halika na." Pangungulit ni Quin sakin.

RENZ POV

"Ang kulit mo! Ayoko ngang saktan si Jess!" Sigaw niya sakin sabay walkout kaya naman hinabol ko siya papalabas.

"Clarissa..." Bulong ko at bigla nalang siyang huminto kaya naman napatingin nalang din ako.

Si kulit.

Bakit nandito siya?

Umiiyak siya sa isang sulok. Lalapitan ko sana siya kaso tumakbo na siya agad.

"Renz ikaw napaka mo!" Galit na sigaw sakin ni Quin. Napayuko nalang ako.

Adik Sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon