ARGON 18:

70 0 0
                                    

Argon 18:

"Hindi pwede yang plano mo aya! Wag ka namang maging makasarili!--"

"kung ayaw mo ako gagawa! Heh. Pare-parehas lang pala kayo.." umalis na sya.

Imposibleng gawin yun!

Napatingin sya sa mga kaklase nya. Imbes na sa school agad sila pumunta dumiretso sila dito sa libingan..

Mukhang dito na din ang katapusan nila.

***

"Kapatid ko sya."

"Pero bakit mo ginagawa ito?"

Laking taka ni Chano.

"d-Di ko na kaya.. Nagpapakita na sila sa akin! S-si.. Ate Krissa.. Mahal ko sya.--"

"Di ako ang pumatay sa kanya."

"Alam ko. Kilala ko."

Di akalain ni Chano ang lahat ng naririnig nya ngayon.

"Si-sino?"

"Si--"

*Kring! Kring! Kring!*

tumunog ang telepono ni Chano.

Tiningnan nya ito at nagdalawang isip bago sagutin..

"chano!"

"Rhaymark bakit--"

"Si aya.. May pinaplano sya! Susunugin nya ang lumang gym! Kasama ang buong klase! Bilsan mo!"

"Ano!"

"Bils----"

Di na nya narinig pa ang boses ng kaibigan.

"Putang.."

"Anong nangyari?"

"Kailangan na nating umalis!"

Tinakbo nila ang kanilang paaralan.

Wala sa kanila kahit na malayo ito.

Patingin-tingin sya sa orasan nya. Bago mahuli ang lahat.. Nais nyang maitama ang lahat ng maling nangyari sa seksyon nila.

Alas syete na ng gabi ng makarating sila sa loob ng school.

Pinagpapawisan na sila no'n.

"Nakalock yung Main Gate!" sigaw ni Rebecca.

Nababalisa na si Chano..

Tama.

"Sa likod! May sirang gate doon!" bigla silang tumakbo doon.

***

"Anong gagawin naten dito sa loob ng gym?"-Jeine

"Pagod na kami Aya. Ano na naman bang pakulo ito?"-Janel

"TUMAHIMIK KA!" 

Nagpaulit-ulit ang boses na iyon.

"Hahahah!"

"Nababaliw ka na."-Jonalyn.

"Siguro nga. OO!! HAHA! Ang galing nyo! Ayokong humantong pa sa.. Paisa-isang pagpatay.. At ayoko pang matapos buhay ko! Kaya.. Sisimulan kong tapusin ang sa inyo!"

"Nababaliw ka na talaga! Ano bang nahithit mo ha?"-Claude

"Nagpapatawa ka ba?"-Regina

"TUMIGIL KAYO!".

At sinabi nya ang mga salitang..

"AKO ANG KILLER! AKO ANG PUMATAY SA KANILA! AKO! AKO YUN!"

"Tumigil ka na sa kahibangan mo! Aalis na kami."-Hilary

"Sa tingin mo ba kaya mo yun? Heh. Baliw!"Meagan

"SABIHIN NYO NA LAHAT NG GUSTO NYONG SABIHIN! DAHIL MAMAYA KATAPUSAN NYO NA!"

***

Tinakbo nila ang lumang gym.

Ng may humarang.

"Ma-mang arturo.."-Chano.

"Saan ang punta nyo?"

Napatigil sila sa pagsasalita.

Napalunok ang binata.

Lumapit ang Janitor.

"REBECCA TUMAKBO KA NA!" tumakbo agad ang dalaga.

"PINATAY NYO ANG ANAK KO!"

Napatigil sya.

"A-anak?"

"Anak ko si Krissa! PINATAY NYO SYA" At agad na itinusok ni Mang Arturo ang bakal ng mop nya.

Natamaan sya sa balikat kaya naman natumba sya. Pero ng ipagdiinan ng matanda ang bakal ay agad nya ito inikot at itinusok sa tyan ng matanda.

Di nya kinaya kaya natamaan din sya. May mga dugo din na umaagos na.

"PINATAY NYO.. ANG ANAK KO!"

di sya makapaniwala..

"ULILA NA SYA!--"

"AKO ANG AMA NYA.." Sabay hagis sa kanya ng bakal at natamaan sya nito sa paa

"AAARGH!"

"MAHAL KO ANG ANAK KO PERO ANONG GINAWA NYO HAH!"

 "DI KO KASALANAN IYON! WALA!-"

at itinusok nya iyon sa matanda! Tumalsik ang dugo..

Napakaraming dugo. Natulala siya saglit.

"Wala akong kasalanan.." sabay bitaw nya sa bakal..

Ng makarinig sya ng malakas na pag sabog..

Mula sa..

LUMANG GYM!

***

Dali-daling tumakbo si Rebecca papuntang gym. Pinilit nya pa itong buksan.

"Anong.. Gagawin mo!" narinig nyang sigaw ng kaklase nya.

"PAALAM NA!" At dun sya nagulat..

"BUKSAN NYO ITO!!"

Nakasilip sya sa isang bintana..

Kita nya lahat.

Itinali lahat ng mga kaklase nya at sinimulang sindihan ang bawat paligid nito.

"Hindi. HINDI!" Sigaw nya.

Pinilit nyang pumasok at nagkanda sugat-sugat na sya.

"AYA TAMA NA!" Hinahatak na si Aya ni Rhaymark.

Baliw na talaga sya.

"AYA! TAMA NA! MALI ITO!" Sigaw ni Alyssa.

"LAHAT KAYO MAMATAY!" Biglang tumakbo palabas ang dalaga.

At biglang may pagsabog na naganap.

***

Agad na tumakbo si Chano papunta sa Lumang gym ng makasalubong nya si Aya.

"Chano!"

"A-aya?"

"Heh. buhay ka pa pala?"

"ANONG GINAWA MO SA KANILA! BAKIT--"

"PATAY NA SILANG LAHAT! HAHAHA! WALA NA AKONG PROBLEMA!" napailing lang si Chano at tinakbo ang Gym.

At agad na tumakas si Aya.

***

Napatigil si Rebecca at nanlaki ang mata.

Nagsitalsikan ang mga dugo at ang mga lamang loob.

"HINDEEE!!!" hagulgol nya.

VOTE. FAN. COMMENT. 

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon