ARGON 8:

137 8 10
                                    

ARGON 8:

Sa 47 na estudyante ay 32 na lamang ang natira sa nasabing paaralan sa isang seksyon sa ikatlong taon.. Sinasabing naghihiganti daw ang namayapang guro na ang dahilan ng pagkamatay ay ang kanyang mga estudyante....

Pinatay na ni Chano yung TV nila..

Nanlumo sya..

"Kami ang laman ng balita ngayon" sabi ni Chano sa kakauwi lang na Ina..

"Good News ba yan? Ano?" nakangiti pa ang ina nito sa kanya..

"Hindi.."

Napalitan ng seryosong mukha ang ngiti ng ina..

"Madami ng nangyari Mom.. Pero.. Im sure na isa dun ay wala kang alam.."

"Chano --"

"Tutulog na ako.."

*****

"Lumayo kayo Chano.. Lumayo kayo.."

Hinabol niya yung paghinga nya..

"Alas tres na pala.." sani nya ng mahina..

Lagi nalang syang nagigising ng ganung oras..

At lagi ring ganon ang panaginip nya..

Madilim.. Tapos may boses.. Sasabihing : "Lumayo na kayo.."

Alam nyang si Miss yun..

Ang di nya lang malaman ehh kung bakit lagi nalang yun ang panaginip nya..

Lalong sumakit ang ulo nya sa kakaisip..

Sa panaginip nya. Sa mga kaklase nya. Sa section nila. Di na nya alam ang gagawin..

Tumayo nalang sya at balak na lumabas..

Pagkalabas nya ay agad syang napasara ng pinto..

Nakita nya yung mga kaklase nyang namatay..

Hinahabol nya yung paghinga nya. Pawis na pawis..

"Chano.. Tulungan mo kami.." parang boses ni Jonathan..

"Lu-lumayo kayo.." napaupo na sya..

Nagulat lang sya ng biglang nagsipasukan yung mga kaklase nya..

"Chano.. Tulungan mo kami.."-Karlo

"Ba-bakit ba! Umalis na kayo please! Layuan nyo na ako!"

pilit nyang sigaw

"Hanapin mo pumatay sa amin.."-Amiel

"di ko kayo matutulungan! Ayaw ko--"

"asa classroom sya Chano.. Iniisa na nya tayo.. Chano gamitin mo utak mo.."-Jeff..

Nawala na parang bula lahat ng espiritu..

Tanging hikbi lang nya ang naririnig nya..

"Chano! Chano are you okay?!" pumasok sa loob yung mom nya..

"Mamatay na ako.." tiningnan nya sa mata ang nanay nya..

Pero laking gulat nya ng wala itong ulo..

"MOM!" tinulak nya ito.. Kaya napaupo ang ina..

"Anak ano ba!" sabi ng ina nya..

Napatayo si Chano..

"Wa-wala kayong.. U-ulo.."

"Ano?!"

"Anong nangyayari dito?!" ngayon ay tatay na ni Chano ang nasa kwarto niya.

"Si Chano.. Nanaginip ata.." sabi ng ina nya..

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon