(Tyren)
12 am.
Nasa veranda ako ng kwarto ko.
Hindi ako nagpupuyat or what.
Nagbabantay ako.
Hinihintay kong bumalik yung naglagay ng patay na pusa sa mailbox namin.
Malay mo.
Kilala ko pala.
Hindi ko sinabi kay Papa or kay Misha even kay Miko ang tungkol dito,
I think this is a death threat.
Sa'kin?
Or worst sa family ko.
Kailangan kong malaman kung sinong gumagawa nito.
I hope nangtitrip lang yung naglagay ng Patay na Pusa sa mailbox namin.
I really hope so.
*zhingggg.zhinggggg*
Ano yun?
Bumaba ako sa sala.
May nagba-vibrate sa may sofa.
Kinuha ko yun.
Cellphone ni Papa.
From: 0975*******
Anthony De Castro.
Cherish your every moment with your kids.
We don't know,
Or rather you don't know.
Sooner or later you'll just perish.
Hahahaha!
Magpamisa kana!
Mamamatay kana!Nabitawan ko yung cellphone.
S-sino to?
Ang lakas ng kabog ng puso ko.
Sobra akong kinakabahan.
Mayamaya...
0975*******
Calling....Omygod!
Anong gagawin ko?
(Van)
I sighed,
Bakit kaya nakapatay ang cellphone ni Tyren?
May ginagawa ba syang ganung ka-importanteng bagay?
Aish.