A/N :
Bago po kayo magpatuloy.
This next two chapters ay Flashback entries po to clear things between Tyren and Van.
Ito po ay pagkatapos ng concert at pagkikita nila.
Xiao!--------------------
(Van)
Isang linggo na simula nung nakita kong umiiyak si Tyren, hindi ko na sya ulit nakikita.Minessage ko sya sa FB pero hindi naman sya nagrereply.
"VAAAAAAAAAAANNNNN!"
Hinampas ko ng unan si Kito.
Aga aga eh,
"Ano?"
Tanong ko. Kumamot sya sa batok at itinapat sa mukha ko yung cellphone nya.
-__________-
As in sobrang lapit.
"Anong tingin mo sa'kin? Near sighted?"
Tumawa sya tapos nilayo ng konti ang cellphone nya sa mukha ko.
"Break na si Tyren at Ralph."
Sus. Huli kana sa balita.
Wala na kasing in a relationship na status sa timeline ni Tyren.
"Eh?"
Sabi ko na parang hindi ko alam.
"Tapos may video ako ni Tyren."
Hinablot ko yung cellphone nya .
Click.
"Breath by Taylor Swift."
Tapos kumanta na sya.
"Kailan pa 'to?"
Tanong ko.
"Kahapon lang.."
Ang lamig ng boses nya.
Feel ko na parang iiyak sya."Kito napansin mo ba 'yung pagkanta nya?"
"Bakit? Anong meron?"
Hayyss -______-
Ang bobo talaga ni Kito.
"Parang nasasaktan sya ."
"Oo nga ano?"
2 weeks after may gig ulit sa school nina Tyren. Syempre pupunta kami ni Kito.
Grabe mag-fund raising ang school na 'to. B'wan b'wan yata may Gig. Pinapakinabangan nila masyado si Tyren -________-
Hindi pa nagsisimula yung Gig.
May pumasok na motor sa gym.
May naka-black na lalaki at babae.
Yung lalaki di ko kilala.
Nagtanggal ng helmet yung babae. Nagsigawan yung mga tao ..
![](https://img.wattpad.com/cover/73038440-288-k405332.jpg)