ARGON 13:

60 4 1
                                    

ARGON 13:

Napaiyak lang ang mga magkaklase ng ipasok sa ambulance ang labi ng binata..

"Kasalanan mo ito Aya.. Kasalanan mo ito.." sisi ni Chano kay Aya..

"Heh.. Niloloko mo ba ako Chano.. Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Iniwan mo kami.. At saka.. Ako na nga muntikang mamatay sisisihin mo p---"

"SI EVANSON NAMATAY! IKAW MUNTIKAN LANG! PUT*NGIN* MO HAH!" pinigilan na nila si chano..

"ba-bakit! Gi-ginusto ko ba hah! Chano naging kaibigan ko din naman si Ev---"

"KAHIT KAILAN DI KA MARUNONG MAGPAHALAGA AYA!! KAHIT KAILAN DI KITA MAIINTINDIHAN!"

"Mr. Calica tama na!"-Sir..

"TUMIGIL KA! TUMIGIL KAYO!" tumalsik lahat ng humawak kay Chano..

Dali-dali syang lumapit kay Sir at sinapak ito..

"CHANO!" hinawakan nila ulit si Chano..

"Ikaw.. Kasalanan mo din ito ehh" hinahabol na nya hininga nya..

"Wala kang kwentang Teacher.. Wala kang kwentang Adviser! Kaibigan ko yung andun! Pero anong ginawa mo hah.. DI KA TUMULONG!" tumayo lang si Sir mula sa pagkabagsak nya.. Pinunasan nya pa ang nguso nya na may dugo..

"Deserve nya yun.. Deserve nyong lahat yun.. Mga wala kayong respeto.." sabay alis ni Sir Lazaro..

*****

Napaupo lang si Chano sa tapat ng gate ng School..

Di nya matanggap ang pangyayari..

Naluha lang sya..

Ng makita nya ang kaluluwa ni Jonathan..

"Chano..."

"Pagod na ako.. Please.. Ta-tama na.." sabi nya ng mahinahon..

"kakampi mo kami.. Tapusin mo na lahat.. Magiging payapa din ang lahat.. Matapos ang mga pangyayari.. Kaya patayin mo na lahat.."

Nagsilitawan ang mga kaluluwa ng mga nawalay nyang kaklase..

"Patahimikin mo na sila.."-Karlo

"Isunod mo na sila.. Patayin mo na.."-Learnel

"Tumahimik na kayo please lang.. Kahit ngayon lang.."

"Chano?" nawala lahat ng kaluluwa na nakikita ni Chano..

"sinong.. Ka-kausap mo?"

"Wala kang pake.." naglakad papalapit sa kanya si Rebecca..

"Ba't di ka pa umuuwi?" tanong nya..

"Nanay ba kita para sagutin yang tanong mo?" umupo sa tabi nya si Rebecca..

"Naranasan ko din mawalan ng kaibigan.. Alam ko nararamdaman mo.." mahina nyang sabi pero sakto lang para marinig nya

"iba si Evanson.. Kapatid na turing ko sa kanya.. Kahit na.. Gano'n sya.. At... Ganito ako.." napayuko ang binata..

Di nya kayang ipakita ang emosyon nya..

"Madami pa akong di alam sa inyo.. Kaya sana makilala ko kayo kahit papaano.." tumayo si Rebecca

"Paano.. Mauna na ako.." tiningnan nya lang ito

"Wala kang dapat malaman..  Baka sayo meron?" natigilan si Rebecca

"Heh.. Masyado kang misteryoso Rebecca.. Nagpapaka anghel ka pero.." tumayo na si Chano

"baka.. Katulad ka lang namin.. Demonyo? O kaya naman.. Kakampi ng demonyo?" naglakad na si Chano pauwi..

*****

"Bakit ngayon ka lang umuwi hah? Kanina pa ako alalang-alala sayo ahh---" nilampasan nya lang ang ina nya

"Chano.. Kinakausap kita.."

natigilan sya sa pagakyat ng hagdan..

"Patay na si Evanson.. Pagod na ako ma.. Namatayan ako ng isang kaibigan.." pagod na syang umiyak..

Lalaki sya.. Pero ang luha nya mismo ang nagsasabing nanghihina na na sya..

Sinarado nya ang pinto nya at umupo..

Di nya napansin na nakatulog na sya..

*****

Pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto ay nakita nya ang kuya nya..

"Kuya.. Okay ka lang?"

"Leche yang Chano-ng yan.." napahinga lang ng malalim ang kuya nya..

"Kuya.. Ti-titigil na kayo di-diba? Diba ta---"

"Tama na Rebecca.. Di ka lang nakakatulong ehh" napayuko lang sya..

"Kuya tama na din.. Kuya.. May mga inosente kang nadadamay--"

"WALANG INOSENTE SA MUNDONG ITO REBECCA! LAHAT MAKASALANAN!" umiyak lang si Rebecca nun..

"Re-Rebecca.. Di ko s-sinasadyang.. Sigawan ka.." napahinga lang ng malalim si Sir..

"Ku-kuya.. Tumigil ka na please.." 

"hindi pwede.. Hangga't di sila mamatay di ako matatahimik! Lahat sila.. May kasalanan! Pinahirapan nila ang taong mahal ko.."

"Lahat magsisisi! Lahat magdudusa! Lahat mamamatay.."

VOTE. FAN. COMMENT.

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon