Malapit na pala ang birthday mo. And napagdesisyunan ko na pumunta sa inyo para icelebrate ang birthday mo kasama ako. Pero bago ang lahat naghanap muna ako ng magandang pangreregalo ko sayo. Wala naman akong idea kung ano yung regalong magugustuhan mo kung damit man hindi ko naman alam size mo. Pag tsinelas di ko din alam nawawalan na talaga ako ng pagasa para makapili ng regalo para sayo gusto ko yung palagi mong masusuot. Pero wala na akong iba pang maisip, buti nalang at nag fb ako may nakita ako dun na nagbebenta ng Gshock at maganda hindi sya original mahal kasi ang original tsaka student pa ako diba kaya class A lang nakayanan ko worth 1k. Yeah ayun na yon. Pinadeliver ko nalang kaya nagbaya ulit ako, pagkatapos ng isang linggo nakuha ko na to, bago ka palang magbirthday pupunta na ako sa inyo. Friday ang birthday mo pero thursday palang pumunta na ako ng hindi mo alam syempre. At syempre nagulat ka nanaman. Sabi mo naman sakin wag ko ng uulitin kasi you hate surprises gusto mo kasi handa ka palagi. Sabi ko naman okay. Kinagabihan bago ang birthday mo. Naglalambingan tayo sa kwarto kasama ang iyong inay at kasama na din yung kapatid mo. Oo close na close ko na din sila kaya we are family. Welcome na welcome ako sa inyo kaya ang saya saya ko that time is 9 months na tayo. Legal na tayo sa buong pamilya mo simula palang nung naging tayo pero sa akin hindi pa. Tanda ko nga nung sinabi mo na gusto mo na ngang pumunta sa bahay para magpakilala sa pamilya ko para wala ng itatago at kung saan saan nalang tayo magkikita gusto mo na pwede ka ng pumunta sa bahay kahit kelan. Kaso hindi ko pa kaya kasi natatakot pa ako. Pero dahil mahal mo ako naintindihan mo naman ako ang sinabi ko lang sayo na DARATING DIN TAYO DYAN! Moving on. Andun na ako sa part na magtutulugan na magkatabi tayo tapos katabi din natin ang kapatid mo sa isang kwarto. Mas nauna akong nakatulog sayo, tapos ilang minuto narinig ko na naguusap kayo ng inay tungkol sa mangyayari bukas. Kinabukasan mas maaga kang nagising marami ng naluto ang inay pagkakagising ko. Tapos may videoke na din. Babangon na sana ako ng bigla kang tumabi sakin sabi mo HI BABY KO GOODMORNING Sabi ko naman GOODMORNING DIN BABY KO HAPPY BIRTHDAY. Tapos kinis kita. Ang sabi mo naman HAPPY TALAGA ANG BIRTHDAY KO. Tapos bigla akong kumalas sa pagkakayakap ko sabi mo naman OH BAKIT SAAN KA PUPUNTA? sabi ko naman WAIT LANG MAY BIBIGAY AKO SAYO nagulat ka naman sabay tayo at sabi mo HA? MERON KA PANG SURPRESA. Ako naman nakangiti habang nagbubuklat ng bag maya maya nakita ko na na nakalagay sa maliit na paper bag. At binigay ko na sayo agad. Binuksan mo na ito sabay sabi WOW. sabi ko naman NAGUSTUHAN MO BA? Sabi mo naman OO NAMAN BIGAY MO EH. SUSUOT KO NA TO. sabi ko naman SIGE. pagkaalis mo sa lalagyan sinuot mo na agad agad. Maya maya ay tinawag na tayo ng inay para kumain. Kaya lumabas na tayo tapos pinaalam mo sa akin na marami kang darating na bisita sabi ko naman OKAY WAIT MAY KUKUNIN LANG AKO SA LOOB. sabi mo naman ANO YON? Sabi ko TARA SAMA KA. Sa loob nagabot ako ng pambili ng inumin nila para naman may maiambag ako. Sabi mo naman NAKO BABY SALAMAT. sabi ko naman NO PROBLEM BASTA WAG KANG PAPAKALASING, Di nga nagkamali at madami nga talaga syang naging bisita inimbitahan din nya yung classmate ko kasama si ate mag bff kasi si ate at classmate ko. Tapos ayun nagiinuman na ako naman hindi kasi bukod sa wala ako sa mood ayaw mo den. Tapos ang di ko makakalimutan yung kinakantahan mo ako with feelings. Marami kang kinanta pero syempre kinanta mo yon for me. Yung HANGGANG KAILAN, KASAMA KANG TUMANDA, MAGKABILANG MUNDO at iba pa. Ang cute mo nun! Hahaha ako tagabantay lang umabot din ng madaling araw yon pero ako nakatulog na ginising mo nalang ako para kila ate matulog. Habang naglalakad madami kang sinasabi sakin pero di ko naman naiintindihan kasi nga fresh from bagong gising pa ako oo lang ako ng oo sayo. Tapos kinikiss mo lang ako sa pisnge. Maya maya nakarating na tayo sa bahay nila ate para matulog. Antok na antok na ako kaya natulog na ako. Ikaw naman nakayakap sakin mula sa likod ko tapos si ate naman katabi ko. At ayun sinimulan na ang mahabang panhinga. Naging maganda ang kinalabasan ng kaarawan mo. And i'm so thankful.
BINABASA MO ANG
My Love Story ❤️
AcakI just want to share my feelings by making this thing ✌️ sana magustuhan nyo first time ko tong gagawin. Hahaha. Medyo kinikilig pa nga ako habang ginagawa ko to! Kapag nagustuhan nyo THANKYOU pag hindi THANKYOU padin Basta this is it!