ARGON 4:

131 5 0
                                    

ARGON 4:

"leche!"-Chano..

Kanina pa sya paikot-ikot sa kwarto nya.

Nilock sya ng dad nya..

Kinuha phone nya.

Sinipa nya yung pintuan..

"Argh!" napasandal na lang sya sa pintuan.

"Chano.."

Napaangat sya ng ulo..

Isang pamilyar na boses ang bumasag sa tenga ni Chano...

"Sino ka?!" Sigaw nya.

Pakiramdam nya ay may tao sa Kwarto nya..

"Ako ito.. Si Ms. Adante.. Tu-tulungan mo ako.." napatigil sya sa kinauupuan nya..

Nanigas kinakabahan. Natatakot..

Bakas sa boses na yun dumaan sya sa paghihirap..

"Cha-chano.. Tu-tulungan mo a-ako.." umuulit ito sa tenga nya..

Tinakpan nya ang tenga nya..

"Lumayo Ka!!" sigaw nya..

"Cha-chano.. Ha-hanggang.. Ma-maaga pa.. Lu-lumayo na ka-kayo.."

di nya malaman ang ibig sabihin ng guro..

"Tumigil ka na please!!" umiiyak na ang binata..

"Lumayo n-na ka-kayo.."

"Ikaw ang lumayo!! Umalis ka naaaaa!!!" sigaw nya ulit..

May humawak sa braso nya..

S-si Miss.. Maaliwalas syang tingnan ngayon..

Walang sugat o bakas na sinaksak ang ulo't tyan nya.

"Lumayo na kayo.. Di kayo ligtas.." nagulat si Chano ng biglang may lumabas sa bunganga ni Miss..

Dugo.. Bumuhos ng dugo..

"AAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!" sigaw ni Chano..

Tumayo sya.. At nauntog sa salamin.. Nagulat pa sya nun dahil nakita nya ang repleksyon nya dito..

Ang nakakagimbal na repleksyon nya.

Walang mata.. May tahi ang bunganga.. Hawak nya ang kanyang sariling bituka..

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!" binasag nya ang salamin..

Kumalat ang dugo sa basag na salamin..

Dugong galing sa kamay nya..

"Ma-Maam.. Ti-tigilan m-mo n-na k-kami.." hikbi nya..

*****

"nakakaasar ohh!" pinaglalaruan lang ni Aya yung juice nya..

"Bakit?"-Kisha habang nagpupulbo..

"Hay! Lintek talaga! Walang mapagtripan! Suspended si Chano! Oh? Ano nalang tayo ngayon?"

Boss ba nila si Chano? Di lang nila alam na sa likod ng pagiging 'Bossy' nya eh kung anu-ano na ang nararanasan nya NGAYON..

"sus! Mabuti na yung ganito! Iwas gulo!"-Evanson

"Yun na nga ehh.. Walang gulo! Means.. Di exciting!"-Rhaymark

Nilagyan ni Aya ng suka at asin yung Pineapple juice nya..

"Bigay mo kay Rebbeca bilis! Ayun sya ohh.." utos ni Aya kay Alyssa na kumukopya ng notes.

"Hah? Eh ikaw nalang kaya!" dahilan nya

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon