EPILOGUE:

69 4 3
                                    

EPILOGUE:

Chano's P.O.V.

Nagising ako at hinawakan ko ang mukha ko.

Agad akong napabangon at nakita ko ang mukha ko sa salamin.

"Parang.. Totoo?" agad akong lumabas at nakita ko ang mga magulang ko na nagaalmusal.

"MA! PA!" sambit ko.

Agad silang napalingon sa akin na may pagkagulat.

"Oh Anak! Kain ka na! Gising ka na pala." 

di ako makapagsalita.

Totoo ba lahat yun?

Napailing na lang ako.

"Maaga kang pumasok ngayon ha. May mga bisita tayo mamaya sa school taga Division."

Tumango nalang ako.

Di ko na masyadong inisip lahat nun.

Ayoko ng pangayayaring yun! Parang totoo. Nakakakilabot.

Dumating ako sa school ng ligtas.

Balisa ako. Parang.. Totoo yung pangyayari! Baka mamaya may sumaksak sa akin sa likod--

"Chano!" napalingon ako sa likod.

"Evanson?"

"Huy! Tulala ka ahh!"

Patay sya diba? Napailing nalang ako.

Hinawakan ko ang mukha nya.

"Tol ano yan?"-Rhaymark

"Bakla ka ata talaga eh!"-Dime.

Di ako makapaniwala.

Panaginip nga lang talaga ang nangyari.

Tumaas na kami dahil sa nagring yung bell.

Nakita kong nagkakagulo pa ang klase.

"WOOOOHOOO! andyan na yung president!"-Amiel.

"Oh guys tahimik na!"-Dime.

Panaginip lang yun!

Tama. Dahil..

Ang totoo nyan.

Mahal namin ang isa't isa.

Nagtutulungan kami. Kahit na ganito kami.. Nagpapakita naman kami ng pagpapahalaga sa bawat isa.

Lahat magkakaibigan.

Lahat nagtutulungan.

Laging may tawanan.

Nagsibalikan na sila sa upuan nila.

Nakita ko sila Aya.

Nginitian niya ako.

"Mukhang malalim iniisip mo ah?"-Aya.

"Wala naman akong iniisip." ngumiti ako pabalik.

Tingningnan ko mga kaklase ko.

Okay lahat.

Pero bakit.. Ganon ang panaginip ko?

Natawa nalang ako.

Napalingon ako sa pinto.

Si Miss.. Adante.

Tumayo kami at binati sya ng buong giliw.

"Good Morning ma'am!" sinabi namin sabay-sabay.

"Good Morning din!" umupo na kami.

Ng magkaroon ng kansyawan.

"Gumaganda lalo si Mam ahh!"-Rani

"Ayieeeeeeeeh!!"mga iba kong kaklase

"Tumigil nga kayo. Okay anyway. Ahm. May.. Bago kayong teacher--"

"Maganda po ba sya tulad nyo?"-Jeff

"Tsk! Loko talaga kayo ah! Di sya maganda okay.. Kasi lalaki sya.."

napatawa kaming lahat.

Mahal talaga namin itong gurong ito.

Sya si Mam Krissa Adante. Teacher namin.

Malabong mangyari yung sa panaginip ko. Kasi kaming lahat mahal sya.

Nakita kong umupo si Joshua sa tabi ko.

"Kunin ko yung notebook ko sa chemistry.."

oo nga pala.

"Salamat nga pala" binalik ko na sa kanya yung notebook nya.

"Chano."

"Oh?"

"May.. Napanaginipan nga pala ako." napalingon ako kay Joshua..

"Hah?--"

"--Mr. Lazaro. Bago nyong teacher sa chemistry. Mag reresign na kasi ako dahil sa may aayusin ako--"

Napalunok ako.

"Hi everyone. I'm your new teacher. You can call me Sir Yohan na lang. Masyadong pormal ang Sir Lazaro" ngumiti sya.

At ikinilabot ko.

Sya yung teacher sa panaginip ko.

~W A K A S ~

OLIE'SNote:

Thanks sa mga nagbasa. Unang story ko ito na about sa Mistery.. Kung ka mistery-misteryo nga ba..

Salamat kasi sinuporta nyo..   

Sa mga kaibigan ko. Sa mga readers! Haha!! XD.

Thanks talaga.

Lalo na sa III-Argon ng BNAHS. Sila ang inspirasyon ko sa istoryang ito. Nakanaman! XD

Saka sa III-Astatine. Mga mababait din yun! Yung IBA!xD.

Nga pala. Inuulit ko. Walang damay na mga FAMOUS dito. Saka wala akong cast kasi puro kaklase ko nga ang andito. Lam nyo na.. Exposure.

Ito na talaga ang dulo. Maraming salamat hah! XD

-Olie:)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YR. AND SEC.: III-ARGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon