1st break Up.

6 0 0
                                    

Pagkatapos ng kasiyahan may sumunod na kalungkutan dahil nagkaroon tayo ng first break up. Nakipagbreak ka sakin dahil sa mga iniisip mo. Una na hindi naman tayo bagay nagaaral ako ikaw nagtratrabaho tapos sabi mo pa magkaiba tayo ng stado sa buhay sabi ko naman hindi naman mahalaga sakin yun pero nakipagbreak ka pa din sa akin pero dahil mahal kita hindi ako sumuko kasi alam kong mahal mo ako. January 20 ata nung nakipagbreak ka sakin pero kinakausap padin kita. Tinitext padin. Ikaw naman nagrereply ka din. Kaya mas naganahan akong di ka sukuan dahil alam kong di mo ako matitiis pero yung mga panahon na yon medyo nakakabaliw naluluwa padin ako syempre iniisip ko na break na tayo. Nakakaiyak talaga. Halos walang araw na di ako naluwa. Yung mga oras na yon si ate lang ang natakbuhan ko kinocomfort nya ako ng sobra tanda ko pa yung sinabi nya sa akin na bakit daw akala ko ako lang ang nasasaktan at tsaka sabi din nya sakin na tandaan ko daw na sa desisyon mo na yon mas nasaktan ka. That time parang naiisip ko na sacrifice din ang ginawa mo di lang dahil merong iba or trip mo lang. Kinabukasan act normal lang ang lahat matapos naming makapagusap ni ate medyo naliwanagan ako na sariling feelings ko lang iniintindi ko. Lagi akong nag loload ng unli text oo unli text lang kasi pag unli call and text paniguradong di ko mapipigilan ang sarili ko na tawagan ka. Nagkakamustahan tayo kaso walang iloveyouhan. At di ako sanay lalo na kapag nagaalala ako sayo di ko masabi kasi lagi mo nalang sinasabing bakit tayo ba? Napakasakit talaga nun. Di ko alam kung bakit lahat sinasabi mo para masaktan ako. Pero di pa rin ako sumusuko. Isang araw tumawag ka sakin na kinagulat ko talaga. Sa pagkashock ko naman di ko nasagot buti nalang inulit mo ulit kaya nasagot ko na sabi ko HELLO? sabi mo YUNG PASSWORD KO SA FB  ALAM MO PA BA? NAKALIMUTAN KO. Sabi ko naman (Hvdjdudnejddhdh) AYAN PA DIN BABY? sabay sabi ko na AYY SORRY ( Pangalan mo ) PALA. Sabi mo naman AH SIGE SUBUKAN KO MUNA BYE sabay baba ng tawag yung feeling na tumawag lang para magtanong sakin ang sad talaga! Pagkatapos ng tawag na yun ilang araw ang dumating napanaginipan kita kung paano ka nakipagbreak sakin pero inuulit ulit mo yung part na WAG MONG IISIPIN NA HINDI KITA MINAHAL O MAHAL DAHIL ALAM KO SA SARILI KO NA MAHAL NA MAHAL KITA. AT IKAW LANG ANG BABAENG MINAHAL KO NG GANITO AT MAMAHALIN PA.. Pagkadilat ko mula sa pagkakatulog nararamdaman kong pumapatak ng tuloy tuloy ang luha ko, kinagabihan may 10 minutes call ako kaya kinapalan at nilakasan ko ang loob ko na tawagan ka. Nagriring ng ilang beses tapos nagulat ako na bigla mong sinagot. Sabi mo HELLO? Yunh boses mo na nagising ganun naisip ko tuloy na nagising pa kita. Sabi ko naman TULOG KA NA ATA? sabi mo OO ANTOK NA ANTOK AKO. Sabi ko AW GANUN BA? SIGE SAKA NALANG AKO TATAWAG ULIT SORRY SA ISTORBO. tapos sabi mo SIGE ANTOK NA TALAGA AKO GOODNIGHT NA. Sabi ko naman HA? Sabi mo na boses na antok na talaga SABI KO GOODNIGHT NA. Wala naman akong ibang nasabi kundi SIGE GOODNIGHT. Papatayin ko na sana ng marinig ko na sinabi mo na GOODNIGHT NA BABY ILOVEYOU.. That time binilisan ko ang sagot ng ILOVEYOUTOO BABY sabay patay ko ng tawag. Pagkatapos nun para akong uod na sinilihan sa sobrang kilig halos mamatay na ang pinsan ko sa paghampas ko sa kanya! At dahil sa sinabi mo mas nagkaroon ako ng lakas para di sumuko. Kinabukasan tamawag ka sakin tinanong mo kung bakit ako tumawag kagabi sabi ko kakamustahin lang kita tinanong mo din kung ano yung sinabi mo kagabi sabi ko naman nag goodnight ka lang ayun lang tapos di ka na nagsalita maya maya tinanong kita minutes lang pantawag mo? OO SIGE NA BYE NA MAY GAGAWIN NA AKO sabay patay ng tawag. Kinagabihan nagpaload ulit ako kaso 10 minutes lang ng tawag kasi panigurado na masasayang pag unli call ikaw lang naman ang tinatawagan ko that time kaso sobrang focus ako sayo! Then sinagot mo ang tawag ko sabi mo YES? Sabi ko naman WALA LANG MASAMA? sabi mo HINDI NAMAN MEDYO LANG JOKING sabi ko naman HAHAHA ESI WOW NALANG. Ilang minuto ang lumipas malapit na matapos ang tawag ko sabi ko MALAPIT NG MATAPOS ANG TAWAG sabi mo naman AYOS LANG. NEXTIME NALANG ULIT. Sabi ko AYY ANO PA NGA BA? 2 minutes nalang ang natitira tapos bigla mong sinabing PWEDE BANG MAGTANONG? sabi ko ANO YUN? DALI MAMAMATAY NA ANG TAWAG sabi mo naman PWEEDEE BA UUULLIT MAGGGINGGGG .. hindi mo na natapos kasi namatay! Napasigaw ako dahil don! My gulay! Ano kAya yon!!! Wala na ba talagang chance na maging okay kami. Its been 2 weeks na!

My Love Story ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon