Ch.37 : Mom's In The House

0 0 0
                                        

(Tyren)

"Tyren.. Bakit ka nasa bahay na to?"

I looked at her.

Sparkling earings and necklace.
Well said tone of voice.
Fascinating white skin.

Nagmukha syang bata sa edad nya na 35.

"Kasi wala na akong Ama, Kapatid, Wala na akong pamilya."

Nakatitig samin sina Tita at Van.

Matiim akong nakatingin sa kanya.
Kakaiba na nakakaramdam ako ng malalim na galit sa babaeng nasa harapan ko.

Ang Nanay ko.

"Wala pa akong two years na nawala .. Pero parang naging pasaway ka yata?
Ganyan ka ba inalagaan ng Tatay mo?"

Naningkit ang mata ko.

"Ano bang alam mo?"

Alam kong parang bastos pakinggan pero galit ako sa kanya.
Galit na galit.

"Ako ang Nanay mo."

"Ang ganda mo no?"

I said. Kumuyom ang kamao ko.

"What are you trying to say?"

"I'm not going with you."

She slightly massaged her forehead.

"Sasama ka. Sa ayaw at sa gusto mo."

I laughed.

"Ma.. How does it feel na namatayan ka ng asawa? Masaya ba?"

Tinignan ko sya na parang sinisisi ko sya sa nangyari. Kinamumuhian ko sya.
Hindi ko alam kung bakit.

"Tyren!"

"Eh ng dalawang anak?
Kung sinuwerte ka nga at napatay nila ako dalaga ka na ulit!"

"Are you blaming me for your Father's Death?"

I glared at her.

"Yes! O yes! Nakuha mo rin!
Wala na akong Ama and at the same time my brother and sister vanished , too."

"Kasalanan ko ba yun?"

"Bakit hindi ka malungkot?"

Your LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon