ARGON 3:

191 11 10
  • Dedicated kay Madeline Williams
                                    

ARGON 3:

Mejo tahimik ang klase.. Ang tanging nagiingay lang ay sina Rhaymark,Aron,Dime,Jeff.Amiel,at maging si Chano ay nakikisali na rin..

Ang mga ibang babae naman ay dumadaldal.. Yung iba naman ay tahimik lang..

"Ang ingay ng Argon!" may sumigaw na estudyante mula sa labas.

Binuksan ni Rani yung pinto.

"Mga KRIMINAL na nga ANG DADALDAL PA! Wala na ngang laman ang UTAK! kung makaasta ALAM NA NILA ANG LAHAT!"

Nabanas si Chano nun kaya kinuha nya yung matulis na pencil sa nag ii-sketch na si Kristopher at binato ito sa babaeng dada ng dada..

Natamaan nya ang mata nito..

"AAAAAHHHH! ANG SAKIT!!"

sinarado ni Rani yung pinto at tawanan sa klase.

"dadada pa ehh! Put*ng ina dun sya sa clinic dumada!!" nagsihiyawan ang iba..

Di na makakapalag ang iba..

Ano na naman ang mangyayari kung isigaw nila na "Tama na Chano! Di na kayo nakakatuwa"

wala naman diba?

Kaya.. Para san pa?

Nagulat lang sila ng biglang kumalabog ang pinto..

Si Mr. Calica.. Ang principal..

"Chano.. In my Office NOW!"

*****

"suspended ka for one week.." sabing pormal ni Sir Calica.

"but dad! Sila nagsi--"

"Nasa school tayo so you should call me 'Sir' not 'Dad.' and isa pa dapat nga maexpel ka na dito ehh"

"Fine! Sir! Sila nagsimula--"

"Then? Tinusokan mo agad sila ng Pencil? Ano bang nasa utak mo! Di ko na alam kung pano ka idi-discipline! Anak kita! Principal ako! Ano nalang ang sasa--"

"mas importante pa ba ang sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman ng anak nyo? Heh.. Oo nga naman.. Ampon lang pala ako.."

Napahinga lang ng malalim ang Ama ng binata.. Tila sumusuko na..

"Community service for 4 hours.."

"what? As in--"

"And your suspended for one week.." tumayo ang Principal..

"Di ko gagawin yan!" umalis  si Chano..

Padabog nyang sinara ang pinto..

"Ouch!" nabungo nya yung isang Janitor.

Si Manong Arturo.. Matagal na sya dito..

Hinawakan ni Chano yung dibdib nya dahil may narmdaman syang mainit dun..

Dugo..

"pasensya na.." tumalikod si Mang Arturo hawak ang kanyang mop na bakal..

"that's bullsh*t! Argh!"

*****

Napatahimik ang lahat ng Argon nung may pumasok na babaeng nerd sa harapan nila..

Nakayuko ito..

"Hi! I-I am R-Rebecca C-Carino..*gulp* t-transfer ako dito.." nanahimik lahat..

Parang ayaw magsink in sa utak nila yung mga katagang sinabi ng Babae..

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon