Part 12

3 1 0
                                    


*tiktilaok*

Kinusot ko ang mata ko. Parang... ay oo nga pala, wala ako sa bahay namin.

Rinig na rinig ko naman ang tawa ni Shiela mula sa salas. Napapaano kaya 'yon? Wagas ah. 

Mayamaya.. narinig ko na rin ang pagtawa ni Justin. Aww. Namiss ko 'yong tawang 'yon.

Bumaba na ako sa double deck. Pero bago ako lumabas ng kwarto syempre tumingin muna ako sa salamin. Baka kasi may tuyu pang laway. Pero duh! Di naman ako naglalaway pagtulog noh. Double check lang para iwas pahiya.

Okay.. maganda parin. Eto talaga ang masasabing I woke up like this. Selfie muna. Char!

Sumilip muna ako, bago lumabas ng kwarto. Nandun sila lahat sa salas. Ugh. Parang ayoko nang lumabas.

Oh ano Jea? Ngayon ka pa aatras? Ngayon ka pa panghihinaan ng loob? Kung kailan NANDYAN na siya. Abot kamay mo na? Sige ka! Magpaganyan ganyan ka pa, kapag yan nawala na naman sayo. Tatawanan pa kita!

UGH. Pati sarili ko inaaway ko na.
Okay ito na talaga. Lalabas na ako.

"Hayyyyyy" Hikab ko sabay unat ko ng kamay. Ala-ala kakagising ko pa lang talaga.

"Ohh? Gising na pala e, akala ko bubuhusan ko na ng tubig." Pagbibiro ni Shiela.

"Dyan na muna kayo.. pupuntahan ko lang 'yong baboy na binili ko, panghanda natin mamaya" pagpapaalam ni Lolo Nestor.  Oo nga pala. Noche buena na mamaya.

"Ako naman may lulutuin na sinukmani..Shiela gusto mong tumulong?" Sabi naman ni Lola Ninita.
"Ay Opo! Gusto ko yan."

Aba at bakit nag-aalisan ang mga taong ito?? Nakakahalata na ako ha.

"Ikaw naman.. maupo ka lang dyan" inakay ako ni Shie at pinaupo sa sofa.. sa harap ni Justin. Tapos nag alisan na sila. Samantalang naiwan kami ni Justin dito.

Okay! Awkward to the highest degree.

Anebe.. umimik ka naman Justin.

"So? Kamusta?" Finally!!

"Ah okay lang naman.."

"Weh?"

Weh? Anong Weh? Grabe siya Ha.

"Bakit ka pumunta dito?" Tanong niya habang nakangiti pa ng sobrang lapad. Ugh!

"Uhmm. Ano.. Ano Kasi, si Shiela! Oo si Shiela, gusto ka sanang bisitahin, na-miss ka ata"

"Sus. Baka naman ikaw ang nakamiss sakin. Sa pagkakakwento kasi ni Shiela eh, ikaw itong nagdesisyon na pumunta dito. Grabe, hindi ko akalaing gagawin mo ito. Sobra akong nagulat nung magtext ka na pupuntahan mo ko dito."

"Ha? Text? Paano naman kita itetext? Eh wala naman akong number mo."

"Weh? Sure ka?"

Aba loko to ah!

"Oo Kaya. Hayy nako, umaga na pero nananaginip ka pa rin."

"Wait lang.." inilabas niya 'yong cellphone niya. Tapos ngumiti pa ng nakakaloko ano kaya 'yon.

Bigla ko namang narinig na tumutunog ang cellphone ko.

"Wait lang ha?" Paalam ko pa sa kanya. Kukunin ko lang phone ko. Baka sina tita mommy ang natawag e.

Pagtingin ko.. si Marco. Aba? Himala tumawag.

So sinagot ko na.

"Hello?"

Hindi siya sumagot.

"Hoy! Hello!" Tapos bigla siyang tumawa.

Napasilip naman ako sa labas.
Nakita kong may kausap si Justin sa cellphone.

HOW TO LOVE? (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon