ARGON 11:

96 7 2
  • Dedicated kay Olie
                                    

ARGON 11:

"Alyssa! Yung pinauutos daw ni Mama!" nagsisisigaw na ang ate ni Alyssa..

Nagdabog lang ang dalaga at inabot yung iniutos..

Paakyat na sana sya sa hagdan ng makita nya ang sarili nya..

Sa taas..

Pugot ang ulo at hawak nya ito mismo..

"AAAAAAAAHHHHHHHH!" binato nya lang ito ng plorera.

Nagulat ang mga nasa bahay..

"Alyssa! Ano bang nangyayari?" nanginginig pa rin ang dalaga..

"Yu-yung.. Ta-taas!" paliwanag nya..

"Anong sa taas?" sabay tingin ng ate nya sa taas

"Wala naman eh.. Ikaw talaga gumagawa ka ng eksena para di ka mautusan!" sabay alis ng ate nya..

Napailing lang sya ng ulo. Di pwedeng guni-guni lang iyon!

*****

Nasa garahe si Evanson ng iutos sa kanya ng ama na kunin nya na ang mga dalahin ng ama nito..

"Dami kasing dala ako pa inaabala" padabog nyang kinuha ang mga bags sa loob ng kotse..

Ng mabigatan sya sa isa ay agad nyang binuksan ito..

"Ano ba 'to?" napaupo si Evanson dahil sa nakita nya..

Napahagulgol sya..

Ulo ang nakita nya at mulat pa ang mata..

Walang iba kundi sya..

"Anong nangyayari!"-Tatay na nya mismo ang nagtanong sa binata.

Nagulat pa dahil nga sa hagulgol ni Evanson..

"Yu-yung ba-bag!! Yung bag! Andun yung ulo ko!"

Napakunot noo ang matanda..

"Anong ulo! Eh tools ito ng sasakyan ahh! Ikaw talaga.. Nababaliw ka na! Hala sige! Umakyat ka na at mag-aral doon!"

Napatakbo sya sa taas.. Grabeng takot ang naramdaman nya ngayon..

Di pwedeng magkamali.. Sya yun.. Napahawak sya sa ulo nya..

*****

kakatapos lang ni Kisha nun na maglaro sa gym..

Kasama nya ang mga team mates na pumasok sa Shower Room para maligo..

Nagsipasukan sila sa tig-iisang cubicle..

Ng makita nya na may parang bumubula-bula sa bowl..

Ng tingnan nya ito ay nagulat sya.. Dugo.. Puno ng dugo.. May kamay na lumitaw at pilit na iniaabot si Kisha..

Napatili sya at napalabas..

"Kisha! Anong nangyare?" tanong ng ka-teammate nya

"May.. May.. De-demonyo dun sa cubicle.. May multo!!" sigaw nya.. Halata sa mukha nya na gulat na gulat sya..

"Anong demonyo? Eh baka naman tinutukoy mo sarili mo? Right guys? Hahaha! Demonyo daw?!" nagtawanan ang lahat ng nasa loob..

Nagmadali si Kisha na makalapit sa babaeng nagsabi nun..

"Ikaw--" nadulas sya at bumagsak sa flooring..

"Hahaha!! Ano lalaban ka pa? Ikaw kasi ehh.." tumayo na sya at dali-daling sinabunutan ang babaeng kanina pa dada ng dada..

"Gusto mong paduguin ko bunganga mo hah! Eh gag* ka pala ehh!" inaawat na sila pero di mapigilan si Kisha..

"Sa susunod na kalabanin mo ako di lang ito aabutin mo! Naiintindihan mo hah!" sabay sampal nya sa babaeng yun..

Tumakbo na sya palabas..

*****

Hinanap agad ni Alyssa pagkapasok nya sila Rhaymark at Aya..

"Aya!"

"A-alyssa.."

"Kailangan nating magusap!"

nagsidatingan din sina Kisha at Rhaymark..

"Aya!" sigaw nila..

"Si Evanson?"

"Ayan na sya oh.." sabay turo ni Kisha kay Evanson na nanginginig pa.

Hinila na ni Alyssa si Aya..

 "Aya.. May.. Nakita din kayo?" tanong ni Alyssa

"Kami.. Si-sila Amiel.. Sila Jeff,Jonathan,Karlo,Learne--"-Rhaymark

"Tama na.." agad na pinutol ni Aya ang sinasabi ni Rhaymark..

Ayaw nyang itatak sa utak nya na nakita nya ang mga ito..

"di sila nagpakita sa akin.. Iba nakita ko ehh.. Tinatakot lang nila ako!" pagmamatapang pa rin ni Kisha..

"A-ako.. Na-nakita ko sa-sarili ko.. Pu-pugot ulo ko.." nanginginig na sabi ni Evanson..

"tumogil na kayo.. Guni-guni lang naten yun.. Nadala lang tayo sa mga pangyayari.."

"E-eh.. Si Cha-Chano? Diba.. Si-simula pa lang.. Nakakakita na sya ng.. Ku-kung anu-ano?"-Alyssa

"Alyssa.. Magtiwala ka nga sa akin! Sabi ko di totoo yun okay.. Wala yun!" -Aya

Bigla nalang humangin ng malakas..

"ra-ramdam nyo yun!"-Evanson..

"Mabuti pa umalis na tayo.."-Rhaymark..

*****

"Classify the following substances if they are colloids.. Would you mind to answer number one Miss.. Javier.."

natigil si Aya sa pagkakatungo ng banggitin ni Sir Lazaro ang apelyido nya..

"Miss Javier?" tiningnan nya lang ito ng masama..

Natahimik lahat ng estudyante..

"Pasalamat ka at teacher kita.." bulong nya sabay tayo at lumapit sa board..

Iniabot naman ni Sir ang chalk kay Aya..

Nagulat lang si Aya dahil parang may matulis na bagay.. Napadiin pa ang kamay ng guro sa kamay ng dalaga

At napaatras sya dahil may tumalsik na dugo mula sa kamay nya..

"Aray!" 

"Blood.. Blood is an example of colloid.." sabay ngiti ng guro..

Napakunot noo ang dalaga..

Pagkasagot nya ay umupi na sya at tiningnan ang kamay nya..

May matinding hiwa ang palad nya..

Napatingin sya sa guro nya na kanina pa nakangiti..

Kinabahan sya..

VOTE. FAN. COMMENT. 

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon