CHAPTER 1 – The Beginning
Robin
4 Years Past
"Hello. Baby Babsy?" –malumanay na salita ni Belle ng tawagan niya ako ngayon hating-gabi. Alas onse pasado na pero tumatawag parin sakin.
"Bakit ka napatawag?" –pupungas-pungas kong tanong sa kanya.
"Ahmmm. Baby Babsy kasi nandito ako sa tapat ng bahay niyo." –dahan-dahan na pananalita ni Belle sakin.
"ANO!!! Robelle Mae Sindayen! Alam mo ba kung anong oras na? Maraming adik dyan, di ka ba nag-iisip?" –sunod-sunod kong litanya sa kanya.
Halo-halo ng emosyon ang nararamdaman ko ngayon, pero mas matimbang ang galit ko sa babaeng ito. Kung hindi ko lang to BestFriend hahayaan ko siya sa labas eh.
Dali-dali akong bumalikwas sa aking kama at tsaka lumabas ng bahay para sunduin siya sa labas.
At pagkalabas ko sa gate ay nakita ko siya na nakatalungko sa tapat ng gate namin.
"Belle, ano bang ginagawa mo dito? Gabi na! Bakit lumabas ka pa ng bahay niyo?" –pagsesermon ko sa kanya.
"Wala. Wala kasing tao sa bahay kundi ako lang at ang mga katulong namin. Nabo-bored ako eh." –panimula niyang pagsasalita.
Tinitigan ko lang siya habang nagsasalita, dahil alam ko na ang mga ganitong kilos ng Best Friend ko. Sa mga ganitong kilos niya ay gusto niyang dito mamalagi sa bahay, dahil sa lagi ngang may Business Trip ang kanyang parents, which are Business Tycoons. Malakas at kilalang kumpanya sa Pilipinas ang Company nila Belle. Kaya hindi maiaalis sa parents niya na mawalan ng oras para sa kanya.
Mabait ang BestFriend kong si Belle, makulit, matalino, palakaibigan, at higit sa lahat siya ang taong hindi tumitingin sa kahit anong pamantayan sa buhay, may isang bagay lang siyang tinitignan sa isang tao. Ugali.
"Gusto ko sanang dito muna sa inyo, weekends naman na bukas eh. Sige na, please! Movie Marathon muna tayo." –dagdag niya pang salita.
Malapit lang ang bahay nila Belle samin, isang kanto lang ang layo. Kaya hindi siya nahihirapang tumakas sa kanila at pumunta dito. Dagdag mo pa ung kilala na siya ng guard ng village namin kaya siya madaling nakakapasok, minsan pa nga hinahatid pa siya ng motorcycle patrol.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Eh andito kana." –walang gana kong pagsasalita.
Nauna na akong pumasok sa loob ng mapansin kong hindi ko siya kasunod. Kaya bumalik ako sa gate at nadatnan ko siya doon.
"Tara na!" –aya ko sa kanya.
"Ayoko, napipilitan ka lang eh. Uuwi nalang ako." –akmang aalis siya ng hinila ko ang kanyang braso.
"Anong napipilitan? Hindi noh!? Tara na! Pasok kana. May mga dala kabang discs?"
"Oo naman. Sige tara na! Bilis! Excited nako. Unahin natin ung A Second Chance ah. Maganda daw yon eh." –mahaba niyang bigkas sakin.
As usual siya na ang naunang maglakad papasok sa bahay at diretso sa kwarto ko. Isinara ko muna ang gate at ang pinto bago ako sumunod sa taas.
Pagdating ko sa kwarto ay naabutan ko siyang may hinahalungkat sa bag niya, kaya pala may dalang bag. Doon pala nakalagay ang mga bala na dala niya.
Hay! Pambihira talaga tong babae nato. Kakaiba!
"Oy? Baby Babsy, manunuod tayo ng walang pagkain?" –pagtatanong niya habang naka-pout pa.
"Hayy! Mauubos nanaman ang laman ng Ref namin. Nandito ka nanaman eh." –bigkas ko sa kanya bago ako lumabas ng kwarto papuntang kusina para kumuha ng pagkain.
Chips, Chocolates, PopCorn, and Pineapple Juice.
Pagbalik ko sa kwarto ay naabutan ko na nagsisimula na ung pinapanuod niya.
"Antagal mo naman. Ano ba yang kinuha mo?" –sabay abot sa dala kong tray.
"Yan lang kinuha ko." –matamlay kong bigkas.
Humiga ako sa kama ko at sumandal sa Head Rest. Nakatapat kasi sa kama ko ang TV kaya tanaw ko parin. Habang si Robelle ay nakasalampak sa baba malapit sa kama ko at nakatingala.
Isang oras lang ang nakalipas at nasa kalagitnaan na ng palabas ng may marinig akong ingay.
Grrrrrrrrrr.
Zzzzzz.
Grrrrrrr.
Zzzzzzzzzzzz.
Tumayo ako sa kama ko at tinignan si Belle. Hay! Tulog na habang naghihilik. Binuhat ko siya papunta sa kama at tsaka inayos sa pagkakahiga.
Ng biglang napukaw ng atensyon ko ang kanyang mukha. Ngayon ko lang siya natitigan habang natutulog.
"Ikaw talaga ang babaeng hindi ko makitaan ng kahit anong kapangitan sa loob man o labas ng katawan. Maging sa pag-uugali at asal." –bulong ko sa sarili ko.
Sabay tayo sa kama at pinatay ang TV. Ibinaba ko narin sa kusina ang tray at tsaka ako muling umakyat sa kwarto at nahiga sa Sofa.
YOU ARE READING
BestFriends Destiny
Fanfiction"You don't need to call me Bestfriend. Coz you need to call me Girlfriend. I Love You Baby Boyfie." "I Love You Baby Girlfie." ~~~ Sabay-sabay po nating sundan ang istorya ng pagkakaibigan nina Belle (Baby Giraffe) at Bin (Baby Babsy). Kasama na ang...