ARGON 1:

221 12 15
  • Dedicated kay JeJe EnCo
                                    

ARGON 1:

"dadalaw kayo sa ayaw at gusto niyo!" padabog na sinara ni Mr. Calica ang kwarto ni Chano..

Ano nga ba ang dahilan?

Kamakailan lang ng pumanaw si Ms. Adante.. And adviser nila Chano..

Bakit?

..FLASHBACK..

"wala namang masama kung magmakaawa tayo ehh.. Ayoko ng magretain as 3rd year ulit!" pangungulit ni Evanson kay Chano..

"b*isit kasi yang Titser na yan ehh! P*ta nagtitimpi lang ako!" pangrereklamo ni Rhaymark..

"Bakit pa tayo magmamakaawa kung pede naman nating...." tumingin ng nakakaloko si Chano kila Evanson at Rhaymark..

"Hi-hindi pede yang plano mo!! A-at sa-saka.. Di-di lang din naman tayo ang bagsak ah! Buong Argon kaya!"-Evanson

"Heh.. Eh kung ayaw nya ehh.. At saka! Dapat paalisin na yan!"-Rhaymark..

"Geh. Maya sa faculty room.. Hingi akong tulong kila Jonathan at Dhenmark.."

-------------

Alas Nuebe na ng gabi pero di pa rin umuuwi si Ms. Adante.. Kelangan nya kasing tapusin ang mga cards.

Ayaw nyang maguwi ng trabaho..

Ang trabaho ay dapat ginagawa sa trabaho..

Ring.. Ring..

"hello?" agad namang sinagot ni Mam ang cp nya..

Boyfriend nya pala..

(san ka na?)

"dito pa may tinatapos lang.. "

(bilsan mo ahh.. Gabi na ehh..)

"haha.. Oo patapos na ako.. Bye.."

(bye. Ingat ka ahh..)

nakangiting in-end call ni Mam ang tawag..

Nawala ang ngiti nya ng makarinig sya ng kalabog mula sa pinto..

Agad syang tumayo.. At dahan dahang binuksan ang pinto..

At pagbukas nya ay agad na may tumusok sa ulo at sa tiyan nito..

Lasog-lasog ang utak.. Nagkalat ang mga dugo at ang mga bituka ay durog-durog..

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH" ang tangi nyang nasabi..

--END OF FLASHBACK--

parang lumilipad ang utak ni Chano..

Di nya alam ang gagawin..

Dadalaw ba o hindi..

Ring.. Ring..

"He-hello?"

(Chano.. Si Aya ito.. Dadalaw ka ba kay Mam?)

napalunok sya pero nagmatapang..

"bakit naman? Eh binagsak nga nya tayo ehh.."

end call..

Dahil dun ehh retain uli sila sa 3rd year.. Kahit na bumawi pa sila sa last grading eh wala ng pag asa iyon..

*******

Pagpasok na pagpasok ni Chano eh lahat ay tahimik..

"Pinatay nyo si Miss!" sigaw ni Jeje..

Napalingon ito sa kanya..

"kunwari pa kayo.. Ni dumalaw nga eh parang napilitan lang kayo.." dagdag pa nito.

"wala kang ebidensya,ano bang akala mo? Kaya NILANG pumatay ng teacher?"-Aya..

"bakit! Totoo naman ahh.. Kayo ang laging nambubully kay mam! At ano? Malamang dahil sa retain na naman kayo as third year!"-Acel

"mga wala kayong puso! Lalo ka na Chano! Porke anak ka lang ng principal! Ampon ka lang naman!"-Jeje.

Sumugod si chano kay jeje..

Kinwelyohan ito.. Tila ba wal syang paki kung babae ito..

"BAWIIN MO SINABI MO!!! DI AKO AMPON! AT DI AKO ANG PUMATAY SA TARANTADONG TEACHER NA YUN!" sigaw nito..

Inilayo sya nila Evanson kay jeje..

Ampon. May issue ngang ganon.. Kumakalat na ampon lang daw si Chano at ang totoong anak nila ay nawawala..

"totoo naman ahh! Ampon ka lang! Kaya ganyan ka kung umasta! Heh. 'Kala mo kung sinong magaling!" nakisali na rin si Brennan..

Sinapak ni Chano si Brennan. Tila wala ng bukas. Mabuti nalang at naawat..

"Tama na! Wa-walang mangyayari kung lagi tayong ganito.. *sob*" iyak ni Irene..

"kahit ano pang gawin naten wala ng mangyayari.. Di na naten maibabalik si Mam at... Lahat tayo ay retain as 3rd year.." sabing mahinahon ni  Leo..

"mag..dasal nalang tayo.. At saka..ti-tigilan na naten ito.. Walang mapapala ang seksyon na ito kung lagi tayong nambubully ng teacher.. Pa-pangalawang beses na ito.."-Jonathan..

Una ay ang kanilang geometry teacher.. Ganon din ang pagkamatay..

Di alam ang dahilan.. Pero ang sinisisi ay ang section na Argon..

Yun ang dahilan kung bakit kinamumuhian ng ibang estudyante ang III-Argon..

Akala nila ay mamatay tao sila. Mga walang respeto..

*****

"Di ba kayo naalarma?"-Dime

"at bakit naman?"-Aron

"Eh kasi.. Dalawang beses ng nangyari ito.."

"di kaya totoong sila Chano ang pumapatay?"-Jeff

"oo nga! Kasi narinig ko silang may pinaplano ehh.."-Sid

"ano ka ba.. Di naman ganon sila Chano ehh.."-Dime

"sana nga lang.. Dahil kung totoo yun.. Malamang..." parang may ginuhit na linya si Sid sa leeg nya..

"maaari pang madamay tayo.."-Aron

"Hay.. Kawawa naman si mam nuh?"-Dime..

"Tss.. Plastic ka Dime! Pero nung buhay sya kung makabato ka ng papel sa kanya ahh!!" Nakisali na rin si Jeremy

"Ehh leche sya ehh.. Lagi ba naman akong pahiyain.."

"Pero.. Nakakamiss talaga sya.." pati si Marvin ay di na rin ang paawat..

"Sus! Crush mo lang si Mam!!! Wahahaha!!" tawanan sila sa sinabi ni Aron..

"Tss.. Di ahh!"

"teacher's pet kasi!"-Jeff

Tawanan na naman..

Ito ang section Argon.. May kanya-kanyang tropa..

Kanya-kanyang mundo..

Ikaw? Anong section mo?

OLIE'SNote:

Awwtnyuu >O<.. Daming Casts.. May mga makikilala pa kayo ah.. Hehe~

Please do vote.. (kung type nyo?!) and wag mahiyang magcomment para malaman kung okay ba oh hindi.. Thank you ahh.. :3 aasahan ko kayo...

OlielovesYOU~

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon