CHAPTER 15 – The Preparation
Robin
Nandito kami ngayon nitong Bestfriend kong babae na to. At pumipili ng gagamitin namin sa Party.
Nasa women's section na kami at tapos na akong mamili ng damit ko kaya sinamahan ko naman itong babae na to.
"Bestfriend bagay ba to?" –tanong sakin ni Belle. Habang suot ang isang white dress off shoulders. At hindi ito maiksi dahil ang style nito ay parang gown. Na may long tail.
"I think so. Anong malay ko dyan?" –tanong ko.
Dinukot ko nalang ang phone ko sa bulsa ko at tsaka naglaro habang hinihintay si Belle sa pagpili.
"Boyfriend niyo po ba yan?" –tanong ng sales clark na tumutulong kay Belle sa pagsusuot ng damit.
"Nope." –simpleng sagot ni Belle.
Lihim kong pinakikinggan ang usapan nila pero kunway naglalaro ako sa phone ko pero nakabukas lang ang message box nito.
"Ayy sayang po. Maganda po kayo, pogi po ung lalakng kasama niyo bagay po kayo. Eh kaano-ano niyo po siya?" –tsismosang tanong ng clark.
Pero gusto ko ring marinig ang sasabihin ni Belle tungkol sakin. At nanlaki din ang ngiti ko sa sinabi ng clark ah.
"A special Bestfriend" –simpleng sagot ni Belle.
"Nako! Dyan naman po nagsisimula yon. Sabi po nung kasama kong medyo kasing edad niyo." –sambit pa ng clark.
Sinubukan ko namang sumingit sa usapan nila.
"Belle, matagal pa ba yan?" –kunway irritable kong reklamo.
"Ano ba! Hindi ka na nga tumutulong sa pagpili nagmamadali ka pa! sipain kita dyan eh." –galit din na sagot nito.
"Ang cute niyo pong tignan Maam, Sir. bagay! Sir, bakit hindi niyo po ligawan si Maam." –kinikilig pang wika ng clark.
"Ah. Wag niyo pong kausapin yan Ate. Loko-loko po yan. Tara po tingin pa tayo ng mas bagay ng dress. At ikaw . . .
Sabay turo niya sakin.
Tumahimik ka dyan kundi hindi kita ililibre." –pananakot ni Belle.
"Eh an---"
Naputol naman ang sasabihin ko sa pagtakip niya ng kamay niya sa bibig ko.
"Sabi ko tahimik. Rereklamo ka pa ye." –sambit niya.
Lumakad na ito papabalik sa fitting room.
"Ambaho ng kamay mo!" –pambibiro ko parin dito.
Natapos na si Belle sa pagpili ng damit at nauwi din siya sa pinakita niya sakin kanina.
Papalabas na kami ng Mall at pauwi na. biglang nagseryoso ang mukha ni Belle at nagtanong.
"Bin?" –seryosong sryos ang mukha na tanong niya.
Kinabahan naman ako dahil sa pagkaseryoso niya.
"Bakit?" –mahinahon kong sagot.
"Bagay ba talaga sakin ung damit?"
Muntik ko namang maibuga ung iniinom kong shake dahil sa tanong niya. pagka-seryo-seryoso tapos yon lang pala ang tanong.
"Bakit?" –natatawa tawa din niyang taong.
"Anong klase yang tanong? Lahat naman ng suot mo bagay sayo. Baliw!" –natatawa-tawa ko ring sagot.
Kinapa ko ang bulsa ko para kuhanin ang panyo punasan ang bibig ko. Pero wala akong makapa.
Bigla naman akong hinila sa braso ni Belle.
"Patingin n gang mukha mo."
Malumanay niyang wika sakin.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. at naramdaman ko nalang na dinadampian niya na ang labi ko gamit ang panyo niya.
"Salahula kase!" –bulyaw niya pagkatapos akong punasan.
Hindi ang nakagalaw sa ginawa niya. para bang may humaplos na malambot na palad sa puso ko.
"Tara na! ayon na ung jeep." –sigaw niya.
At doon lang ako nabalik sa huwisyo at sumunod sa kanya.
Hanggang sa nakauwi na kami sa dorm.
pp{-
YOU ARE READING
BestFriends Destiny
Fanfiction"You don't need to call me Bestfriend. Coz you need to call me Girlfriend. I Love You Baby Boyfie." "I Love You Baby Girlfie." ~~~ Sabay-sabay po nating sundan ang istorya ng pagkakaibigan nina Belle (Baby Giraffe) at Bin (Baby Babsy). Kasama na ang...