21

4K 159 13
                                    

MAINE

Pagkatapos ng araw na yun ay laging nagdadala ng mga letters si RJ, meron din flowers and chocolates. Parang nangliligaw lang pero ewan ko kung tatanggapin ko yun kasi minsan pinabibigay ko na lang sa mga kapatid ko at minsan pinapatapon ko.

Mas lalo lang ako nasasaktan kasi everytime na nagpapadala siya ng mga bulaklak at mga chocolates, lalo akong nagdadalawang isip kung papatawarin ko na siya oh hindi. Litung-lito na talaga ako.

"Meng, may naghahanap sayo sa labas."

Napatingin ako kay Coleen, she's smiling at me but her eyes are sad. Parang paiyak, magtatanong sana ako kung sino pero umakyat na siya sa taas, I just shook my head at lumabas.

Napako ako sa kinatatayuan ko, ang lakas ng ulan sa labas at para siyang basang sisiw na hintay ng hintay sa wala, all the flowers are wet and he's soaking wet. Kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Maine..."

"RJ! Pumasok ka nga sa loob, ano ba pinaggagawa mo?!"

Kumuha agad ako ng tuwalya at pinunasan siya, he's freezing outside, sayang naman yung mga flowers, he started coughing and snizzing at the same time, he got colds.

"Bakit ka kasi nagpaulan?"

"I miss you."

Napatingin ako sa kanya, pulang-pula ang ilong niya at tenga niya, yung mga mata niya ay parang iiyak nanaman, is this too much? Papahirapan ko pa ba siya? Parang gusto ko nang tumigil.

Nasasaktan na rin ako sa pinag-gagawa ko.

"Maine, please may pag-asa pa ba ako?"

"RJ..."

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod at parang nagmamakaawa, hindi ko alam ang gagawin. Nagdadalawang isip pero kung sinabi kong meron pa, baka masaktan nanaman ako, ayoko ng masaktan.

Kung sinabi kong wala na, baka naman hindi ako maging masaya kay Paul, wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya, pero baka siya rin naman ang isa sa mga paraan para makalimutan ko si RJ diba?

"Aalis na ako, pupunta na akong California, I'll stay there for good."

So iiwan niya nanaman ako? Susukuan niya nanaman ako? All I want him to do is to beg and win me back, that's all. Pero bakit aalis na siya? Dahil sumuko na siya?

"Have a safe trip, ingat ka."

"Maine naman, ayun lang?"

"Eh ano naman gusto mong sabihin ko sayo?"

Papairalin ko nanaman ba ang pride ko? Maganda naman ang gagawin niya, kakalimutan niya na ako kapag nandun siya sa California, at kakalimutan ko na rin siya. Masyado lang kami nasasaktan kapag nagakikita kami.

"Maine, naman..."

"RJ, pupunta ka doon para magmove-on sa akin at mas maganda yun, kapag nandito ka masyado ka lang masasaktan dahil sa akin. Maybe it's time for you to forget about me, you deserve better."

He held my hand and kissed it, hinayaan ko na lang siya. This will be the last time, and I'm sure I'll miss it, mamimiss ko to. Pero masyado na kaming nasasaktan, masyado na siyang umaasa sa wala.

"Is this a goodbye then?"

"Yeah..."

He hugged me full of love and I can feel it, I hugged him back and smiled sadly, I know he'll be happy there. Without me. I know na makakalimutan niya na ako, wala ng masasaktan. At wala na rin aasa at iiyak.

"Goodbye RJ..."

"Goodbye Maine, always remember. I love you."

And maybe he'll loved me after that.

--

"Sige pride pa ha? Pride pa, Meng."

Napatingin ako kay Coleen, masama ba ang ginawa ko? Hinayaan ko na si RJ na umalis, alam ko naman na hindi niya ako deserve. He deserve a different girl, not me.

"Coleen naman, hinayaan ko na siya. Hinayaan ko na siya mag move-on. Para wala ng masaktan."

"Wala ng masaktan? Eh ikaw? Nasasaktan ka na, ngayon palang. Hindi pa siya umaalis Maine, huling pagkakataon mo na ito."

"Coleen, ayos na. Ayos na ako, magiging maayos ako, I'll be happy for him and he's future without me."

Ngumiti ako ng mapait, he'll be happy there, wala ng masasaktan. Wala ng iiyak, at wala na ring aasa sa wala. I'll let him go, for the sake of his happiness, I will let him go.

--

"Paul may sasabihin sana ako sayo."

"Me too."

Kakauwi lang ni Paul galing ibang bansa for his business trip, at ngayon lang kami nagkita. Magkasama kasi sila ni Pam, nagbonding ang magkapatid so ngayon niya lang ako nacontact na nakauwi na pala siya.

"Sorry Paul, ayoko sana kitang paasahin pero wala talaga eh, wala akong nararamdaman para sayo."

"Dei..."

Biglang lumungkot ang awra ng mukha niya, I hold his hands pero tinanggal niya yun at napahawak sa mukha niya. Gusto ko sanang magsorry at parang pinaasa ko siya.

"Tinry ko na matutunang mahalin ka pero--"

"Dei, ang pagmamahal sa isang tao ay hindi natututunan, kusa itong nararamdaman."

I suddenly felt guilt, tama ba tong ginawa ko? At tama naman siya, kusa yung nararamdaman, pero minsan diba natututunan din?

"Sorry Paul--"

"Sorry din, I have a confession to make sana, yung nagkita tayo sa Tagaytay? Malungkot ako ng araw na yun, nakipag hiwalay kasi sa akin ang girlfriend ko that time, secret lang ang relasyon namin non, pati si Pam hindi alam, gusto ko rin tumambay pero may nakatambay na pala at ikaw yun, nung kinausap kita akala ko ikaw na ang sagot sa sakit na nararamdaman ko pero hindi pala, tinry ko rin na mahalin ka pero siya parin pala..."

"So that means na wala ka ring nararamdaman sa akin?"

"Yeah, Dei you know what? He loves you, RJ loves you so much. At ayoko naman na maging sagabal sa relasyon niyo. At alam ko naman na mahal mo parin siya hanggang ngayon..."

So he's letting me go? Kasi may mahal siyang iba? So walang masasaktan? Walang aasa? Walang iiyak? Wala? Thank goodness.

"P-Paul..."

"Dei, he loves you so much at mahal niyo parin ang isa't-isa at ayoko naman na malayo siya sayo dahil sa akin diba?"

Tama siya, alam ni RJ na mahal ko si Paul kahit hindi naman. Kailangan ko ba siyang kausapin na mahal ko pa siya? Mahal na mahal ko pa siya kahit sinaktan niya ako ng maraming beses.

"You need RJ, you love him. Not me Dei..."

When We Broke-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon