Pagkasakay natin sa bus ako mismo ang naghanap ng lugar na paguupuan natin. Syempre ako ang sa bintana. At dahil magaling ako nakapili ako ng upuan na di nasisikatan ng araw kasi that time is tirik na tirik ang araw mga nasa alas tres ng tanghali na kasi yon. Ng pagkaandar na ng bus bigla kang nagsalita. ANONG NAGUSTUHAN MO SA BATANGAS? Sinagot ko sya pagkatapos kong uminom ng C2 sabi ko AHM YUNG DAGAT PERO SA NGAYON GUSTO KONG MAKITA ANG PAGLUBOG NG ARAW DUN MISMO SA DAGAT HA? PARA KASING ANG GANDA NON? AT TSAKA DI PA AKO NAKAKAKITA NUN NG PERSONAL! Then sabi mo AHH GANUN BA? sabay sa pagnguya mo ng chitciryang binili natin. Mahaba haba ang lalakbayin matin at aabutin tayo ng gabi, pero okay lang sakin kasi kasama naman kita at alam kong safe ako. Sa byahe nakatingin lang ako sa labas ng bintana tapos unti unti kong naramdaman na biglang bumagsak ang ulo mo sa balikat ko. Tumingin ako sayo at naalala kong napaka aga mo nga palang nagising para lang makapunta ng maaga sa napagusapan nating lugar. Napangiti nanaman ako at di ko nalang pinansin ang ginawa mo kasi okay lang naman sakin. Ilang oras bago tayo makababa may 2 pa tayong sakay isang van pa punta sa bayan at jeep papunta ng laiya kung saan kayo nakatira, pagkababa natin sa bus ay pumunta agad tayo sa terminal ng van. Kaso pupunuin pa pala ito. Tayo ang unang pasahero kaya nasa harap tayo katabi ko driver tapos ikaw nasa malapit sa bintana mga isang oras din bago napuno ang van. Pagkatapos mapuno ay umandar na ito. Sa byahe tingin ka ng tingin sa oras. Actually napansin ko na yan kanina pa nacurious ako kaya nagtanong ako. Sabi ko MAY LAKAD KA BA? BAT TINGIN KA NG TINGIN SA RELO MO? NAGMAMADALI KA? sabi mo AH EH. KASI ANONG ORAS NA GAGABIHIN NA TAYO! Sabi ko OH ANO NAMAN? NAGAANTAY NAMAN SATIN SI ATE HA? Tapos sabi mo HINDI NAMAN YUN. HINDI NA KASI NATIN MAAABUTAN ANG PAGLUBOG NG ARAW. Pagkatapos nyang masabi yon syempre kinilig ang lola mo ng bonga at para di ka mainis sinabi ko nalang na ANO KABA OKAY LANG YON MARAMI PANG IBANG ARAW PARA DUN. Pagkasabi ko nun tumingin at ngumiti ka lang sakin. Medyo naiinip na talaga ako ng mga oras na yon kasi napaka layo pala talaga. Pagod na ako kakaupo sa totoo lang pero di ko naman masabi sayo kasi pakiramdam ko ang saya saya mo sa mga oras na yon. Ang gulo nating dalawa titingin ako sayo mahuhuli kitang nakatingin sakin tapos bigla kang titingin sa iba? Hahaha! Para bang inlove na inlove ka naalala ko nga ang sabi sakin ng pinsan mo na nagtataka daw sya kung bakit pag dating sakin daw nagkakaganyan ka. Di ka naman daw kasi dating ganyan. Dahil sa ganung mga kaganapan di na natin namalayan na malapit na pala tayong bumaba. At ayun bumaba na nga tayo at humanap ng jeep byaheng laiya buti nalang at naabutan pa natin ang last trip kung hindi nga nga tayo dun. Sa jeep punuan din madaming pasahero na maraming bitbit na kung ano ano dun tayo nakapwesto sa may malapit sa pinto. Umandar na ang jeep habang ang iba ay nagkwekwentuhan tayo naman ay nagtitinginan lang pero ganun padin umiiwas ka padin at di makatingin. Inabot na nga tayo ng gabi mga 9 na yata ng gabi yon. Sa jeep halos tayo nalang dalawa ang natira. Bakit parang ang layo layo kasi diba? Maya maya nagsalita ka ang sabi mo dun nalang tayo sa may resort magstay sa may kakilala mo sabi ko naman PAANO SI ATE NAGIINTAY? sabi mo OKAY LANG YON MAIINTINDIHAN YON NI ATE. sabi ko OKAY SABI MO EH. TEXT KO NALANG SYA sabi mo WAG NA MAGKIKITA KITA DIN NAMAN BUKAS EH? ilang minuto pa nga ay bumaba na tayo. Tumawid sa kabila then naglakad papasok. Tinanong kita SAAN BANG RESORT? sabi mo DYAN OH sabay turo pagkatingin ko may nakalagay na KABAYAN RESORT. sabi ko MY GULAY MALAPIT BA TO SA PAHIYAS? sabi mo oo dun lang yon sabay turo. At tinanong mo ako kung bakit? Sabi ko LAST YEAR KASI SA PAHIYAS KAMI NAGSWIMMING TOGETHER WITH MY RELATIVES. Sabi mo KAYA PALA.
BINABASA MO ANG
My Love Story ❤️
RandomI just want to share my feelings by making this thing ✌️ sana magustuhan nyo first time ko tong gagawin. Hahaha. Medyo kinikilig pa nga ako habang ginagawa ko to! Kapag nagustuhan nyo THANKYOU pag hindi THANKYOU padin Basta this is it!