(Tyren)
Hindi ako inilipat ng school.
Katunayan.. Mas malapit na nga yung bahay namin sa school ko.Bumaba ako sa jeep.
"Piggy!"
Napangiti ako.
Bumaling ako sa likod ko.
Si Va---
"Nasan?"
Hinanap ko sya . Pero ni anino nya di ko nakita.
Nanlumo ako nung narealize ko na guni-guni ko lang pala yung boses nya.
Naglakad na ako ulit.
Pag-akyat ko sa taas pinagtitinginan nila ako.
Hindi ko alam kung bakit pero alam kong Hindi dahil sa pula kong buhok. Dahil matagal na akong may pulang buhok.
Pumasok ako sa room ng nakatungo.
Parang lahat ng self confidence ko nawala.
Tumingin ako sa labas.
Lutang.
"Role kong alagaan ka.
Role kong pasayahin ka.
Role kong mahalin ka."Ayokong umiyak.
Pero ayaw akong lubayan ng multo nya.
"Diba kayo na?"
"Ano ako tanga?
Babalikan ko pa yung aso na yun?
Waaaah! Kasi naman!
Hindi mo ko pinapakinggan!""Nagpapaliwanag ka ba?"
"Eh kasi naman!
Eto na nga eh!
Tinakot kasi ako ng aso na yun!
Magpapakamatay daw sya kapag di ako pumayag na kami na!
Kaya pinagbigyan ko na!"Bigla kong naalala yung leeg nya.
Baegjo...
"Oo na bati na tayo!"
"Bati na tayo?
Hindi eh!
Kasi hindi naman talaga totoong mahal ko pa yung aso na yun!
Sana naman maniwala ka kasi kung galit ka pa hindi ko na alam ang gagawin ko!
Please lang.
Ayoko ng wala ka!
Hindi ako sanay!
Kaya please!
Patawarin mo na ako.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag----."