13

1 0 0
                                    

CHAPTER 13 – The Truth

Robelle

Lumipas din ang mga araw na naging maayos kami ni Bin. Simula noon ay bumalik na ang mga dati naming gawi.

Kung sino ang maagang magising ay siyang magluluto ng breakfast. Kung sino ang walang pasok siyang maglilinis. Kapag may problema magtutulungan sa pagresolba. Magkasamang namamalengke.

Naging maayos narin ang pakikisama niya kay Jerico. Naging kami na nito kahapon lang.

Matagal na siyang nanliligaw sakin at kahapon ko lang ibinigay sa kanya ang matamis kong oo. pero bago ko sinagot yon ay tinanong ko pa ulit siya dahil dito.

"May problema ba, Rob?" –malambing na tanong ni Je sakin.

Nandito nga pala kami ngayon sa Mall at kasalukuyang naghahanap ng mga kailangang gamit para sa props naming gagawin para sa performance.

Sabi kasi ni Prof. Aragon na required daw na kami ang gagawa n gaming props at costume.

Naisipan namin ni Je na gawing Jungle ang tema. Kaya bumili siya ng sandamakmak na crepe paper na green at brown. Maging mga cartolina na green at brown. At tsaka mga pandesigns.

Pasado alas dos ng hapon ng matapos kaming mamili sa mall at doon na din kami nag-lunch ni je. Kasulukuyan kaming pabalik sa dorm ko at doon gagawin an gaming costume and props.

Naabutan namin sa dorm si Bin.

"Baby Babsy, kumain kana? Kumain na kami ni Je sa Mall." –tanong ko sa Bestfriend ko.

"Uhm. uhm." –hindi makasagot ng maayos si Bin dahil sa nakasulpak na apple sa bibig niya.

Lumapit siya kay Je at agad namang nakipag-fist bomb.

Nginuya niya ng mabili ang apple at tsaka nagsalita.

"Bro kamusta?" –tanong nito.

"Okay lang." –sagot ni Je.

"Ah okay sige. hmm. Belle doon na muna ako sa kwarto mukhang may gagawin kayo eh. And one thing Belle. Mahiya sa Boyfriend mo, harap-harapan mo pa akong tinatawag na Baby Babsy." –sambit ni Bin sabay takbo sa kwarto niya.

Ngingisi-ngisi namang umupo si Je sa sahig ng sala. At tsaka inumpisahang ilabas lahat ng binili. Pumunta naman ako sa kusina para kumuha ng juice.

"Oh, Belle nakalimutan nating bumili ng isa pang scissor. Isa lang ang nadampot ko ye." –dismayadong sambit ni je.

"Wala din ako ye. But don't worry may gunting naman siguro si Bin." –sambit ko.

"BIN! BIN! Robin!" –sigaw ko ng suno-sunod kay Bin.

"Bakit ba?!" –galit na tugon nito.

"May gunting kaba?" –sambit ko.

"Wala!" –sigaw ulit ng lalaki.

"Wait may gunting ata sa dorm namin. Kunin ko lang." –sambit ni Je.

Pero iniisip ko na ako nalang ako kumuha dahil sa naiisip kong napagod siya sakakabuhat ng mga dala namin.

"Ako nalang ang kukuha. Nandun naman si Monica right?" –alok ko.

"Oo. Sigurado ka?" –tanong niya pa.

"Yup. Kunin mo nalang ung juice sa table. At inumin mo." –sambit ko sabay ngiti.

At tsaka ako naglakad papunta dorm nila Je. Ng malapit na akong makarating sa may hagdan ng building ay may nakita akong isang babae na hindi pamilyar na taga-dito sa building namin.

BestFriends DestinyWhere stories live. Discover now