7

1 0 0
                                    

CHAPTER 7

Robin's POV

BestFriend,

Pumasok nako. Hindi na kita ginising ah. Isa lang subject ko ngayon, PE lang. Pagkatapos ko sa school bili tayo sa stock sa Market, wala ng laman eh. Samahan mo ako ah, nakita ko schedule mo wala kang klase ngayon. At Bestfriend nagluto nako ng Breakfast at wag ka ng maghanap ng Milk, wala na. Hahaha!

Your Dearest bestfriend,

Robelle Mae Ganda Sindayen

"Hay! Alam niya nga schedule ko hindi niya naman alam na may group study ako. Text ko na nga lang yong babae nayon." –bulong ko sa sarili ko ng mabasa ung message ni Giraffe.

Kakagising ko lang kahit na gusto ko pang matulog. Ngayon kasi namin tatapusin ng mga kaklase ko ung nakatalagang thesis samin na ipapass pa naman sa December pero dahil nga magse-sembreak baka daw gahulin kami sa oras. Kaya naisipan nilang tapusin na this week.

To: BestFriend

Baby, may gagawin kaming Thesis ngayon. Di kita masasamahan sa Market. I love you Bestfriend. Hahaha!

Maya-maya ay kumain na ako at tsaka gumayak.

Robelle's POV

Pagkapasok ko sa room namin ay marami-rami narin ang naabutan ko. Na may iba't ibang ginagawa. Kaya umupo muna ako sa isang upuan malapit-lapit sa unahan para makita ko ung prof ko at hindi pahirapan sa isusulat.

Mga ilang minute lang ang nakalipas ng dumating na ang prof namin sa PE. Kaya hindi ko na naituloy ang pagtatangka kong mag-advance study sa lesson namin ngayon.

Nag-discuss siya tungkol sa gagawin namin na Mid-Term sa kanya. At yoon ay ang Dancing.

Nagulat naman ako sa magiging topic namin. At hindi lang siya typical na dancing dahil CheerDance ang gagawin namin.

Ang mas mahirap pa ditto ay tatlo lang per group ang ginawa ng prof namin.

Isang babae at dalawang lalaki sa bawat isang grupo.

Habang nagdi-discuss ang prof namin ay may isa namang lalaki na pumasok sa loob ng room.

"Sir excuse po. Is this the BSBA Building Room Number 15? There's no signs outside so I guess I need to ask po. Im sorry for the interruption." –magalang na tanong nito.

At kung hindi ako nagkakamali ito si Jerico. Don't tell me na magiging kaklase ko siya.

"Oy! Pinsan mo yan diba?" –tanong ko kay Monica na katabi ko sa ngayon.

"Oo. Di ko alam na ka-block pala natin siya." –sambit niya sakin.

"Well you are not mistaken. This is the room you are finding. I guess you are a tranferee. Am I right?" –bigkas ng prof namin kay Jerico.

"Am you're right po Sir." –tugon naman niya.

"So get in front and introduce yourself before I start to group the class." –sambit sa kanya ng prof namin.

"Sir will you mind if ask a question?" –tanong ni je.

"Hmm. Go ahead ask it." –tugon nito.

"Is this an English Zone Class?" –natatakot pa nitong tanong.

Bigla namang napatawa ang prof namin sa tanong niya.

"No. You're free to speak in tagalog. PE class to." –sagot ng prof namin.

Buti nalang itong si Prof Aragon ay hindi katulad ng mga terror naming teacher. Mabait siya at pogi pa. bata pa kasi ye. Pero sa sobrang talino niya naging prof agad siya ditto sa CLSU. Di lang siya PE teacher. NSTP teacher din, pero isang component lang. at Socialization yon.

Nakita ko na nag-ayos muna ng sarili si Jerico bago magsimulang magpakilala.

"So GoodMorning Everyone. I am Jerico San Pedro a transferee from UP Baguio. So I hope na sana magkaroon ako ng good communication with all of you here. Thank You!" –pagi-introduce niya.

"Thank You! Mr. San Pedro you may now sit on vacant seats behind there." –sambit ni Prof Aragon.

Umupo na si Jerico sa bakanteng upuan sa likod. At nagsimula na ulit magsalita si Prof Aragon.

"Now and the next group is composing of our transferee Mr. SanPedro, with Mr. Manuel and Ms. Sindayen." –nagulat naman ako sa sinabi ni Prof.

Kaya naman all the way na nagsasabi siya ng groupings ay pilit ina-absorb ng utak ko ang sinabi niya.

Maya-maya pa ay nag-ring na ang bell meaning ay dismissal na.

"So class. Our Mid-Terms is on the last day before the SemBreak. Get ready! Mag-usap usap na kayo ng groups niyo." –huling salita ni Prof.

Pagkatapos nun ay lumabas narin ako ng room para dumiretso na sa Super Market.

Pero habang naglalakad ako ay may tumawag sa pangalan ko na hindi pamilyar ang boses sakin.

"Ms. Sindayen! . . .

Hindi rin pangkaraniwan na apelyido ang itawag sakin ng mga kakilala ko ditto maliban sa Professors namin.

Ms. Sindayen!" –nilingon ko na ung tumatawag dahil sa pangalawang beses niya nang tawag iyon.

Nang paglingon ko ay nakita ko si Jerico. Si Jerico na nakabangga ko sa Mall. Si Jerico na nakasagutan ko kahapon. Si Jerico na anpilayan ko. Si Jerico na ngayon ay kagrupo ko.

Parang napako naman ang mga paa ko sa nakita kaya naman hindi ako makagalaw.

Hanggang sa maramdaman ko na malapit na pala siya sakin. At siguro kanina pa siya nagsasalita at kanina parin ako nakatulala.

"Hey! Kanina ka pa tulala." –sambit niya habang iwinawasiwas sa mukha ko ang kamay niya.

"Ah-ahh! Yes? Bakit?" –nauutal kong tugon.

"Di ba natin pag-uusapan ung Mid-Terms test natin?" –tanong niya.

"Ahh! Siguro bukas nalang. May pupuntahan pa kasi ako ngayon eh. Bukas nalang." –sagot ko.

"Ah okay sige. Pupunta parin kasi ako sa Super Market para mamalengke ye. By the way ikaw ba saan ka pupunta?" –mahaba niyang litanya.

"Sa Super Market din." –tugon ko.

"Good to hear. Tara sabay na tayo." –yaya niya sakin.

Gusto kong tumanggi dahil sa nahihiya ako pero eto na siya. Parang nakakahiya naman kasi parehas lang kami ng pupuntahan.

Dapat pala sinabi ko may special akong lakad. Sayang!

"Sige. Sabay na tayo. Para makapag-usap narin tayo about sa test natin." –sagot ko sa kanya.

"Great! Tara na." –yaya niya hanggang siya na ang naunang maglakad at sumunod nalang ako.

#)}-

BestFriends DestinyWhere stories live. Discover now