(Ralph)
Napatingin ako sa shelf ng kwarto ko at nakita ko yung diary na ginawa ni Tyren para sa 15th Birthday ko.
Tumayo ako at kinuha yung violet na notebook.
RHBHS
Ralph
Hubby
Baby
Honey
SweetieDear Hubby,
Hello Hubby! Kamusta? Sabado ngayon :(
Kaya hindi tayo nagkita.
Wala ding WiFi kaya hindi ako nakapag-OL.
Sana hindi ka galit.
Wag mo kong pagpapalit ah?
Pag nambabae ka gagawin kitang babae.
See You Later :* I love you.- Tyren
Lalo akong napa-iyak.
Namimiss ko na yung makulit na babaeng 'yon.
Hayss.
Bakit ko ba kasi sya iniwan?
Tumayo ako sa shop.
Nandito na si Batas :D
Tinaasan nya ako ng kilay.
"Anong sinabi mo sa'kin?
Dapat bago ka umuwi nakikita mo na ako sa school grounds? Alam ko."Tatawa-tawa kong sabi.
Haays. Babaeng 'to.
Dinaig pa Nanay ko.
Sobrang tapang.
Kaya mahal na mahal ko 'to eh ^__________^
"Alam mo naman pala eh! O e bakit nandito ka pa? Anong oras na? Bakit ba ayaw mong makinig sakin? Ha? Hindi mo ba ako naiintindihan?"
I sighed. Palagi nalang ba kaming mag-aaway dahil sa paglalaro ko ng DOTA?
"Dito na nga lang ako sumasaya e,"
Katwiran ko.
She laughed sarcastically.
"Para San pala ako?"
Hindi na tama to.
Mahal ko sya pero hindi na ako masaya.
"Tyren, Ayoko na."
Biglang nagbago expression nya.
Blank.
"Sigurado ka?"
She frowned.
"Oo."
Sinuntok nya ako.
"Wag ka nang babalik ha?"
Tapos tumalikod na sya,
Naglakad papalayo.
Nasasaktan ako.
Gusto ko syang tawagin pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
Dirediretso lang sya.
Yaan mo Ralph.
Babalik yan.
Hanggang sa lumayo na sya ng lumayo.
Nawala na sya sa paningin ko.
"Tyren...."
Losing her was really painful.
Ilang beses ko syang sinubukang lapitan pero natatakot ako.
Alam Kong galit sya sakin...
At hindi sya basta-bastang babae.
Baka ipahiya nya ako.
O kaya hindi na ako tanggapin.
Ayokong masaktan.
"Ralph si Tyren oh!"
Napalingon ako.
Nagbago ang itsura nya,
Nagpagupit sya ng sobrang ikli .
Above the shoulders.
Alam nyang ayokong nagpapagupit sya.
Nagtitinginan sa kanya ang mga tao sa hallway.
Gumanda sya lalo.
Konting araw nalang lilipat na sya .
Grade 10 na kasi sya.
Mamimiss ko sya. Sobra.
Pero hindi na kami.
Wala nang kami.
Gusto ko alagaan nya ulit ako katulad ng dati pero...
Alam kong napaka-imposible nun.
Bakit?
Simple lang.
Mahal nya na si Van, at nakalimutan nya na ako.