(Sam)
"Dad, I like Tyren."
Sabi ko kay Dad.
He laughed.
"Bakit sa akin mo sinasabi yan?
Then get her!"I smiled at Dad.
"Daddy talaga kita."
(Tyren)
Sa wakas.
Natapos na din ang delubyong ito.
^________^
Thank God!
Di ko na makikita si Sam!
O yung halamang dagat!
Nag-wave sina Misha at Miko kay Mr.Ramirez.
Nginitian ko lang sya.
Mabait naman sya eh.
Panira lang yung anak nyang Dalmatian.
"BABYEEEEEEEEEE!"
Ini-start na ni Papa yung sasakyan .
"See you soon Tyren!"
Nag-flying kiss pa si Sam .
Inirapan ko lang sya.
Bwiset ka.
Natulog nalang ako sa byahe.
Paggising ko nasa tapat na kami ng bahay .
Haayss.
Buti nalang talaga di ko na makikita yung Sam na 'yon.
*The next morning*
As usual.
Naglalakad na kami sa hallway .
"Pagod ka pa ba?"
Naka-Jogging pants kami saka suot namin yung couple shirt na binili nya.
Binigay nya sakin to nung isang araw.
Malalaman mong couple shirt yung suot namin kasi may heart tapos may nakalagay na HIS PROPERTY at HER PROPERTY.
"Hindi na, Kasama na kita eh!"
Tumawa sya,
"Sus."
"Kilig ka naman?"
Tumawa kami.
"Nakita nyo na ba yung transfer?"
"Oo! Ang gwapo nga eh!"
"May dalang blue roses."
"Sino kaya yung girlfriend nya?"
"Ang swerte naman non!"
"Inggit ako! Huhu."
Transfer?
Sinong transfer?
Hinawakan ni Van ang kamay ko,
"Namiss kita."
Pinisil nya ang ilong ko.
"Oy! Ano ma? Hini ako makahina!"
Tumawa sya,
"Ngongo! Hahaha!"
"Tyren?"
Binitawan ni Van ang ilong ko.
Tinitigan namin yung lalaking nasa harapan namin.
"Sam?"
He smiled,
Inabot nya yung bouquet na dala nya,
Blue roses.
"For you."
"Sino sya?"
Humigpit ang hawak ni Van sa kamay ko.
"Bro. I'm Sam Ramirez."
Tinitigan lang ni Van yung kamay ni Sam na nakaabang for a handshake,
Binalik ko kay Sam yung bouquet.
"Bakit ka nandito?"
Tanong ko.
"Kilala mo sya Tyren?"
Tinignan ko si Van.
"Oo."
Lalo pang humigpit ang hawak ni Van sa kamay ko.
"Pre. Tigilan mo na si Tyren."
Itinaas ni Van ang kamay naming magkahawak.
"Nakikita mo 'to?"
Sabi nya in a warning tone.
"Hindi ka naman nya boyfriend diba?
Single sya so..Pwede akong manligaw."
0____________0
Ano daw?
Seryoso ba sya?
MANLILIGAW SYA?
