Part 4

1 1 0
                                    


Lumipas pa ang ilang araw. At mas lalo pa kaming naging malapit sa isa't isa ni Justin.

Araw-araw sabay pumapasok, pati pag uwi sabay rin. Minsan nga nagtataka na si Shiela. Kung kami raw.
Pero lilinawin ko sainyo. Hindi kami.
Hindi talaga. Oo minsan parang kami pero hindi talaga e. Tsaka nga sabi ko sainyo ayoko muna sa ngayon. Hindi pa kasi ako sure tsaka baka magaya lang siya sa mga ex ko. Ayoko mangyari 'yon. Ayoko siyang saktan.

Sabado ngayon at walang pasok. 'Yong ibang ka-boardmate namin umuuwi pa rin. Si Shiela umuwi rin may emergency daw kasi sa kanila. Kaya ang tahimik lang dito.

Jea. Labas tayo. :)

Nag reply naman ako. Tapos bumaba na rin.

"Saan tayo pupunta? Hindi kaya ako nag ayos. Naka pambahay lang ako."

"Okay lang 'yan.. doon lang naman tayo sa Park"

"Ah okay. Tatambay lang? Uhm tanong ko lang Bakit hindi ka rin umuuwi sainyo kapag weekends?"

"Masyadong malayo eh."

"Ah. Parehas pala tayo."

Habang naglalakad hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya..

"Ang dami mo pa lang taling sa mukha ano?" Bulalas ko.

"Napansin mo pala?"

"Yeah. Maliliit lang 'yong iba."

"So tinititigan mo pala talaga 'yong mukha ko?"

"Ha?? Ano? Hindi Noh! Napansin ko lang"

"Eh bakit nauutal ka dyan?"

Oo nga. Bad trip!

Lately napapansin ko may kakaiba e. Bukod sa mas lalo akong gumaganda. Charot! Haha Bonus na 'yon.

Seriously, Iba talaga. Hindi naman ako ganito dati e. Anak ng! May kukukulam ata sakin e.

"Jea?"..

"Ay sorry.. ano nga sabi mo?" Lutang na naman kasi ako e.

"Sabi ko kung kilala mo 'yong lalaki"

"Ha? Sinong lalaki?"

"Yung nasa may labas ng kotse na blue.. "

Hinanap ko naman 'yong sinasabi niya.

Searching.. searching.. locating..

...

..

.

"Kent?" Isa siya sa mga ex ko.

"Oh edi kilala mo nga, kanina pa kasi siya nakatingin sayo"

"Nako.. Nako.. tara doon na lang tayo sa may bench. Parang nakaramdam ako ng pagod e, upo muna tayo"

Hinila ko naman si Justin at mabilis na umalis sa kinatatayuan namin.

"Anong meron?" Pagtataka niya.

"Uhm. Wala lang! Hihi"

"Ex mo?" Psh. Madam Auring talaga.

Tumango na lang ako bilang sagot.

"Oh bakit mo tinataguan?"

Luh. Bakit nga ba? -.- Ewan.. 'di ko rin alam. Tamo! Sabi ko sainyo e. May iba talaga sakin ngayon. Pansin niyo ba?

"Ewan?"

"Ngek? Baka naman inutangan mo, tapos 'di mo binayaran."

"Baliw! Hindi. Siguro nahihiya lang ako"

HOW TO LOVE? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon