2

1 0 0
                                    

CHAPTER 2 – The Parents

Robin

"GoodMorning! BestFriend kong Baby Babsy!" –kay aga-agang pangungulit ni Belle gamit ang kanyang napakatinis na boses.

"Ano ba Baby Giraffe! Ang aga pa kaya oh?! Anong oras palang eh. Mamaya ka na manggising." –iritable kong sagot sa kanya.

"Baby Babsy, may pasok ngayon si Tito Rudy at Tita Carmen sa work right?" –malumanay niyang pagtatanong sakin.

"Oo. Ano naman ngayon?" –sagot ko habang hindi parin natitinag sa loob ng kumot habang nakahiga.

"Edi, dapat you will make breakfast for them."

"And why would I do that?" –naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Coz you know, parents will get more eager to give back the credit cards of their child if they are good to them. So if you'll going to be good to them for the morning, you'll get you cards. At makakapunta tayo ngayon sa Mall J" –mahabang bigkas ni Belle sakin habang hinihila ang kumot sakin.

Bigla namang napalakas ang hila ni Belle kaya naging dahilan para malaglag ako sa side ng Sofa at kasabay nito ang pagbagsak niya sa aking ibabaw dala ng malakas na pwersa.

Nagkatitidagan lang kami ng mga ilang minuto, hanggang sa ako na ang bumasag sa katahimikan namin.

"Baby Giraffe, tayo ka na para maipaghanda ko na sila Mom ng breakfast" –bigkas ko habang nakatitig parin sa kanya.

Tumayo naman siya at pinagpag ang sarili.

"Baby Giraffe, tayo mo ako" –paglalambing ko sa BestFriend ko habang pinaaabot ko sa kanya ang kamay ko.

"Hay! Nako Baby Babsy, sige na nga!" –inabot niya ang kamay ko at iniangat ako patayo.

"Salamat!" –bigkas ko habang papababa na ng hagdan.

Pumunta na agad ako sa kusina para magluto ng breakfast namin. Naabutan ko si Manang na nagluluto na but I insist na ako nalang ang gagawa. Kaya walang nagawa si Manang kundi ang alalayan nalang ako sa ginaagawa ko.

"Babsy! Anong niluto mo?" –tanong ni Belle habang papalapit sa dinning table habang nag-aayos ako.

"Omelette, Bacon, Hotdogs, and Fried Rice. And syempre hindi ko kinalimutan ung mga favorite drinks ni Mom at Dad which is Coffee and Pineapple Juice." –mahaba kong sagot sa kanya.

"Gret job!" –pagsang-ayon ni Belle sakin.

"GoodMorning Everyone! Oh Belle you're here pala." –pagbati ni Mom kay Belle.

Lumapit ako kay Dad at Mom para bigyan sila ng GoodMorning Kisses.

"Nak, why are you wearing an apron?" –tanong ni Dad.

"Ah Mam, Ser pasensya na po si Ser Robin po kasi nagpumilit na magluto ng breakfast eh. Pasensya na po talaga." –paghingi ng paumanhin ni Manang.

"Ano ka ba Manang, it's ok." –sagot ni Mom.

"Hmm. Honey? Do you smell something?" –biglang salita ni Dad kay Mom.

"Yes Honey! Nangangamoy ---" –gatong pa ni Mom sa sasabihin ni Dad.

"Lambing! HAHAHA." –sabay pa nilang bigkas.

"So Nak ano yon?" –tanong ni Dad.

"Hmm. Gusto ko po sana pumunta sa Mall. But Im already out of cash and my credit cards are on to you dahil na-confiscate last week. Nakakahiya naman kay Belle Dad." –mahinahon kong bigkas kay Dad.

"Nak, as soon as you know how to be good. Okay? So here's your cards. So cash? Eto narin." –bigkas ni Dad.

"Thanks Dad, Thanks Mom! Sige po maliligo na ako. And im going to rock the Mall." –sigaw ko habang tumatakbo papaakyat sa kwarto ko.

"Hay! Belle, kumain kana. Hayaan mo na yang si Robin." –narinig ko pang alok ni Mom kay Belle.

"Alright Tita."

At ng makaalis sina Dad at Mom ay tsaka ko hinatid si Belle sa kanila at doon narin naghintay.

11=fR

BestFriends DestinyWhere stories live. Discover now