6

2 0 0
                                    

CHAPTER 6 – The Second Time Around

Robelle

"Ikaw ung babaeng nakabangga sakin diba?" –sigaw sakin ng lalaki.

Sa sobrang hiya ko naman ay hindi ko alam ang aking gagawin. Sa ganitong pagkakataon ay gusto ko nalang lamunin ako ng lupa.

"Magkakilala kayo?" –tanong ni Monica na parang naguguluhan.

Hindi ko naman masagot si Monica dahil mismong pati ang aking dila ay ayaw gumalaw sa sobrang hiya.

"Hindi kami magkakilala pero nagkakita na kami in an unexpected way. Siya ang may kasalanan ng pilay ko na to!" –kala mo galit namang tugon ng lalaki na ang pangalan daw ang Jerico.

Hindi ko naman akalain na napilay ko pala siya nung nagkabangga kami.

Kaya mas lalo tuloy akong nahiya at nagkaroon narin ng konting guilt sa sarili ko.

Hindi ko parin alam ang gagawin ko maski ang sasabihin ko. Sa ngayon ay pareho silang nakatingin sakin at naghihintay ng sasabihin ko.

"Ahmm. Sorry ya! Sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya yon e." –pilit at hiyang-hiya kong sambit sa harap ng mag-pinsan.

"Sa susunod kasi wag kang nakikipagharutan sa loob ng Mall." –reklamo niya.

Nanggigil naman agad ako sa sinabi niyang kasinungalingan. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumbatan din siya.

"For Your Very small informations about me. Hindi ako nakikipagharutan. Kapag ba nakikipaghabulan harutan agad? Ang kitid ng utak mo!" –sambit ko na gigil na gigil sa harap niya.

"Ah hindi pala harutan sayo yon noh?! Nakikipaghabulan with you boyfriend hindi pala harutan yon noh?!" –sabi niya na may pang-aasar pang tono.

Hinahamon pala talaga ako ng mokong nato noh?!

"At eto pa idagdag mo sa impormasyon na katiting dyan sa utak mo! Wala ako boyfriend. NBSB ako! At ung lalaking kasama ko. Bestfriend ko yon. Hindi nga pala nagkamali sa first impression ung Bestfriend ko, mayabang ka nga! Dapat pala hinayaan ko nalang siyang sapakin ka." –mahaba kong bigkas sa kanya na akala mo bulkan akong sumabog.

"Ehem! Excuse me po. Nandito ako sa harap niyo . . .

Pigil samin ni Monica.

Siguro sa ngayon maghiwalay-hiwalay na muna tayo ah" –dagdag pa ni Monica.

"Sige Bes! Una na kami. Kita nalang tayo bukas sa klase." –paalam sakin ni monica.

"Sige Bes! Bye." –sagot ko naman.

"Wala naman kasing alam, grabe makapagbintang!" –parinig ko pa sa lalaking nuknukan ng yabang.

"May sinasabi ka ba Miss?" –tanong sakin ni Jerico the Yabang!

"Tara na Je. Punta na tayo dorm. Bilisan mo. Aayusin mo pa ung gamit mo." –rinig kong sabi ni monica habang hinihila palayo ung pinsan niya.

"May araw ka rin sakin!" –rinig ko pang sigaw niya.

KIINABUKASAN . . .

Nagising ako ng alas kwatro ng umaga. Masyado ata akong napaaga sa gising. Hindi ko kasi namalayan na nakatulog nap ala ako kakaayos ng gamit namin ni Bin kagabi.

Hindi ko na nga rin namanlayang dumating siya. Sinilip ko ung kwarto niya at ayon mahimbing na natutulog at naghihilik pa ang bakulaw.

Dahil nga sa maaga akong nagising naisipan ko nalang na magluto ng breakfast namin.

Nag-toothbrush muna ako at naghilamos. Pagkatapos ay nagluto na ako. Nakakita ako ng bacon sa ref namin kaya yon ang niluto ko at tsaka ko nag-fried ng rice.

Kahit naman mayaman kaming parehas ni Bin sanay kami sa kahit anong pagkain. Kami kasi ung mayaman na hindi katulad ng iba. Maarte at mapipili sa lahat ng bagay.

We are inverted to them dahil kami ni Bin yung tipo na kahit mayaman ay go sa kahit anong bagay. Even though may makasama kaming lower class ay hindi namin alintana yon. Dahil sanay kami, at hindi kasi kami tumitingi sa pisikal na kaanyuan ng tao, kundi sa puso at ugali.

"Wala na palang stocks. Hay! Nakalimutan naming mag-grocery." –bulong ko sa sarili ko habang tumitingin ng milk pagkatapos lutuin ung rice at bacon.

Wala na kong nakitang milk kundi coffee lang. kaya naman wala akong choice na inumin kundi coffee.

Nagpakulo akong water sa heater para sa coffee. At habang nakasalang yon ay inayos ko na ung mga gamit ko for the day. At ng makita ko ung schedule ko. PE lang pala namin ngayon Monday. Isang subject lang pero nuknukan naman ng hirap. Pero okay narin para pagkatapos kong magklase ay pupunta nako sa Supermarket.

Naisipan ko namang tignan ung schedule ni Bin. At nakita ko na wala siyang pasok ngayon. Kaya pala tanghali na nakatihaya pa tong lalaking to.

Oo na alam ko na iniisip niyong hindi ko kabisado ung schedule namin. Hahaha! Tama kayo, hindi ko talaga kabisado. Kaya araw-araw bago pumasok ay tinitignan ko pa ung Schedule ko na nakakabit sa pinto ng kwarto ko. Ung kay Bin naman ay nakalagay lang sa isa niyang notebook.

Maya-maya ay narinig ko ng humuhuni ung heater kaya naman isinalin ko na ung tubig sa thermos.

At tsaka ako umupo sa dinning area at kumain.

Pagkatapos kong kumain ay naligo naman ako.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at tsaka ako nagsulat ng note bago umalis. Idinikit ko iyon sa ref at tuluyan ng lumabas dahil pasado alas sais na.

Ilang minute pa bago ang klase ko pero pumunta nako sa room para ma-review narin kung ano ung gagawin namin ngayon sa PE namin.

BestFriends DestinyWhere stories live. Discover now