ARGON 19:

46 1 0
                                    

ARGON 19:

Napahawak sya sa balikat nya.

"Rebecca!"

At nakita nyang nakapasok na ang kaklase nya.

Agad syang tumakbo kahit na nanghihina na sya.

Ng makapasok sya sa lumang gym.

Di sya makapaniwala..

Halos lahat ng kaklase nya..

Patay na.

"Hindi. Hindi. HINDI!"

Nakita nyang buhay pa sila Joshua,Abby,Rhaymark,Janel,Jeine,Hilary,Mika..

Agad syang lumapit para tulungan sila.

Nakita nyang may mga sugat ang kanilang mga mukha..

"Kayo lang ba ang natira?" napapikit sya sa sobrang sakit ng sugat nya.

"Sa-sabihin mo.. Si.. Si Aya ba talaga.. Ang.. Ki-killer?!"-Rhaymark.

Sasagutin na sana ni Chano ang tanong nya ng biglang dumating sya.

Ang totoong Killer.

Napasinghap si Rebecca

"Pinagpatuloy nyo pala ang sinimulan ko. Magaling. NAPAKAGALING!" at nakuha nya pang pumalakpak.

"Kuya! Tama na!"-Rebecca

Napalingon ang mga kaklase nya kay Rebecca

"Ku-kuya mo.. Si.. Si-sir?"-Janel

"sorry.. Sorry.--"-Rebecca

"BAKIT KAILANGAN MONG HUMINGI NG SORRY HAH!  SILA DAPAT HUMINGI NUN! PINATAY NYO ANG MAHAL KO! PINATAY NYO SI KRISSA! AT NGAYON! IHIHIGANTI KO SYA KAYA KATAPUSAN NYO NA!" may hawak itong baril ng ipagbabaril nya ang mga estudyante nya.

"TUMAKBO NA KAYO! ARGH!"-Rhaymark

Nagsilabasan ang mga estudyante ng biglang tumakbo si Sir at pinagiitak sila Janel at Jeine.

Naputol ang paa nila at nahati ang kanilang katawan sa dalawa.

Tumalsik ang dugo.

"JANEEEEL!!"-mika

"UMALIS NA TAYO DITO!"-abby

Ng biglang barilin ni Sir si Mika at Hilary.

Napasinghap sila.

Wala na si Rhaymark,Janel,Jeine,Mika, at Hilary.. Sa ISANG IGLAP!

Sumigaw ang guro at sunod-sunod na pinag puputok an baril nya.

Tumakbo sila hanggang sa makakaya nila.

May mga sugat na sila pero pinipilit nilang tumakbo para sa buhay nila.

"SI REBECCA ASAN!"

"CHANO! TUMAKBO NA TAYO HAYAAN MO NA YUN!"

"Hindi!" bigla syang humiwalay sa kanilang dalawa.

"Chan-"-Abby

"Hayaan na natin sya. Bilsan na natin!"-Joshua.

***

Naghahanap ng matatakasan si Aya pero Wala!

"Naghahanap ng malulusutan?" napatigil sya at dali-daling humarap sa likod nya.

Wala syang nakita..

Napalunok sya.

"DI AKO NATATAKOT SAYO!"

"talaga?"

Ng biglang may naramdaman syang matulis na bagay sa leeg nya.

Nanginig ang dalaga.

"Isang makasariling tao. Pinatay mo mga kaibigan mo para lang sa kapakanan mo.. Pero.. Wag kang magalala.. Dahil MAGSASAMA-SAMA NA KAYO!" at doo tumalsik ang dugo.

Napugot ang ulo ng dalaga.

"si-sir.." dumaloy ang napakaraming dugo.

Dugo. Puro Dugo!

Napangiti ang guro.

"Ang lakas ng loob mong sabihing ikaw ang killer." 

***

Naghahanap ng mapagtataguan sila Joshua at Abby.

"Joshua.. Wala na. Tama na.. Hanggang dito nalang siguro tayo. Sumuko na tayo--"

"TUMAHIMIK KA!"

Natigil ang dalaga.

Nanghihina na sya. Pero lalo pa nung makita nya na ang taong mahal nya ay ganoon ang nagiging itsura pag galit sya.

"Jo--" di nya na naituloy ang sasabihin nya..

Nakita ni Abby ang kaluluwa ng mga kaklase nya.

At humagulgol sya.

"Abby!"-Joshua

"Ayoko na! AYOKO NA!"

"ABBY!"

 "Katapusan nyo na.."-Amiel

"Susunod na kayo sa amin.."-Brennan..

Nagulat si Joshua ng biglang lumutang si Abby.

"JOSHUA!!!"

"ABBY! ANONG NANGYAYARI HAH!"

"JOSHUA! TULUNGAN MO AKOOOO!"

Hinawakan ni Joshua si Abby sa paa.

Pero di nya kaya.

Kumikirot ang sugat nya at masyadong mataas si Abby.

"ABBY--" nanlaki ang mata nya sa susunod na pangyayari.

Binalibag si Abby ng paulit-ulit.

"WAAAAAAAAG!!!"-joshua

Nakaramdam sya ng may humahawak sa dalawang braso nya.

At ang huli nalang na nangyari..

Hinulog si Abby sa groundfloor. Sabog ang lamang loob. Nagkalat ang dugo.

At tuluyang nanghina si Joshua.

Wala na ang taong mahal nya.

Wala na.

***

"Rebecca!" sigaw ni Chano pero wala pa ring lumalabas ni anino.

"Rebecca!"

Napalunok sya.

Nagulat sya ng makita nya si Abby.

"Abby! Asan si Joshua? Bakit di mo sya kasama?"

Tiningnan lang sya ng dalaga.

"ABBY!" Sigaw nya dito.

*TUGSH*

napalingon sya sa likod ni abby.

At nanlaki mata nya.

"A-abby?"

Nakita nya ang isa pang abby na nakahandusay sa ground.

Sabog ang lamang loob at naliligo ito mismo sa sarili nyang dugo.

Bumaling ang pansin ng binata sa kaharap nya ngayon ng bigla itong sakalin.

"ack-"

"MAMATAY NA KAYO!"

"ack!"

Biglang may tumulak kay Chano.

At doon nya nakita ang hinahanap nya. 

VOTE. FAN. COMMENT.

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon