Ch.33 : Bati na Tayo?

1 0 0
                                    

(Sam)

Kumatok ako sa bahay nina Van.
Nilingon ko ang kotse ko.
Si Tyren. Nasa loob.
Ayaw nyang lumabas.
Ako nalang daw ang kumuha kay Tiddie.
Yung aso nya.






"Oh Pare."

Bati ni Van,

"Ah.. Pinapakuha ni Tyren si Tiddie."

Luminga linga sya.

"Kasama mo ba sya?"

"Oo."

"Sabihin mo sya ang kumuha."

I laughed bitterly.

"Sa tingin mo kakayanin nyang makita ka?
Gago ka din eh no?
Hindi mo manlang inisip na wala na syang pamilya!
Wala kang kwenta!
Dinadagdagan mo lang yung sakit na nararamdaman nya!
Imbis na ikaw yung mag-comfort sa kanya.
Ano? Ikaw pa yung lalong nagda-down sa kanya!"


Tumalikod sya.
Kinuha yung aso.

"Sayo na sya."



"Laruan ba si Tyren para ipamigay?"

Tinitigan nya ako.

"Bakit ba kung makapagasalita ka akala mo alam mo lahat?"



"Alam ko lahat!
Tinakot sya ni Ralph!
Kaya nya yun sinabi!
Alam mo bang basang-basa sya sa cliff side kagabi?
May sugat sa kaliwang kamay at unconscious!
Akala ko ba mahal mo?
Ha?
Ikaw yung pinili!
Tapos napaka----"

I sighed.




"Sige na . Aalis na ako."

Tumalikod ako.

"Please. Alagaan mo sya."



Hindi ko sya sinagot.

Pumasok ako sa kotse.

Umiiyak nanaman si Tyren.


"Kamusta na si Van?"

"How come you still care sa taong pinapaiyak ka lang?"

Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon