ARGON 20:

43 1 0
                                    

ARGON 20:

"Si Joshua, Chano! Sya na ang isusunod ni Kuya!"-Rebecca

Napabalikwas si Chano at pinilit tumayo.

"Asan sila?"

***

Agad syang tumakbo. Kahit na di na nya kaya.

Umiiyak sya dahil di nya matanggap iyon.

"Saan ka pupunta?" napatigil sya.

At tumambad sa kanya ang guro na puno na ng dugo sa katawan.

Dahil sa pagpatay nito.

"DI AKO NATATAKOT SAYO!"

Lumapit ang guro na may hawak na napakahabang bakal.

At naging pamilyar sa binata ito.

Gabi na noon ng mapagdesisyunan ni Joshua na gawin ang karumal dumal na pagpatay sa guro nya.

Doon nya tatapusin LAHAT!.

Ng dahil sa guro nya ay naging miserable ang buhay nya.

"Alam mo bang.. Ako ang kausap nya nung oras na yun?" lumuha ang Binata.

Liman bwan nang nakakalipas iyon..

Pero bakit ganon?

Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang pangyayaring iyon.

"Di mo.. Di mo alam.. Ang.. Ang pinagdaanan ko. Nawalan ako ng ina dahil sa kalandian ng nobya mo!"

"AT NAWALAN AKO NG TAONG MAHAL DAHIL SA KABOBOHAN MO!" isasaksak na sana ng guro ang bakal na iyon..

Katulad ng ginawa ni Joshua sa dating guro nya.

Pero naudlot.

"Kuya!"

Nakita niya sina Chano at Rebecca

"Rebecca.."

"Kuya--"

"SYA ANG PUMATAY KAY KRISSA REBECCA! SYA!" nakangiti ang guro.

Baliw na talaga.

Napatunganga si Chano sa narinig nya.

Napalingon sya kay Joshua..

"Ikaw?"

"Patawad." lumuha sya.

"Bakit mo.. Gi-ginawa iyon? Ang.. Ang daming.. Buhay.. Ang.. Nagsakripisyo!" naluluha na din si Chano

di sya makapaniwala. Si joshua ang may kasalanan ng lahat!

"Patawarin mo ako.."

"SA TINGIN MO BA GANON LANG IYON?!" Napaluhod si Chano sa sobrang galit.

"Tingnan mo nga naman.. Mga magkaka-klase lang din naman pala ang magpaplastikan.."-Kuya.

Nagulat silang lahat ng biglang itusok ang bakal kay Joshua.

"AAAAAAAAAAAHHHHHH!" sigaw nya.

Inikot ang bakal at tuloy-tuloy ang tulo ng dugo.

Nabutas na ang tyan ng binata.

"TAMA NAAAAAAA!" Lalapit na sana silang dalawa ngunit may hawak itog itak sa kanang kamay nito.

At biglang bumitaw sa bakal na iyon ang Guro.

"Ikaw.. Mr. Chano Calica.. Yabang lang naman ang meron ka ahh.. Heh.. Nagsisisi ka ba? Nagsisisi ka ba kung bakit napasama ka sa klaseng ito?"

Umaatras silang dalawa ni Rebecca at Chano..

Umiiyak na sila.

"Kuya.. Ta-tama na--"

"TUMAHIMIK KA!"

Natigil sila.

"Malapit ng sumikat ang araw.. AT MALAPIT MO NA DING MAKASAMA ANG MGA KAKLASE MO SA IMPYERNO! YAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" 

Napapikit si Chano.

Pinagtatataga nya ito hanggang sa mahati ang katawan nya..

Pero mali ang guro.

"Ku-kuya.."

Nanlaki ang mata ni Chano at ng Guro..

"REBECCAAAAAAAAA!!!"

Hinarang pala ni Rebecca ang tagang iyon na sana ay si Chano ang makakatanggap!

"Kuya.." biglang natumba ang dalaga.

Nalaglag ang itak ng guro..

"Anong.. Anong.. Ginawa ko.." napaurong ang guro.

"PINATAY MO ANG SARILI MONG KAPATID!"-Chano.

"DI KO GINAWA YUN! IKAW! IKAW! IKAW ANG PUMATAY!"

"HAYOP KA TALAGA KAHIT KAILAN!"

Lalapit sana ang guro kay Chano. Kaso huli na ang lahat.

Nakabangon si Joshua..

Kahit na hirap sa kalagayan nya ang tumayo ay pinilit nya.

"Ka-KASAMA KA.. NAMIN SA IMPYERNONG SINASABI MO!!" at doon nagsitalsikan ang dugo ng guro.

"AAAAAAAAAAHHHHHH!" Katulad ng pagpatay nya kay mam Krissa.

Nanghina si Chano.

"Tu..tumakbo.. Ka-ka na.." sabay bagsak ni Joshua.

Tumakbo si Chano kahit na nanghihina na sya.

At doon nya nakita ang mga kaluluwa ng kaklase nya.

"So-sorry sa lahat. Patawarin nyo.. Ako." nawalan sya ng malay.

At bumagsak.

***

Napabangon sya dahil sa sikat ng araw.

At dun nya nalaman na nasa hospital na sya.

Napalingon sya sa pintong bumukas.

Nakita nya ang ina nya.

"Anak ko." niyakap sya nito..

Nakita nyang lumuluha ito..

"Ma." sinubukan nyang magsalita pero walang boses na lumabas sa bunganga sya

"Anak?"

'Ma!'

"Anak--" napalingon sila sa pinto

Duktor pala.

"Doc. May problema po ata sa anak ko!"

"Kami na pong bahala sa kanya. Ieexamine po sya ng kasama kong duktor."

Napatingin ang ina sa anak nya at lumabas na sila.

Bumukas ulit ang pinto.

At nakita nyang may hawak itong kutsilyo.

Napaupo si Chano.

At nanlaki ang mata nya.

'sir?'

"Di ka makapagsalita?"

'PATAY KA NA DI BA?' pero wala pa ring lumalabas sa bibig nya.

Lumapit ang guro.

At nagsimulang manginig ang buong katawan nya.

"DI PA TAYO TAPOS! HAHAHAHAHAHAHA!!"

"WAAAAAAAG!!"

VOTE. FAN. COMMENT.

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon