ARGON 16:

44 3 1
                                    

ARGON 16:

Tahimik ang klase. Lahat sila nakaupo ng maayos at tila malalim ang iniisip..

Ng biglang dumating ang guro nila.

Bakas sa mukha ng guro na nagaalala sya.

"Good Afternoon--"

"Paano mo pa nasasabi ang mga salitang yan habang ang iba naming kaklase ay naghihirap sa impyerno?"-Chano

Napalingon si Rebecca.. Walang karespeto-respeto ang pagsagot nya sa guro.

"Chano--"

"Get Your Notebook"

Kinuha nila ang mga Notebook nila pero nagulat sila ng ipagbabato ni Chano lahat ng Notebook nya sa guro.

"WALA KANG KWENTA! GURO KA PERO WALA KANG PAKIALAM SA MGA ESTUDYANTE MO--"

"BAKIT! KAYO BA MAY PAKIALAM SA MGA GURO NYO! PINATAY NYO NGA SI KRISSA DI BA!"

Natigilan ang binata.. Galit na Galit ang guro..

Napailing si Chano.

"Handa kaming mamatay lahat.. Pero dapat kasama ka.." Sabay labas ni Chano sa klase..

Napangiti ang Guro..

Na ikinanginig ng buong klase.

*****

(A/N: first time ituuu!!)

Sir Yohan's P.O.V.

Kakatapos lang ng klase ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa Faculty room narinig ko agad ang mga pinaguusapan ng mga co-teachers ko..

"Oh Sir Lazaro. Libing ng estudyante mo ngayon ahh.." sabi ni Mr. Calangian. Ang head namin.

Kung wala lang akong respeto papatayin ko din ito tulad ng pinagagagawa ko sa mga Put*ng inang estudyante ko.

Oo. Ako ang pumapatay. At ang sarap makita ang mga dugo nila na umaagos. Ang sarap sa pakinggan ng mga boses nila na sumisigaw at parang batang gustong humingi ng tulong.

Baliw? Oo.. Siguro baliw na nga ako.

Pero ginagawa ko ito.. Dahil may dahilan ako.

"oo nga po. Dadalawin ko ho mamaya."

"Ahh. Pakisabi na nakikiramay ako sa pamilya nun ahh.."

Ngumiti lang ako at lumabas.

Ginagawa ko ito.

Dahil.

PINATAY NILA ANG MAHAL KO.

At si Krissa yun.

Mahal ko sya. At kaya kong GAWIN ANG LAHAT para sa kanya.

Tatlong buwan na syang nagdadalang tao. At malapit na akong magkapamilya.

Pero anong ginawa nila?

Sinira nila iyon! SINIRA NILA ANG PANGARAP KO!

Kaya dapat din na sirain din ang kanila.

Lalo na yung Chano-ng yun!

Haha. Maghanda sya.

Ang lakas ng loob nyang kalabanin ako.

Humanda sya.

*****

Nagpunta  silang lahat sa libing ng kaklase nila.

At nagsialisan din ng matapos.

"Gagawa ata tayo ng sarili nating libingan dito." dinaan nalang ni Rhaymark sa biro..

Kahit na lahat sila ay nanghihina na dahil puno na ng kaba at takot ang kanilang puso.

Pangamba na baka may susunod.

"tapos.. Pa-alphabetical arrange pa."-Sid.

Hinampas ni Aya si Sid.

"Umayos nga kayo. Mga baliw." sabi nya.

"Malay mo.. Dito din ang katapusan naten.."

"Ayoko!"-aya.

"Di tayo dapat papatalo sa hangal na mamatay tao na yan! Gagawa tayo ng paraan.." dagdag ni aya.

*****

"Joshua. Kunin mo nga cellphone ko sa loob ng kwarto."

Agad na sumunod ang binata.

Nakita nya ang cellphone pero dahil sa dala ng kuryusidad.. Tiningnan nya ito.

May balita kasi na ang ama nya ay may kabit at mas malala na sa campus daw nila galing.

Palingon lingon pa sya nun.

At tiningnan ang mga mensahe.

 Nanginig sya sa sobrang galit..

'Kumain na ako. Ikaw? Ingat ka ahh'

'andito na ako sa school' 

At halos mabato nya ang cellphone ng ama nya ng makita nya ang litrato ni Mam Krissa..

"Joshua!"

inagaw ng ama nya ang cellphone.

"Si mam krissa.. Heh. Si mam krissa pala."

"Wala kang alam!"

"Sapat na yan 'Pa! Nagpakamatay si mama ng dahil sa iyo. Ng dahil sa kagaguhan mo! Tapos guro ko pa! Put*ng ina mo Papa!" sinuntok sya ng ama nya dahilan para bumagsak sya.

"Wag kang magsasalita ng ganyan! Anak lang kita.!"

Bumangon sya.

"At pinagsisisihan ko iyon. Tandaan mo ito! Di ko hahayaang ANAK mo lang ako! Di mo magugustuhan ang mangyayari.."

"HAH!" nagising sya.

Panaginip. Panaginip.

Bumangon sya pero nagulat sya.

Puno ng dugo ang kama nya. Pati ang kamay nya.

"A-anong.." 

"Ikaw ang may sala! Kami ang naghihirap!" mga kaklase nyang pumanaw ang nagparamdam muli.

Ngumiti lang ang binata.

"Di nyo alam ang naranasan ko! Kaya WALA KAYONG PAKIALAM! AAAAAAAARGGGGGHHHHHHHH!" pinagbuntungan nya ng galit ang salamin.

At nabasag ito. Nagkalat ang dugo. Dugo. Puro dugo.

"Joshua? Iho. Jusko Panginoon ko" nag sign of the cross ang lola nya.

Simula ng mamatay ang Kerida ng ama nya na si Mam Krissa, lola na nya mismo ang kumupkop sa kanya.

At oo.. Kabit ng ama nya si Mam Krissa.

Ng dahil dun..

Nagpakamatay ang ina nya dahil di nito matanggap na may ibang mahal ang asawa nito.

"Joshua--"

"Pinatay ko siya.."

"A-apo.. Di kita maintindihan!"

"Lola.." umiiyak na sya.

"Ako ang pumatay kay Mam Krissa.."

VOTE. FAN. COMMENT. 

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon