3

1 0 0
                                    

CHAPTER 3 – Malling

Robin

Pagkadating namin sa bahay nila Belle ay dali-dali siyang tumakbo sa kwarto niya at sinabing saglit lang daw siyang magbibihis at ako naman ay nandito lang sa sala nila habang hinihintay siya.

Hanggang sa magutom ako at gusto ko ng makakain.

Pumunta ako sa kusina nila Belle at tumingin ng kahit ano. Nakakita ako ng Green Apples kaya kumuha ako ng isa at naglagay narin ng gatas sa baso.

"Hmm. Masarap tong gatas nato ah!? Anong brand ba to?" –bulong ko pa sa sarili ko pagkatapos tikman ang gatas.

Mga ilang minute rin akong naghahanap ng kung anu-anong pagkain doon sa kusina nila Belle.

"Yan kasi hindi kumain ng agahan kanina kakamadale!" –bulyaw sakin ni Belle ng maabutan ako sa kusina nila.

"Kabit mo nga to Baby!" –dagdag pa niya.

At sabay abot naman sakin nung kwintas na pinapakabit niya.

Sinunod ko naman ang iniutos niya.

"Eto ung binigay ko sayo nung bierthday mo ah?!" –bigkas ko habang sinusuot sa kanya ang kwintas.

"Oo. Babawiin mo ba? Hahaha!"

"Baliw! Ngayon mo lang ata sinuot?" –tanong ko.

"E nakakalimutan ko kasi sa Secret Taguan ko kaya hindi ko naisusuot." –sagot niya.

"Ayan! Tapos na, tara na! Baby libre mo ya." –pagaaya niya sakin sabay kapit sa braso ko.

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

Sumakay na kami sa kotse na dala ko. At pumunta nga kami sa Mall para maggala.

Nag-umpisa kami sa Restaurant dahil sa nagugutom na ako. Nung una ayaw pa nga ni Belle. Tinakot ko lang na hindi ko siya ililibre sa Tambayan.

"Umorder kana!" –sambit ko sa kanya.

"Hmm. Kung ano nalang ung sayo." –tamlay niyang sagot.

Tinuro ko naman sa waiter ung order ko at sinabi ko naring ganun din ang kay Belle.

"Anong problema?" –tanong k okay Belle. Dahil sa napansin kong bigla siyang tumamlay.

"Wala." –tipid niyang sagot.

"Ano nga?"

"Wala nga eh! kulit." –inis niyang sagot sakin.

"Baby, we've been BestFriends since Elementary. Kaya alam ko na kung may problema ka! Ano na yon? Common spill it." –pangungulit ko sa kanya.

"Sila Mommy kase." –panimula niya.

"What about Tita Vilma?"

"Babalik na ulit tayo sa dorm natin pero hindi ko parin sila nakikita. Sabi nila babalik sila agad para makita ako. Pero asan sila?" –sambit ng BestFriend ko habang nakayuko at halatang namumuo na ang luha sa gilid ng mata niya.

"Hay nako Baby, para namang wala silang car! Kaya ka naman nilang puntahan sa dorm anytime they want. Kaya sure ako babawi sayo yon." –pagpapalubag ko sa kanya.

"Eto na pala yung order natin eh. Tara na kain na tayo! Salamat Kuya." –bigkas ko sa Waiter.

Kumain kami ni Belle ng may halong kulitan. Hanggang sa matapos kami at nakapagpahinga. Napagdesisyunan namin na pumunta na sa tambayan.

Siguro lahat kayo naiintriga na sa tinutukoy kong tambayan. Hahaha!

"Welcome to Tom's World Maam, Sir!" –bigkas ng crew sa cashier.

Iniabot ko ung card namin and chineck kung ilang tickets na ang laman.

Then pagkatapos ay bumili na kami ng tokens.

Tig-200 pesos lang muna ang binili namin. At inumpisahan na namin ang maglaro ng maglaro dito.

Ang inuna namin ay ang Basketball.

"Pataasan tayo ah!" –sigaw ko kay Belle.

"Sige lang!" –sigaw niya din sakin.

Pagkatapos namin doon ay sinubukan namin kumuha ng Teddy Bear sa Machine na may pang-ipit sa loob.

Pero bigo kaming kumuha.


"Hay! Andaya naman neto." –reklamo ni Belle.

"Mauubos lang token natin dyan. Tara na Favorite!" –aya ko sa kanya.

"Sige na nga! Tara na! may araw din sakin yang Teddy Bear nayan."

At pumasok na kami sa isa sa mga KTV Rooms.

Eto ang Favorite place namin ni Belle. Simula ng matuto kaming pumunta sa TW ay ito na ang nakahiligan namin. Hindi masasabing maganda ang boses ko, pero ang kay Belle. Wow! Maganda ang boses niya. Pero pilit niya itong itinatago sa lahat. Sakin niya lang ipinaparinig. Nagagalit pa nga kapag ikinukwento ko sa ibang maganda ang boses niya.

Do you remember when

I said I'll always be there

Ever since we we're ten, Baby.

When we we're out of the playground

Panimula niya sa kantang madalas niyang kantahin.

Ilang oras din ang lumipas. Nagtaggal kami sa loob ng KTV nagharutan, nag-agawan sa mic, nag-agawan sa kanta, at nag-agawan ng token. We've been so happy hanggang sa maubos na ang tokens namin. At lumabas na kami ng KTV.

"Nagugutom ako." –reklamo ko.

"Hay! Nako Baby, antakaw mo talaga." –pambubuska niya sakin.

"Maam, Sir ang sweet niyo naman. Bagay po kayo. Eto na po ung Card niyo." –abot ng cashier girl samin.

Pumunta kasi kami sa cashier para ipasok sa card ko ung nakuha naming tickets kanina sa Basketball.

"Ah, miss hindi kami mag-boyfriend. Best Friends kami." –paglilinaw ni Belle sa babae.

"Ay! Sayang naman po ang ganda niyo pa naman tapos ang pogi ni Kuya. Bagay po talaga kayo eh." –kinikilig pang sagot nito.

"We're planning of it Miss. We'll go ahead." –pagtatapos ko sa usapan.

Habang naglalakad kami palabas ay bigla nalang akong kinurot nitong si Belle kaya naman . . .

"OUCH!!!" –sigaw ko.

"Oy? Ano ka ba ang ingay mo." –pigil niya pa sakin.

"Eh ikaw kasi ye. Bakit mo ba ako kinurot?" –tanong ko habang hinihimas ung bewang ko.

"Planning planning of it ka dyan. Sampalin kita dyan eh!" –nanlilisik niyang sabi.

"Ano kaba para lang matahimik na ung Clerk na babaeng yon." –pagpapaliwanag ko.

"Kahit na!"

"Tapos na yon Baby, pag-aawayan paba natin?" –pagaamo ko sa kanya.

"Oo! Kaya tumakbo kanaaa!" –sigaw niya sakin kaya naman napatakbo narin ako.

At buti nalang nandito kami ngayon sa garden nitong mall. Grass ang tatapakan namin at wala kaming mababasag.

Ang tagal din naming naghabulan ng biglang . . .

"Ay! Sorry po. Sorry po." –rinig kong bigkas ni belle.

Kaya naman automatic akong napatingin sa likod. At nakita kong nakahiga sa damuhan ang isang lalaki. Habang si Belle ay pilit sa paghingi ng tawad.

BestFriends DestinyWhere stories live. Discover now