ARGON 14

48 0 0
                                    

ARGON 14:

Lumipas ang ilang araw.. Natagpuan ni Chano ang sarili nya sa sementeryo..

Dinalaw nya si Evanson..

"Pasensya ka na.. Ngayon lang kita nadalaw.." sabay sindi ng kandila..

Nagdasal sya para sa ikakapayapa ng lahat..

Makalipas ang ilang minuto ay naisipan na nyang umalis..

Ng madaanan nya ang pamilyar na lugar..

Lumakas ang ihip ng hangin.. Pero sarili pa ring paa nya ang nagdala sa lugar na iyon..

KRISSA C. ADANTE

BORN: May 3,1990

DIED: September 27,2013

"Memories remain in our Hearts.."

"Sorry miss.. Sa lahat lahat.." napapikit si Chano at nagdasal..

Pagkadilat nya ay nakita nya si Miss..

Maaliwalas ito..

"Miss.."

"Mr. Calica.. Nagbalik ka.."

"Sorry po sa lahat.."

"Matagal ko na kayo napatawad.. Mabuti pa ay lumayo na kayo.. Di na kayo ligtas.." sabay may kung anong kumislap at nawala si Miss Adante..

Nasilaw ang binata kaya napapikit.. At pagdilat nya.. Wala na ito..

Napakunot noo sya..

"Di na kami ligtas?.."

*****

"ano yang dala mo?" tanong ni Aya kay Alyssa..

Sinarado nya ng marahan ang pinto..

"Wala pa naman mga kaklase natin ehh.." nilabas nya ang isang board

"Ano yan.. Gameboard? Heh.. Maglalaro ba tayo alyssa?"

"Kisha di ito gameboard.. Ouija ito.."

natahimik silang tatlo..

"Di-di ba.. De-delikado ya-yan?"-Kisha..

"Para magkaalamanan na.. Oy.. Kinuha ko pa ito sa lola ko.." 

"Ayaw kong laruin yan!"-Aya..

"Kung gusto nyo kayong dalawa na lang.. Asan ba si Rhaymark hah!"-Aya..

*****

"Ta-tama na please.." isa pang suntok ang natanggap ni Rhaymark..

"Ang yayabang nyo kasi ehh.. Hanggang satsat lang naman pala kayo.." isa pa..

Napaupo si Rhaymark at sumuka ng dugo..

"A-ayoko n-na ple-please.. Tama na.." mahina nyang sabi..

At sinapak pa sya..

"Sa susunod alam mo na gagawin mo! Wag mo kaming kakalabanin dahil dito! Kami ang masusunod. Doon sa mala impyernong room nyo doon kayo maghasik ng lagim ha!" sasapakin na nya sana ulit si Rhaymark ng biglang may sumapak dito..

"Bitawan nyo kaibigan ko.. Kundi mamatay kayo ng di oras!"

"Di pa tayo tapos.." at naglakad sila palayo..

Napahinga lang ng malalim si Chano..

"Bakit.. Ka pa dumating.." nanghihinang tanong ni Rhaymark..

"Hinayaan mo na sana akong.. Mamatay.."

"Mamatay ka sa oras.. Wag kang magmadali.. Malay mo.. Sama-sama tayo.."

"Bakit ka ba.. Nagkakaganyan.."

"Dahil.. Ganito ako.. Tumayo ka na dyan.. Di na kita tutulungan.."

*****

"Rebecca.. Ilayo mo sila.. Tulungan mo sila.. Please.."

Napabangon si Rebecca na hinahabol ang hininga nya..

"Ate.. Ate Krissa.." mahina nyang sabi..

Pinunasan nya ang pawis nya.. Lumabas sya ng kwarto para uminom ng tubig..

Pero nagulat sya ng ang bumuhos sa pitsel ay dugo.. Nanginig sya kaya natapon nya..

"A-anong.." patay sindi ang ilaw.. At nakakarinig sya ng ungol..

"Tumahimik na kayo.. Tigilan nyo ako please!" sigaw nya..

Pero tumambad sa kanya ang kuya nya..

"Rebecca! Anong nangyayari!"

Napaluha na ang dalaga..

"Kuya.. Si.. Si.. Ate Krissa.. Kuya.. Tumigil ka na.." humagulgol lang sya..

"Ikaw ang tumigil.. Bukas na bukas.. May tatapusin din ako.." tumayo na ang kuya nya at iniwan syang umiiyak..

"Kuya.. Pati ba ako? Damay ba ako?"

"Wag kang magsasalita ng ganyan.. Matulog ka na.."

napatungo lang ang dalaga..

Baliw na ang kuya nya.. Alam nya yan. Di naman lahat mangyayari ito ng dahil sa kuya nya..

*****

"Chano.. Kumain ka na.."

pumasok ang ina nya sa kwarto nya..

"di po ako gutom.." umupo ang ina nya sa tabi ng kama nya.. Kung saan sya nakaupo.

"Chano.. Pwede mo akong maging kaibigan kahit ngayon lang.. Makikinig ako sa mga kwento mo.." tiningnan nya ang ina nya..

Pero di nya dapat malaman ang panaghoy ng binata. Ayaw nya na pati ang ina nya ay mamoblema..

"Wala ma.. Pagod lang ako siguro.. Matutulog na po ako.." hinalikan nya ang ina nya at tuluyan ng nahiga..

"matulog kang mahimbing... CHANO! WAHAHAHAHAHA!!" napabalikwas sa kama si Chano ng marinig nya ang boses ng mga kaklase nya..

Napalunok ang binata.. Wala ang ina nya.. Kinakabahan na sya.. Ilusyon lang ang lahat..

"HANAPIN MO KAMI. KATULAD NG PAGHAHANAP MO SA KILLER! ANG BOBO MO CHANO.. KILALANG-KILALA MO SYA.." napapikit lang ang binata at nagdasal..

"ANO YAN! NILOLOKO MO BA SARILI MO HAH! HAHAHAHA.. ISANG DEMONYO! HIHINGI NG TULONG? BANAL KA NA BA HAH!? WALA KA NGANG SINASANTO DI BA! DI KA NYA PAPAKINGGAN! KAMI ANG PAKINGGAN MO!--"

"OUR FATHER IN HEAVEN HOLY BE YOUR NAME YOUR KINGDOM COME--"

"SISIGAW KA HAH! SIGE PARA MARINIG NYA!"

"..AND FORGIVE US OUR SIN. AS WE FORGIVE THOSE WHO SI---"

"HAHA!! SIGAW PA! SIGE LANG! WAHAHAHA"

"..BUT DELIVER US FROM EVIL.. IN JESUS NAME I PRAY.. AMEN!" 

Napapikit sya.. At may tumulong luha sa mata nya..

"Tulungan nyo po ako.. Please.."

Para syang bata.. Batang humihingi ng tulong..

Nawala ang mga boses ng mga kaklase nyang namatay na..

Huli Na lahat..

VOTE. FAN. COMMENT.

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon