(Tyren)
Sinarado ko ang laptop ko. Hanggang dito nalang siguro yung kwento.
Yung kwento namin ng Pato ko.Tumayo ako sa upuan ko.
Sinakbit ang bag ko.
Medyo naiiyak na ako.
Wala manlang pumunta ngayon..
Ngayong aalis na ako.
Hindi ko kasama si Mama kasi nauna sya sakin . last week pa sya umalis.
Medyo naguguluhan ako kaya nagpaiwan muna ako.
Pero tutuloy na ako.Wala din namang mangyayari eh.
(Di na kita mahal by Hazel Faith playing)
Hindi na mababago na sila na.
Pupunta na ako sa eroplano.
Sana ...
Sana sa pag-alis ko makalimutan ko na sya.
Si Van.
Naglakad na ako.
Ano bang kanta yan? -_______________-
Nananadya ba 'tong airport na to?
I wiped my tears away.
Ssshhh. Tyren.
Leave your feelings here.
Iwanan mo na yung pagkamatay ng pamilya mo...
Pati yung pagmamahal mo kay Van.
"TYRENNNNNNNNNN!"
Tumalikod ako. I saw Sam,Jaycee,Kito .. Saka yung iba ko pang kaklase at kakilala.
I smiled at them.
At least may mababaon akong happy memory dahil sa kanila.
Lumapit sila sakin.
"Hindi ka na ba mapipigilan?
Paskong-pasko aalis ka pa?"Sam said.
"Magpaawat ka naman!"
Sabi ni Jaycee.
"Sorry. Pero hindi na ako pwedeng umatras."
They all shouted.
"Nang-iiwan ka naman eh!"
-Kito.Nginitian ko sya.
"I'll be back. Don't worry."
"Sana ikaw pa rin si Tyren pag Bumalik ka ."
Gaile said. Nakakatouch.
Hindi ko sila masyadong ka close pero ..
Eto sila!
Umiiyak at pinipigilan akong umalis!"Wag mo kong kakalimutan!"
-KenHindi ko na napigilan..
Umiiyak na ako.
"Ayoko sanang umalis pero---kailangan!"
Kasi ayoko nang masaktan . Ayoko na syang maalala.
"Bakit kailangan?"
I saw Ralph. He's with Reigne.
His new girlfriend :)
