CHAPTER 10 – No Talking
Robin
Pagkatapos ng gabing iyon na usapan namin ni Belle ay hindi ko siya pinapansin. Isang linggo narin ang nakalipas mula ng mangyari yon, at hanggang ngayon ay hindi parin kami nagpapansinan. Nagtataka na nga ang mga malalapit naming kaibigan na bakit ganun ang nangyayari. Di ko nalang sila sinasagot ewan ko lang si belle kung sumasagot siya s tanong ng iba naming barkada. Isang umaga ay gumising ako ng wala na si Belle sa kwarto niya.
Pumunta ako sa kitchen at nakita ko na may note siyang iniwan sa ref.
Until now I can't understand you're conclusion about Jerico. I hope you will be able to be friends with him someday. Have a nice day :)
-Belle
"Wala pala talaga siyang balak na makinig sakin. Well then okay, basta wag niya akong sisisihin kung masaktan siya doon." –bulong ko sa sarili.
Pagkabasa ko ng note ay binuksan ko ung ref at tsaka tumingin ng makakain. Ayoko kasi nung niluto ni Belle, kaya kakain nalang ako ng fruits at iinom ng milk.
Kinuha ko ung isang banana at isang apple tsaka ung milk na nasa medium carton.
Nagsalin ako ng milk sa baso at tsaka ito sinimulang inumin.
Tok! . . .
Tok! . . .
Tok! . . .
Pagkatapos kong inumin ung milk ay tsaka ko binuksan ung pinto.
"Bro! tara Basketball muna tayo sa court wala naman tayong pasok eh." –yaya sakin ni Francis Allen na kaibigan ko.
"Bro! ayoko. May tatapusin pa akong report. Terror ung prof ko dun eh." –pagtanggi ko sa aya ni Allen.
"Sige na nga. Kami nalang! Baka mag-Magna Cumlaude ka na sa ginagawa mo ah!" –biro niya pa.
"Hahaha! Uto ka talaga. Pero sana nga. Para naman mapatunayan ko na hindi lang ako pang-Valedictorian." –pagsabay ko sa kalokohan niya.
Pero hindi yon kalokohan para sakin. Seryoso ako sa sinabi ko doon sa mokong nayon. Gusto ko talagang maging MagnaCumlaude or kahit Cumlaude lang din sapat na. para lang hindi ako mapahiya sa mga magulang ko. I want to prove something na tataas ang tingin nila sakin.
Maghapon lang akong gumawa ng mga paper works na kailangan kong tapusin.
Hanggang siguro mga pasado alas singko ng marinig kong may kumakatok.
At sa uri ng pagkatok niya sa pinto ay si Belle iyon. Malamang hindi niya dinala ung susi niya ng bahay dahil alam niyang wala akong klase ngayon.
Kaya naman kahit na ayokong pagbuksan ng pinto si Belle ay ginawa ko parin.
Pumunta ako sa pinto at binuksan iyo. Pero hindi ko siya pinansin at bumalik na agad ako sa kwarto ko.
Narinig kong nag-ring ang phone ni Belle at narinig ko rin ang mga isinasagot niya sa kausap niya.
"Hello! Sino to?"
"Ahh. Bat ka napatawag?"
"Ngayon na?"
"Okay sige magbibihis lang ako ya. Hintayin mo nalang ako dyan."
"Bye!"
Pagkatapos ng usapan na iyon ay naisipan kong sundan si Belle sa pupuntahan niya. kaya naman nagbihis din ako at iniligpit muna ung mga kalat ko.
"Bin aalis muna ako. Baka gabihin ako." –paalam sakin ni belle na hindi ko naman sinagot ng kahit na ano.
Pagkasabi niya non ay narinig ko ring sumara ang main door ng dorm kaya naman sinegundahan ko na rin ang paglabas ng dorm namin upang sundan si Belle.
Wala akong kahit anong idea kung saan siya pupunta pero hayaan mo siya. Basta susundan ko to!
e%-]
YOU ARE READING
BestFriends Destiny
Fanfiction"You don't need to call me Bestfriend. Coz you need to call me Girlfriend. I Love You Baby Boyfie." "I Love You Baby Girlfie." ~~~ Sabay-sabay po nating sundan ang istorya ng pagkakaibigan nina Belle (Baby Giraffe) at Bin (Baby Babsy). Kasama na ang...