(Tyren)
Nakasanayan na namin ni Swan na hihintayin nya ako sa kanto ng street naming tuwing papasok kami.
Pero ewan ko.
Inis ako.
Hindi ko pa rin tinitignan yung mga message nya.
Iniwan ko din yung cellphone ko.
Idadahilan ko nalang na nagmamadali akong umalis kaya naiwan ko.
Maaga akong umalis sa bahay.
Kadalasan 7:30 kami nabyahe papunta sa school pero..
Ngayon 6:05 pa lang nabyahe na ako.
Osige.
Aaminin ko.
Natatakot na ako..
Dahil sa DOTA kami nag-break ni Ralph..
Natatakot na ako na iwanan naman ako ni Van.
Katulad ng ginawa ni Ralph.
Ayoko ng masaktan..
Naguguluhan na rin ako.
Hindi ko alam kung gusto ko pang magpatuloy.
Hindi dahil sa ginawa nya kahapon..
Naisip ko kasi na..
Nasaktan na ako diba?
Bakit nagtitiwala nanaman ako?
Bakit nagmamahal nanaman ako?
Paano kung sasaktan lang ulit ako ni Van?
Haysss!
Dumating ako sa school.
Nagtext si Kito kanina bago ako umalis.
May practice daw kami ng 11:00 AM.
Excused nanaman kami.
Kasi parang variety concert yung battle of the bands at may bayad ang entrance.
Parang fund raising ng school namin.
Dumating ako sa school.
Binuksan ko yung payong ko.
Biglang umulan.
Nalungkot ako bigla..
Si Swan...
Iiwasan ko na ba sya?
Pumasok ako sa room.
Wala pang tao.
Tumingin lang ako sa bintana.
Umuulan..
Naiiyak ako.
Ang bigat ng pakiramdam ko.
Alam kong magka-iba si Swan at Ralph pero ---
"ARGH! NALILITO AKO!"
"Saan?"